Chapter 38

544 41 7
                                    

Napawi ang nakahandang ngiti ni Monique nang makita ako. Halatang hindi niya inasahan ang presensya ko roon. Sinakop ng pula ang mukha niya kasabay ng pagbangon ng inis sa naniningkit na mga mata.

"What are you doing here?" Humalukipkip siya at nandidiring pumasada sa akin ang mapanuring tingin mula ulo hanggang paa.

"I'm here to get Sophie's stuff. Yanixx has an urgent meeting to attend, he can't make it here. He sent me with his back-ups," mahinahon kong pahayag at pinukol ng tingin ang back-ups at apat na police officers na nasa likuran ko.

Hindi ako pumunta roon para maghanap nang gulo, kung pwede namang daanin sa maayos na usapan ang pakay ko. Iyon nga lang, duda ako kung hahayaan ng babaeng ito na makuha ko ang mga gamit ni Sophie sa mapayapang paraan. Mukhang kailangan pa talaga ng debate. Kung susubukan niya ang pisikalan, hindi rin naman ako uurong. Magkatuklapan na ng anit.

Sabagay, wala akong balak na pilitin siyang ibigay sa akin ang mga gamit ni Sophie kung ayaw niya. Pwede kong ipag-shopping ang bata at bilhan ng mga gamit. Ang tunay na rason nang pagpunta ko roon ay para ipakita kay Monique na hindi na ganoon kadaling pasukin ang pamilya ko para guluhin gaya noon. Ngayon ay kaya ko nang lumaban, kahit pa sa batas na kontrolado ng ama niyang judge.

"Whole day ba ang meeting niya? Puntahan niya ako pagkatapos ng meeting niya. Hindi ko ibibigay sa iyo ang mga gamit ng anak ko."

Huminga ako ng malalim. "Anak mo pero sinasaktan mo? May nakita kaming mga pasa sa katawan ni Sophie."

"I don't know what you're saying. Malikot na bata si Sophie at madalas siyang nadadapa tuwing naglalaro. Binibigyan mo lang ng kulay ang mga pasa sa katawan niya para maisisi mo sa akin. Gusto mong lumabas akong masamang ina."

"Mabuti ka nga bang ina o ginagamit mo lang ang bata para ituloy ang koneksiyon mo sa asawa ko."

"Asawa?" Sarcastic siyang tumawa. "Ex-husband, let me remind you."

"Papel lang ang napawalang-bisa ng iyong ama, hindi ang pagmamahalan namin ni Yanixx. Nasaan ba siya ngayon? Nasa akin pa rin, 'di ba? Kasama kong nakatira sa iisang bubong, katabi ko sa pagtulog sa kama, kasalo ko sa bawat agahan, tanghalian at hapunan. Ako pa rin ang nilalandi niya araw-araw at sinasabihan ng I love you."

Gigil na nanlisik nang husto ang mga mata niya. Kung wala siguro akong mga kasama'y baka hinambalos na niya ako.

"Kung ayaw mong ibigay ang mga gamit ni Sophie, okay lang. I doubt if it's true that you brought her things with you. Baka nagdahilan ka lang para mapapunta si Yanixx dito. Sorry ka na lang, loyal at tapat sa akin ang asawa ko. Hindi siya basta-basta maniniwala sa mga higad na may mukha, dalawang paa at mapupulang mga kuko. Maghanap ka ng puno na pwede mong makapitan, 'wag ang pag-aari ko dahil titirisin kita kung magpupumilit ka!" babala ko sa kaniya.

Hindi siya nakahuma.

Tumalikod na ako at nakailang hakbang na nang maalala kong mayroon pa pala akong hindi nasasabi. Huminto ako at lumingon. "Tungkol nga pala sa mga pasa ni Sophie, oras na mapatunayan naming inabuso mo ang bata, humanda ka. Baka hindi ka makaiiwas sa hatol ng batas na ipinagmamalaki ng iyong ama."

"Are you threatening me?" nangagagalaiti niyang angil pagkatapos makabawi ng wesyo.

Nagkibit ako ng balikat. "Depende sa pagkaiintindi mo sa sinabi ko. Pagbabanta ba iyon? Hindi ka ba sanay? Di ba gawain ninyong mag-ama 'to?" Humakbang na ako at iniwan ang babae.

Banta? Ganoon ang ginawa noon ng ama niya at dahil bata pa ako, madali lang akong natakot.

Sumunod sa akin ang back-ups at ang mga police. Nakapark na sa labas ng lobby ang sasakyan at dalawang patrol cars ng polisya. Agad akong ipinagbukas ng pinto ng isa sa mga back-up.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now