Chapter 47

14.1K 320 13
                                    

[The Bloody Battle]

Cathalina's POV:

Hindi ko napaghandaan ang bagay na 'to, wala akong ideya sa nangyayari ngayon. Basta ang alam ko ay tinawagan ko na ang mga tauhan ko, alam kong anong oras man ay nandito na sila. Ang dad ni tristan, hindi ko alam kung saang pinto ba sila nandun pero ang sabi sa'kin ng dad niya, maduming maglaro si Zeus. Iba kung mag-isip, kaya hindi ko na alam ang uunahin ko, nawawala ang buong angkan ng Valeria at si Noemie. Hindi ko alam kung nasaang pinto ba sila, mamaya at patibong lang pala.

Isa pa ang mga anak ko, once na maputol ang tali deretso sila sa transparent box na nasa ilalim nilang tatlo. Nakakainis lang na hindi pa nga tapos ang plano ko at ng dad ni Tristan ay eto ngayon, nandito ako. Sana naman lumabas s'ya sa pintuan na 'yan diba? Kanina ko pa nga kinakausap ang sarili ko gamit ang earpiece. Wala pa rin talaga sagot, baka knockout ang isang 'yun.

"Mr. Martinez!" singhal ko na talaga nagtataka na nga ang kalaban ko. "Kung tulog ka man, gumising ka na! Lumabas ka na sa pintuan na 'yan!" saad ko pa at sinuntok sa mukha ang isa.

Tinapik ko ang balikat at tyan niya at siniko ang lalamunan ng isa, yumuko ako at pinatid ang dalawa at tyaka tumapak sa dibdib nila. Dahil naka high heel boots ako ay sumusuka na sila ng dugo. Tumambling ako patalikod at hinagis ang kutsilyo at sapul ang dalawa, umikot ako at agad na sinapak sa panga ang isa pang nasa harapan ko. Hinawakan ko ang dulo ng baseball bat at agad na hinatak kaya nadala s'ya at sumubsob sa pader. Hinawakan ko ang baseball bat at hinampas sa ulo niya, hindi ako nakailag sa sipa sa likod ko.

[Cathalina..] boses ni Mr. Martinez ang narinig ko. [Teka, nakatali ako, bigyan mo lang ako ng ilang minuto. Gusto ko na rin tapusin ang laban na ako naman ang nagsimula.] seryosong saad niya at nakarinig na ako ng iilang kalabog.

Sinipa ko sa tagiliran ang isa at sinalag ang dalawang suntok sa akin. Gamit ang baseball bat na hawak ko ay hinampas ko sa hita ang isa at ang isa ay sa leeg kaya tulog! Umikot ako at sinipa ang isa sa mukha, ayoko sana na pati sila stella ay mapanood ang kung ano man ang ginagawa namin. Pero nang tignan ko sila, nakatulala lang sila at kunot ang noo while si Kent matalim ang mata. Kung nakakamatay lang ang tingin ng anak ko, malamang duguan na ako ngayon.

[Mag-iingat kayo sa nakasaradong pintuan, naka konekta ang tali sa baril. Once na buksan mo ang pintuan patay ang nasa loob.] rinig kong saad ni Mr. Martinez. "Wala akong kasama dito, baka nasa ibang pinto ang asawa ko. Lalo na ang ilang angkan ninyo. Parating na din ang mga tauhan ko.] imporma niya na ikinatango ko.

Naubos na pero kada mauubos ang kalaban ay s'ya din dagdag ulit. May dugo na sa labi ang asawa ko, kunot na ang noo at halata na ang galit sa mga mata niya. Tumalon ako patalikod at kaagad hinampas ng dalawang baseball bat ang apat na nasa harapan ko. Nakita ko pa ang paa ni Tristan na sumisipa seryoso lang ang mata, alam kong galit si Tristan sa mga oras na 'to. Nagiiba kasi ang pwersa niya kapag galit s'ya, mas marahas at gigil sa pakikipaglaban. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at kaagad na sinuntok sa lalamunan ang isa.

"Ano, pagod na kayo?" natatawang saad ni Zeus. "Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa inyo.. lalo na sa'yo.." saad ni Zeus.

"Tss. Magpakita ka nalang ng matapos na 'to." maangas na saad ni Tristan. "Pakawalan mo ang pamilya ko, tayo nalang ang magtutuos." saad niya pa at inilibot ang paningin.

"Matapang ka na porke't nakapag ensayo ka ng matagal? Patpatin ka lang para sa'kin! Kaya h'wag kang magmatapang.." saad ni Zeus.

[Cath, nandito na kami.] saad ni Jack sa linya. [Dilim dito ha? Nakapwesto na ang mga pana sa gilid. Kami na ang bahala sa mga tao.] saad niya.

Napangiti nalang ako sa isip ko at tinuon ang pansin sa harapan ko, ang mga anak ko. Ngumiti sila sa akin kaya parang uminit ang puso ko sa ginawa nila, parang sinasabi nila na 'kaya mo 'yan mommy!'. Nabura lang ang ngiti ko ng may lumabas na benteng katao sa dilim, mga nakaangkas sa motor. Tumaas naman ang kilay ko ng bumaba sila na may dala dalang malalaking kahoy sa palad nila, malalaki ang katawan at ang dami pang tattoo.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon