Chapter 30

750 45 8
                                    

Hindi ako makapagpasya kung sasabihin ko ba kay Yanixx ang tungkol sa tagpo namin ni Engineer Irlan noong isang araw. Hindi ko pa kasi nasabi sa kaniya at tiyak hindi magugustuhan ni Mayor kung sa iba niya malaman. Magkakagulo na naman kami kung ililihim. Kung tutuusin ay simpleng bagay lang naman iyon at hindi na dapat gawing komplikado pero bakit parang ang hirap piliin kung ano ang tama? Alin man sa dalawa ang gawin ko maaapektuhan pa rin si Yanixx.

Huminga ako nang malalim at nilikom ang mga librong ginamit ko sa pag-review. Nagawi ang paningin ko sa school resolution na pinakiusap sa akin ni Dr. Riza para maihatid sa opisina ni Mayor. Resolutions iyon para sa financial assistance ng livelihood program na ilulunsad ng university with partnership sa Tesda at for approval ni Mayor Yanixx.

"Carla, okay na 'to," tinawag ko ang kaklase ko. Manghihiram din siya ng libro.

Mabilis na umalis sa kaniyang upuan  si Carla at lumapit sa akin.

"Ace, may vacant ka ba bukas ng hapon? May meeting kasi ang student org para sa foundation week natin at gusto ka naming imbitahin." Nilapag ni Carla sa table ang communication letter na naglalaman ng imbitasyon mula sa student organization. Si Carla ang representative ng section namin.

"Kung walang quiz pwede siguro akong mag-excuse." Binasa ko ang letter. Alas-tres ng hapon ang meeting.

"Iko-confirm ko ba sa committee na dadalo ka?"

Tumango ako at kinapa sa loob ng aking bag ang tumutunog na cellphone. Kumaripas ang tibok ng aking puso nang makita ang profile ng caller. Si Yanixx. Lumapit ako sa may bintana.

"Hello," mahina kong sagot, pasulyap-sulyap kay Carla na inaayos ang mga libro.

"I was about to believe that I'm seeing a beautiful illusion right now," may halong kapilyuhan ang tono ni Mayor sa kabilang linya.

Napangiti ako. "Ano'ng pinagsasabi mo?"

"May nakikita kasi akong magandang babae sa may bintana ng building na tinitingnan ko ngayon."

Nakikita niya ako? Pumihit ako paharap sa glass window. Hinagilap ko siya sa ibaba. Pero wala. Napasinghap na lang ako nang matanaw siya sa conference room sa ikalawang palapag ng director's office. Nakatayo siya sa floor to ceiling window kung saan nakaurong sa magkakabilang gilid ang makapal na blinds.

"How dare you made me crazy like this, first lady?"

"Kahit ano'ng pambobola pa ang sabihin mo, hindi ka makakadalawa sa akin." Bumingisngis ako at hinaplos sa aking hinalalaki ang singsing sa aking daliri.

"Really?" Humalakhak siya. "I wonder how would you maintain that resistance when I can crawl to your bed at night. Hindi lang ako makakadalawa, pwede pa akong makaapat."

"Madaya ka. Walang gapangan."

Sumabog muli ang malutong niyang tawa na kumiliti sa akin. Hindi pwedeng maging kampante, malaki ang posibilidad na gagapangin niya talaga ako mamaya.

"I love you, first lady," sabi niya at hindi na hinintay ang sagot ko. Bahagya akong ngumuso pero napangiti rin agad nang matanaw kong lumapit sa kanya ang director.

Nanunukso ang tingin ni Carla sa akin nang balingan ko ito pero mukha namang hindi nito napansin si Yanixx sa kabilang gusali. Didma na lang ako kunyari at naupong muli. Itinago sa aking bag ang cellphone.

Hindi pa namin napag-usapan ni Yanixx kung kailan ipapaalam sa publiko ang tungkol sa aming dalawa at ayaw ko siyang pangunahan. Ayaw ko ring magiging kick-off namin ang tsismis ng mga tao na maaring hindi magiging pabor sa akin dahil sa mga naunang usap-usapan.

"Mauna na ako, Car." Pagpatak ng alas-singko ay nagpaalam na ako.

"Ingat ka."

Nakatanaw ako sa admin building habang palabas ng gusali namin. Umaasa pa rin talaga akong masulyapan muli si Mayor kahit papaano. 

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now