Chapter 23

735 62 11
                                    

GUMAPANG ang kilabot hanggang sa tuktok ng ulo ko at ang pagbalya nang tibok ng puso ko ay nagiging marahas na halos masakit na. Ayaw ko pa ring umasa na may natitira pa akong puwang sa pagmamahal ni Mayor Yanixx na tiyak para lang sa aming anak. Siguro ginagawa niya lang ito dahil may mga nakatingin. Tama. Sa harap ng ibang tao ay kailangan niya akong suyuin para magiging kapani-paniwala ang aking pagpapanggap bilang asawa niya. Ngayong nasa hustong gulang na ako'y hindi na magiging issue kung ipapakilala niya ako sa publiko.

"Dito na lang tayo kumain," pabulong kong sabi sa kanya, pasulyap-sulyap sa mga katulong na kunyari abala sa mga gawain pero halatang nakaantabay sa aming dalawa.

Umuklo siya. Inilapit sa tainga ko ang kanyang bibig. "Move your stuff to my room," anas nito at kiniliti ng dila ang jawline ko.

"A-ano? Kailangan pa ba iyon?"

Senenyasan niya ang mga kasambahay na lumabas muna ng kusina. Mabilis namang nagsipagpulasan paalis ang mga ito. Nahalata niya marahil na naiilang akong kausap siya na ganoon ang topic namin habang may mga nakikinig.

Umunat siya at nagbigay sa akin ng takot ang pagtigas ng kanyang mga panga. Sabi ko na nga ba. Kapag kaming dalawa lang, magiging iba ang trato niya sa akin. Cold na ulit siya.

"I suggest you check the contract as well as the attachment. Your wifely duties to me are on the top of the conditions included in the agreement. Aggressive bedtime to be specific. Don't worry, I can handle three to five kids more if in case we will hit your fertility."

"Sana sinabi mong kasama pala sa kontrata iyon!" bulalas kong natilihan.

"Kung sinabi ko ba tatanggi ka? I don't think you have an option left on this matter, Ace. I made it clear to you, make yourself a collateral, that includes your body. Hindi ko na isasali ang puso mo dahil sabi mo nga may iba kang mahal."

Para akong sinuntok sa sikmura. Katawan ko lang ba ang habol niya? Talagang hanggang ngayon naniniwala siyang may iba akong mahal? Pero wala akong karapatang magreklamo. Ako ang may gawa nito. Ako ang nagtanim ng ideyang iyon sa utak niya. Ako rin ang aani sa malupit niyang hatol.

Lumamlam ang mga mata niyang nakatitig sa akin at doon ko lang napansin ang likidong umaagos sa mga pisngi ko. Mabilis kong pinahid sa likod ng palad ang mga iyon at umiwas nang tingin sa kanya.

Ang ending ay hindi na ako nakapag-agahan pa. Iyak ako nang iyak habang naliligo. Gusto ko nang kutusan ang sarili ko dahil hindi naman makatarungan ang pagiging emosyonal ko. Pero hindi ko talaga maawat ang kirot sa aking puso.

Tulog pa si Vince nang puntahan ko sa kuwarto nito para magpaalam sana. Nag-iwan na lang ako ng banayad na halik sa labi ng anak ko. Naghihintay sa akin sa sala si Mayor Yanixx. Bihis ng slimy blue sweater at black maong pants. Dinampot niya ang itim na baseball cap sa may mesita at isinuot.

"Ako na ang maghahatid sa iyo sa school," pahayag niyang naglakad patungong main door.

Hindi na ako umangal pa. Magtatalo lang ulit kami at magdaramdam na naman ako. Nakayuko lang ako habang nakabuntot sa kanya palabas. Nasubsob tuloy ang mukha ko sa likod niya nang huminto siya.

"Si Vince, Manang Romie. I-akyat n'yo na rin ang breakfast ni Mama Jovy," bilin niya sa kasambahay.

"Sige po, Sir."

"Alis na po kami," paalam ko naman.

Nakangiting tumango si Manang Romie. "Mag-iingat kayo."

Pinagbuksan ako ni Mayor Yanixx ng pinto ng sasakyan at kinuha ang bag ko, nilipat niya sa backseat bago siya lumigid sa kabila at pumasok sa gawi ng driver's seat.

ISLA SEÑORITA : LUHA AT BARYAWhere stories live. Discover now