Chapter 6

32.8K 999 146
                                    

Tristan's Point of View:

Ngayon ang unang araw na magiging bodyguard ko ang isang Cathalina, kinakabahan ako at the same time excited ako. Sino ba naman ang hindi? Crush ko ang kusang lumalapit sa akin at talagang sobrang lakas ko kay Lord. Parang dati lang ay sinasabi ko na kung kailan kaya s’ya lalapit sa akin o kung kailan ko siya makakausap nang malapit. 

Kailangan na naming matapos ang project sa rest house at sa building ng mga Santos. Hindi na namin mabilang ang oras na hindi kami busy at kapag nandito ako sa bahay kasama ko lang ang aso ko. Marami na naman kaming project at kasama ko si Amara sa isang fashion shoot sa company.

Nag-uusap kami ni Amara but I remain formal towards her dahil ayokong bigyan niya ng meaning ang lahat ng ginawa ko sa kanya. Galit pa rin ako sa ginawa niya sa akin at ang pagiging sinungaling niya, hindi ko pa rin matanggap na naloko ako ng taong hindi ko inaasahan na lolokohin ako.

Huminga ako nang malalim at hanggang ngayon ay nasa kama pa rin ako dahil kagigising ko lang at napuyat ako kagabi kakatingin sa crush ko. Ang dami niyang picture at laging nandoon ang kambal niyang si Noemie, maganda naman silang pareho pero ang nakakuha sa atensyon ko ay si Cathalina. 

“Lord, tutal malakas naman ako sa’yo, baka naman...” sambit ko at nag sign of the cross. “Kung hindi siya para sa akin ipilit natin Lord.”

Tumayo ako at nag-unat pa ng katawan bago dumiretso sa banyo dahil may trabaho pa akong gagawin. I took a bath at agad na nagbibihis ng t-shirt na itim at sweat shorts, marahil nasa labas na ang aso ko dahil wala na s’ya sa higaan niya.

Lumabas ako ng kwarto at narinig ko ang boses ni mommy at may kausap sa ibaba. Dahan-dahan akong bumaba at muntik na akong mahulog ng makita ko si Cathalina at s’ya pala kinakausap ni mommy. She’s wearing a faded pants, a white sando, brown blazer, at isang boots. 

Ang mas napansin ko ay ang nakabenda niyang kamao na nasa kanyang gilid. Nangunot ang noo ko at agad na bumaba kaya nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. 

“Good morning, mommy,” Hinalikan ko ang kanyang pisngi kaya napangiti s’ya.

“Good morning, Jake. Ngayon pala lilipat dito si Cathalina kaya kahapon inutos ko sa maid ang guest room,” mahinahong sambit niya.

Nakita ko ang ilang maleta na dala ng mga kasambahay papunta sa itaas. Kaunti lang ang gamit niya, isang malaking maleta at isang shoulder bag na katamtaman lang. Napatingin ako sa gilid nang makita ang aso ko kaya napangiti ako at agad s’yang kinarga.

“Hey there, bud.” Tumahol s’ya at dinilaan ang aking leeg papunta sa aking mukha kaya natawa ako nang malakas. 

“Oh, let’s eat. Naghanda ako ng pagkain dahil alam kong maaga ang dating mo,” sambit ni mommy at sabay silang naglakad ni Cathalina. 

Binitbit ko ang aso ko at agad akong sumunod sa kanilang dalawa, hindi ko maalis ang paningin sa kamao ni Cathalina na nakabenda. Umupo ako sa upuan at nilapag ang aso ko at nakita kong ngumisi si Cathalina nang lapitan s’ya ng aso ko na umupo sa hita niya.

“Sana naging aso na lang rin ako,” nakangusong bulong ko at nakita kong napatingin s’ya sa akin kaya iniwas ko ang aking paningin. 

“Son, hindi ba ay may trabaho ka? Si Cathalina ang sasama sa’yo kaya naman maging maayos kayong dalawa,” sambit niya.

“Noted.” Nginitian ko s’ya. “Sa Tagaytay kami ngayon dahil kailangan naming tapusin ang buildings.”

Pinagsilbihan kami ng katulong at agad akong nag sandok ng kanin at ham. Nakita kong kaunti lang ang kinakain ni Cathalina at nagpakuha pa s’ya ng kape sa kasambahay.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon