Chapter 21

723 61 8
                                    

TULALA ako sa harap ng vending machine habang hinihintay na iluwa niyon ang bottled coffee. Pagkabagsak ng sealed bottle ay agad kong dinampot iyon at binuksan. Tinikman ko ang kape.

Literal na tumalsik ang antok ko nang may umagaw ng bote sa kamay ko. Si Mayor! Nakatunganga ako sa kaniya habang tinungga niya ang natitirang laman ng bote. Hindi man lang ako tinirhan.

"Let's go back, baka hanapin ka ni Vince." Hinapit niya ako sa baywang.

"Ano, ah-" hindi na ako nakapagsalita pa at nagpatangay na lang sa kaniya.

Parang broken arrow ang mga mata ng nurses sa station nang dumaan kami. Tiyak magiging laman kami nang usap-usapan dito. Gustuhin ko mang umiwas na ma-tsismis si Mayor pero siya itong walang pakialam sa ikinikilos niya.

Hinatid niya lang ako sa silid ni Vince. Pinuntahan niya ang doctor para itanong kung kailan pwedeng i-discharge ang anak namin.

Yumukyok ako sa higaan ng bata. Tulog ito at tuluyan nang bumaba ang lagnat. Umepekto kaagad ang gamot na inilapat sa kanya. Apat na taong gulang na si Vince at malikot. Pumupuslit sa labas ng bahay kapag nalingat ang yaya kaya hindi maiiwasang dapuan ng sakit lalo na 'yong flu na airborne.

Kahit papaano ay lumuwag nang kunti ang dibdib ko. Ayaw ko munang isipin masyado ang sinabi ni Yanixx kanina roon sa sasakyan. Siguro may ibang paraan para mapagbigyan namin ang gusto ng bata. Tiyak ko kasing hindi papayag si Mama na tumira roon sa bahay ng lalaki. Sa sigalot na nangyari sa pagitan namin, alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin humupa ang sama ng loob ni Mama na nagsimula pa noong nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya.

Umunat ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Yanixx. 'Yong dilim ng mukha niya ay nakasanayan ko na lang at pati na mga panga niyang nakaigting. Tuwid akong naupo ng maayos sa easy chair at ikinuyom ang mga kamaong nakadiin sa aking mga hita.

"Let me know if you decide to move in. I'll be in the office tomorrow, four pm."

Napalunok ako. Hindi niya ako lulubayan kung hindi ko siya bibigyan ng matinong sagot o kaya ay tanggihan na agad.

"Hindi ako lilipat. Pwede namang bisitahin ko araw-araw si Vince, sa umaga bago ako pumunta ng school at sa hapon bago ako umuwi. Dadaan ako roon sa inyo. Pupunta rin ako every weekend para may bonding kami." Gusto kong palakpakan ang sarili dahil naitawid ko ng maayos ang pagsasalita nang hindi nabulol.

"That stubborn head of yours will put us all in more trouble. Pati anak natin nadadamay sa tigas ng ulo mo!"

"Huwag tayong mag-away rito, Mayor. Baka magising si Vince."

"At diyan ka magaling, lagi mong ginagawang pananggalang ang bata, selfish brat!"

Nagpanting ang tainga niya. "Hindi ako selfish! Hindi mo alam kung ano'ng isinakripisyo ko para..."

"Para kanino? Sa imaginary boyfriend mong hanggang ngayon ay hindi mo maipakilala sa akin? Kung hindi dahil sa kasinungalingan mo hindi tayo aabot sa ganito, Ace."

Tumahimik na lamang ako. Oo, nagsinungaling ako noon. Pero marami siyang hindi alam sa mga ginagawa ko para sa kanya na kahit sabihin ko pa ngayon ay wala na ring kuwenta dahil marami na ang nagbago lalo na sa kanya. Ako lang at ang nararamdaman ko ang hindi nagbago dahil kontento na akong nakikita siya sa kinalalagyan niya kasama ang anak namin.

Yumuko ako, tanda na ayaw ko nang palawigin pa ang pagtatalo. Naririnig ko ang mahina niyang pagmumura buhat sa likuran ko. Hindi ako sumubok na lumingon, baka babangungutin ako kung makita ko ang galit niyang mukha. Dinakma ko na lang ang kanang kamay ni Vince at muli akong yumukyok sa kama.

Sakto ring pumasok ang nurse kaya hindi na rin siya humirit pa. Dala ng matinding pagod ay hindi ko na naawat ang antok pagsapit ng ala-una ng madaling araw. Nanaginip pa akong lumipat ako sa couch kasama si Vince.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now