Chapter 37

489 32 7
                                    

Kagat-labing itinukod ko ang kanang kamay sa makapal na smoke glass wall. Sa likod ko ay magaspang na umaatake si Yanixx. Mahina lang ang buhos ng shower sa itaas namin pero hindi ko na halos madama ang bagsak ng tubig. Nangangatal ang katawan ko hindi sa lamig kundi sa masarap na sensasyong humahagod sa aking laman. Sumasabog ang katinuan ko tuwing tumatama ang pagkalalaki ni Yanixx sa gatilyo ng kiliti sa kailaliman ng katawan ko.

"You're shaking, should I stop?" he whispered, panting.

"Subukan mong tumigil at pi-prituhin ko iyang balls mo, ipapatuka ko sa mga ibon!" hinihingal kong babala sa kaniya.

Umungol siya, may kalakip na malutong na tawa. Pinisil niya ang dibdib ko. Napaliyad ako pero naiwan ang balakang, pababa sa aking puwit at mga hita na napako sa sumusulong niyang lakas.

"Masarap ba, first lady?" anas niyang sinaklot ang kaliwang binti ko.

Banat na banat na ako at pakiramdam ko ay wala nang natirang espasyo sa aking pagkababae. Sinakop niyang lahat, sobra pa sa lubos. Para bang lumalaki siya nang lumalaki sa bawat pagkakataong nagtatalik kami. Akala ko lang siguro iyon.

Kinagat niya ang batok ko. Impit na hiyaw ang itinugon ko kasabay ng marahas na pagputok naming dalawa paakyat sa sukdulan.

Nangawit ang mga tuhod ko at kung hindi siya nakaalalay sa akin, bubulusok ako pabagsak sa sahig. Nang mabawi ko ang lakas ay itinulak ko siya.

"Hey!" naaaliw niyang angal.

"Ano?" sikmat kong taas-baba pa rin ang dibdib dahil sa paghingal. "Doon ka sa kabila, hindi tayo matatapos nito, masaling lang ng kunti iyang chief of staff mo, galit na agad."

Humalakhak siya at nagpatulak na rin patungo sa isa pang shower na nasa likod lang ng salaming dingding.

Sakto lang talagang inagahan ko ang pagligo. Alam ko kasing susunggaban na naman niya ako. Hindi siya makontento sa ginawa namin kaninang madaling-araw.

Madaliang ayos sa sarili ang ginawa ko. Buti na lang at hindi demanding sa make-up ang kulay ko. Copper lipstick lang at face powder keri na.

"Bilisan mo! Mali-late na si Vince!" apura ko sa kaniya.

"Almost done," aniyang nagsusuot ng lace-up high cut shoes.

Nilapitan ko siya at hinaplos ang kunting gusot sa suot niyang airforce blue button down long sleeves. Nirolyo niya ang mga manggas habang tinitingnan ang sarili sa body mirror.

"Mauna ka na sa ibaba, pupuntahan ko lang ang mga bata."

Tumango siya at ni-lock ang buckle ng belt. Bakas ang masels at tibay ng mga hita't binti niya na bumakat sa suot niyang acid wash tattered pantalon.

"Thanks for the delicious treat, first lady." Nagnakaw pa siya ng halik sa labi ko bago kami naghiwalay sa may pasilyo.

Nakabihis na sina Vince at Sophie nang puntahan ko sa kuwarto. Naroon si Mama na umalalay sa mga batang masiglang kumikilos at halatang excited para sa araw na iyon. Patay-malisyang iniwas ko ang paningin kay Mama. Sa paraan nang pagkakatitig nito sa akin halatang alam nito ang ginawa namin ni Yanixx.

"Mama, we're ready!" masayang hiyaw ni Vince.

"Very good!" Binigyan ko nang matunog na morning kiss ang dalawang bata.

"Nasa ibaba na ang school bag ni Vince," sabi ni Mama.

"Salamat po." Hinalikan ko ito sa pisngi.

Pinakain ko ng agahan sina Vince at Sophie. Si Yanixx ay nagkakape lang. Tea naman at fruits ang sa akin.
Isasama namin si Sophie sa school ni Vince. Magtatanong na rin kami sa principal kung pwede pa makahabol ngayong school year ang bata.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now