Chapter 10

572 43 8
                                    

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang sunod kong ginawa matapos mag-sink in sa sistema ko ang sinabi ni Engineer.

Buntis ako!

Bakit hindi ko man lang iyon na-anticipate gayong wala naman kaming preno ni Mayor at lalong hindi ko maalalang may protection kaming ginamit. May isang beses na binalot ni Mayor ang sarili pero nagkaroon ako ng allergies kaya hindi na siya umulit. Ayaw rin niyang uminom ako ng contraceptive pill.

"Ace!"

Natauhan ako at tumigil sa pagtakbo pero hindi ko binitawan ang kamay ni Engineer. Kinaladkad ko siya kanina.

"Stop running, baka kung mapaano iyang nasa sinapupunan mo," may kalakip na tigas sa kaniyang tinig.

Hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya at tulirong nagpalinga-linga. Kapag binitawan ko siya baka puntahan niya si Mayor at sasabihin niyang buntis ako. Hindi pwede. Ayaw kong malaman ni Mayor!

"Huwag n'yo po sabihin, pakiusap! Huwag po..." napaiyak na ako sa matinding desperasyon at kulang na lang ay bumigay na ang utak ko.

"Si Yanixx ang ama niyan?" mahina niyang tanong. Nag-iingat na hindi marinig ng iba ang sinabi niya. Nasa sidewalk lang kasi kami.

Umiling ako. Nanginginig. Ang ulo ko ay kumikirot. Nanlalamig ang buo kong katawan. Gusto kong mag-deny pero maniniwala ba siya?

"Calm down." Hinaplos niya ang ulo ko. Pilit akong pinapakalma. "Balikan mo muna ang mama mo, nag-alala na iyon. Sasamahan kita at ihahatid ko kayo pauwi." Naaninag ko sa mga mata niya ang kakaibang emosyon. Tika pinaghalong galit na hindi niya mapakawalan at sakit na ayaw niyang palayain.

Nagtataka si Mama nang mahanap namin siya sa gulayan. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Engineer Irlan. Pero hindi siya nagtanong. Ngayong nagbunga ang patago naming relasyon ni Mayor, hindi na ako pwedeng magsinungaling sa aking ina.

Hindi ngiti ang naging regalo ko sa aking kaarawan kundi iyak ni Mama na alam kong pinipilit lamang kontrolin ang kanyang sarili para huwag akong saktan. Hindi ko naman siya masisi. Kahit sinong ina, hindi ikatutuwa ang maagang pagbubuntis ng isang anak na sagisag sana ng mga pangarap ng pamilya sa hinaharap. Binigo ko siya, binigo ko sila nina Lolo at Papa kaya tanggap ko ang galit at sama ng loob gaano man iyon kalalim at katagal mawala.

Hindi ko na sinubukang umimik pa at ipagtanggol ang sarili habang kaharap ko silang tatlo sa munti naming sala. Wala din naman akong paliwanag at kahit mayroon pa hindi niyon mababawasan ang aking pagkakamali. Nakayuko lang ako at pasulyap-sulyap sa may paanan ni Mama. Naroon ang handcarry na naglalaman ng perang binigay sa akin ni Mayor.

"Noong araw na dinala mo rito ang bag, nagduda na ako. Kaya tiningnan ko 'to noong wala ka. Dito mo pa talaga itinago. Paano kung nginatngat ng mga daga iyang pera, may pangbayad ka? Gusto kong isauli mo iyan ngayon din," matigas na pahayag ni Mama sa pagitan ng hikbi at pagpupunas ng mga luha. Gaya ko kanina pa siya umiiyak.

Tumango lang ako. Nakayuko pa rin. Hindi ko alam kung kailan ko ulit sila matingnan ng tuwid. Kinagat ko ang labi nang makawala ang impit na tangis sa aking lalamunan.

"Ace, pinagkakatiwalaan kita. Tapos ganito lang? Masasayang lang ba ang tiwala ko sa iyo? Akala ko ba matalino ka? Hindi ako nagkulang ng paalala sa iyo at kampante ako dahil sabi mo huwag akong mag-alala." Tagos sa buto ko ang pait sa bawat salita ni Mama.

Hindi pa rin ako kumibo at patuloy lang pagluha. Ayaw kong magalit sa sarili ko. Baka madama iyon pati ng binhing pumipintig sa aking sinapupunan. Ayaw kong madama ng anak kong kasali ito sa pagkakamaling pinagsisihan ko ngayon. Kinapa ko ang aking tiyan at marahang hinaplos. Hindi kasali ang anak ko. Wala itong kasalanan at kahit kailan hindi ko ito ituturing na pagkakamali.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now