Chapter 28

659 48 8
                                    

HALF-DAY lang ang klase namin dahil may emergency meeting ang faculty ng College of Veterinary Medicine. Matapos kong lagyan ng sticky note ang pahina ng libro na kailangan kong pag-aralan ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Karamihan sa mga kaklase ko ay nakatambay pa sa loob ng classroom namin at sa corridor. Abala sa pinag-uusapang on-line games at mga viral posts sa tiktok.

"Uuwi ka na, Ace?" tanong ni Sheena.

"Akala ko sasama ka sa amin sa mall mamaya," pakli ni Ylai.

Nilingon ko silang dalawa. "May pupuntahan pa kasi ako."

Ngumuso si Ylai pero hindi na nagkomento pa. Si Sheena naman ay tumango na lang. Kababalik lang nilang dalawa rito sa campus namin. Kabilang sila sa Dean's list at napili para sa inter-campus exchange program ng CTU sa Vet Department. Sa loob ng tatlong buwan sa bawat semester ay roon sila mag-aaral sa main campus sa Cebu City. Silang dalawa ang masasabi kong kaibigan dito bukod kina Allyana at Kizaya na nasa ibang department.

Hindi ko alam kung naririnig na rin nila ang kumakalat na tsismis tungkol sa amin ni Mayor na nag-ugat doon sa hospital. Hindi naman nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Sabagay, tiwala akong mas kilala nila ako at hindi sila basta-basta maniniwala sa usaping may dagdag bawas.

"Una na ako, next time sasama ako sa inyo." Nag-iwan ako ng malaking ngiti bago tinunton ang pintuan.

"Ingat ka!/ Ingat!" Pahabol nilang dalawa.

Nagkalat ang mga estudyanteng lalaki sa corridor at nakasanayan ko na lang ang pasipol-sipol ng mga ito. Noon naiinis ako pero katagalan ay iniintindi ko na lang na kulang sa putok ang mga ito. Dumaan ako ng food court. Nadatnan ko roon si Allyana na bumili ng munchkins at hotcake ko.

"Thank you sa support, Yang," biro kong sinundot ng hintuturo ang kanyang tagiliran. "Barya ang ibayad mo ha?"

Pumiksi siya at natawang gumanti ng sundot sa tagiliran ko. "Ginulat mo naman ako!" angal niya. Inubos niya yata ang paninda ko kasi wala nang laman ang mga lalagyan nang silipin ko mula sa counter.

Pinalitan ng cashier ng barya ang bills na kinita ng mga paninda ko at binilang ko ang mga iyon sa sulok ng counter. Isang libo't pitong daan at limampung piso. Nilagay ko iyon sa malaking pitaka at itinago sa loob ng aking bag. Mula sa university ay namalengke muna ako.

Galing ng grocery ay tumuloy ako sa sementeryo para bisitahin ang puntod ng lola ko. Ilang linggo na rin akong hindi nakadalaw roon. May misa sa kapilya roon tuwing Lunes ng hapon. Nag-iwan na lang muna ako ng pamisa. Babawi na lang ako nang simba sa Linggo, isasama ko si Vince.

Nag-abang ako ng traysikel sa sidewalk nang pumarada sa tapat ko ang sasakyan ni Engineer Irlan. Dahil sa pagtataka ay huli na nang maisip kong tawagin ang dumaang traysikel na walang sakay. Ngayong nagkaayos na kami ni Mayor, kailangan ko nang umiwas kay Engineer. Siguradong ang simpleng interaksiyon namin ay pagmumulan lang ng pagtatalo.

"I went to your house the other day, before I went to school to talk to you." Humakbang siya papalapit sa akin. "So it is true, you moved in to Yanixx's house?" utas niyang saglit na sinulyapan ang bitbit kong grocery bag.

"Oo, pumayag akong lumipat at doon na tumira," prangka kong sagot.

"Pumunta ako sa opisina niya kaninang umaga, sabi niya nagkaayos na kayo."

Tumango ako, lalong hinigpitan ang yakap ko sa tangan na mga libro. Wala naman akong dapat ikatakot pero kinakabahan ako sa tuwing napapagawi ang paningin ko sa mga mata ni Engineer. Tila may iba pang bagay sa likod ng mga salita niya.

"You think I will just give up knowing you're getting back together?" Tumiim ang titig niya sa akin.

Napalunok ako. Parang ang hirap paniwalaan na gagawin niya iyon. Kung tutuusin marami ang pwedeng maghabol sa kanya dahil sa kasalukuyan niyang estado. Hindi ko maintindihan ang mga taong ipipilit ang sarili sa kapwa. Mayroon bang magandang idudulot iyon?

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon