Chapter 20

19.6K 556 27
                                    

Cathalina's Point Of View:

Kailangan kong umalis dahil nandito na sila, nandito na ang mga taong gusto akong patayin at sila pati sila Tristan at ang kanyang pamilya ay kasama sa mga taong gusto nilang patayin, natatakot ako at hindi ko kayang makita na pati sila ay madamay dahil sa akin. Mas mabuti ang ganito, malayo sila sa akin at ganun rin ako sa kanilang lahat.

"Promise me, Tristan." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"I...will," nanginig ang boses niya at naramdaman ko ang mahina niyang hikbi.

Tinignan ko si Tristan na nakaiwas ang tingin at ang mga kamao ay mahigpit na nakayukom kaya napalunok ako at kinagat ang labi ko. Alam kong mahirap para sa aming dalawa ito ngunit limang buwan lang at babalik agad ako sa kanya.

"Aalis muna ako...don't think too much dahil babalik ako." Hinalikan ko ang noo niya at tinignan s'ya na nakatingin lang sa bintana.

Lumabas ako ng pintuan nang hindi marinig ang boses niya kaya napabuntong hininga ako at lumabas. Nalaman ko rin na si Belinda ang kumuha ng pera sa aming kumpanya at lahat ng asset namin ay nawawala kaya naman kailangan kong gumawa ng paraan. Nagtataka ako kung paano niya nalaman ang tungkol sa bank account ng kumpanya, hindi ko alam kay Daddy kung ano ang ginawa niya at nalaman ni Belinda.

My Mom sacrifice everything for our company kaya bakit niya kukuhanin sa akin 'yun? We almost got what we have right now at ayokong masira ang plano namin ni Mommy for the company, hindi biro ang malaking pera na nawala kaya isa pa 'yun sa problema ko bukod sa mga taong naghahanap sa akin ngayon dito sa Pilipinas.

"Daddy," mahinang sambit ko at umupo.

[Are you going good there?]

"Magagalit ka ba kung sinabi ko na ang asawa mo ang kumuha ng pera sa kumpanya?" malamig na sambit ko.

Natahimik s'ya. [What do you mean? Don't accuse her for doing nothing, Frances.]

Ngumisi ako at sinabi ang tungkol sa pera. Hindi niya rin alam ang sasabihin kaya naman napailing ako, he's the King of our palace kaya naman alam niya dapat ang kilos at salita ng mga taong nasa paligid niya.

[Our enemies is finding you. That's why I called to to say that you should go home right now here in Italy.]

Natigilan ako at umayos ng upo nang maalala ko na naman ang tungkol doon. Hinawakan ko ang tiyan ko dahil kung patuloy kong iisipin ang ganoong bagay, maaari na maapektuhan ang baby namin ni Tristan. Mas mabuti na wala s'yang alam sa nangyayari sa akin dahil hindi pa ako tapos sa plano ko.

[End your contract with the Martinez.]

"Dad, I want to stay with him..." sambit ko. "Hindi pa maayos ang kalagayan niya at kailangan ko rin tignan kung ligtas ba s'ya kapag umalis ako."

He sighed. [Choose now, Frances. Hihintayin kita dito sa Italy as soon as possible.]

Inis kong sinuklay ang buhok ko at kinagat ang aking labi. Pinikit ko ang mata ko at nagdasal na sana ay tulungan ako ng anak ko para magkaroon ng solution sa lahat. Dinilat ko ang mata ko at nakita sila Adonis na lumabas ng kwarto at diretso ang tingin sa akin.

"Cathalina, if you...need anything you can count on us," sambit ni Adonis at binigyan ako nang matamis na ngiti.

"You're my friend now and it's our responsibility to help each other. Hinihintay ka lang namin na sabihin ang lahat so that we can move to the process," sambit ni Leo na nakasandal sa pader.

"We won't calm kapag nakikita namin na may problema ka...si Tristan ay ganun rin kaya naman gusto ka naming tulungan sa pera na nawala," sambit ni Raquel.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon