Chapter 20

764 61 5
                                    

ALAS DIYES ng gabi sa araw ng election, idineklara ang landslide win ni Mayor Yanixx. Sa kabila nang pagkakukulong niya ay hindi nabawasan ang tiwala ng buong Fuego Amore sa kakayahan niyang maglingkod. Kahit ang incumbent mayor na katunggali niya ay kinilala solid niyang pamumuno dati pa.

Kung tutuusin, ako talaga ang naging distraction niya kaya nalihis ang kaniyang concentration noon sa public service. Hanggang ngayon ay hindi ko ma-imagine ang magiging reaction at galit ng mga tao oras na malaman nilang ako ang dahilan ng kaniyang pagkakulong.

Payapang tinanggap ng kaniyang kalaban ang pagkatalo. Halos buong linggo na ipinagdiwang ang muli niyang pagbalik sa munisipyo. Araw-araw ay dinudumog ng bisita ang bahay niya kaya si Vince ay hinatid muna sa amin para hindi ma-stress sa labas-masok na mga bisita.

"Ma, alis na po ako!" paalam ko kay Mama na nasa loob ng kusina at nagliligpit. Tinulungan nito si Joyce.

"Ingat ka!" pahabol na paalala ni Mama.

Dinig ko ang tawanan nina Papa at Vince sa may bakuran habang palabas ako. Naglalaro ng basketball ang dalawa sa mini-court.

"Mama!" hiyaw ni Vince na tumakbo papunta sa akin yakap ang bola. Umagang-umaga pero pawis na pawis ba ito.

Umuklo ako at niyapos ang bata. Kinapa ko ang kaniyang likod. May nakasuksok nang sweat towel doon at nangangamig sa kaniyang pawis.

"Mag-iingat sa paglalaro ha? Papasok na sa school si Mama." Hinagkan ko siya sa noo.

"Mama, where is Daddy?" tanong niya. Kahapon nagtanong din siya sa akin kahit pinaliwanag ko na kung bakit hindi namin kasama si Mayor dito sa bahay.

Wala pang isang taon mula nang makalabas ng kulungan si Mayor. Uhaw si Vince na makasama ang Daddy nito kaya pagkakataon na sanang maka-bonding ng bata ang ama nito pero kailangan namang magsakripisyong muli dahil kasagsagan ng election at ngayong nanalo na ay okupado para sa paghahanda nang pag-upo nitong muli sa munisipyo.

"Tatawagan ko siya, sasabihin kong puntahan ka rito."

Nagniningning ang mga matang tumango si Vince at ngumisi nang malaki. Kuhang-kuha talaga nito ang ngiti ng ama. Masuyong ginulo ko ang namamasa nitong buhok at muli itong hinagkan.

"Aalis na si Mama, pakabait ka ha? Laging makikinig kina Lola at Lolo at sa Yaya Joyce mo."

"Ba-bye, Mama!" Kumakaway ito habang pasakay ako sa SUV. Para kay Vince ang sasakyan na iyon na minamaneho ni Allen pero nagagamit kong service pagpasok ng eskwela.

Tinext ko na lang si Mayor kung may libreng oras siya para puntahan si Vince. Hindi siya nagreply. Si Joyce na ang nagmessage sa akin habang nasa klase ako. Sinundo na raw sila roon sa bahay.

Matapos ang formal assumption ni Mayor sa munisipyo ay muli kong nadama ang unti-unting paglawig ng distansiya namin sa isa't isa. Bumulusok na naman siya paangat. Patayog nang patayog at hindi ko alam kung sa pagkakataong ito ay kaya ko pa ba siyang abutin.

Noon ay nahahawakan ko siya dahil siya ang bumaba para lapitan ako. Pero ngayon imposibleng gawin niya iyon muli. Hindi ko na rin basta nabibisita si Vince dahil sentro na ng mga mata at atensiyon ng mga tao ang tahanan ng mga Almendras. Nangangamba akong baka maglikha nang issue ang presensya ko na magtutulak para mahalungkat ang ugnayan namin noon.

Kasalukuyan akong nagre-review para sa papalapit naming exam nang tumunog ang cellphone ko. Si Joyce ang tumatawag. Bumundol agad ang kaba sa dibdib ko.

"Hello?" kabado kong sagot.

"Ace?"

"Joyce, may problema ba?"

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now