Chapter 10

29.1K 862 135
                                    

Tristan's Point Of View:

Kaagad akong pumunta sa kusina para magluto ng pagkain ni Cathalina. Hindi pa kasi s’ya kumakain kanina at kung kumain man ay lugar lang kaya naman nagluto ako ng sopas at nagpatulong sa kasambahay na gising pa.

I remember what happened earlier at kitang kita ko kung paano niya nilabanan ang kagustuhan na umiyak sa harap naming lahat. Kahit pala matapang kang tao kapag pamilya ang pag-uusapan ay naging mahina ka. Humahanga ako kay Cathalina dahil doon dahil pinatunayan niya na kaya niyang maging mahina at totoo ang nararamdaman niya. 

Marami akong nakikita na matapang ngunit mahina ang loob. Sa sobrang tapang nung tao nakakalimutan na rin nilang ilabas ang kanyang emosyon kaya mas pinili nilang takasan ang problema. Minsan naman may mga taong mahina ngunit palaban sa hamon ng buhay, siguro iba-iba talaga ang ugali na mayroon ang isang tao. 

Nilagay ko sa mini table ang sopas na katatapos lamang maluto. Nagpatulong pa ako sa kasambahay dahil hindi ko alam ang tamang timpla at lasa nung sopas. Naglagay rin ako ng gatas, tubig, at ang mga gamot niya para mamaya ay iinom s'ya at hindi na rin s’ya mahirapan sa paghahanap.

“Manang, linisin mo na lang po ang kusina. Maraming salamat sa pagtulong sa akin.” Ngumiti s'ya sa akin at tumango.

Mabilis akong umakyat sa itaas at hinanap ang kwarto ni Cathalina. Huminga ako nang malalim at inayos ang mga pagkain na dala ko. Kinagat ko ang labi ko at agad na kumatok sa kanyang pintuan.

“Ba–Cathalina.” Gusto kong murahin ang sarili ko dahil muntik ko na s’yang tawagin na ‘baby’

Ilang beses akong kumatok ngunit wala namang sumasagot kaya naman pinihit ko ang door knob at nakitang hindi naman pala nakalocked. Nakita ko si Cathalina na nakabalot ng kumot at malamig rin sa kwarto niya at madilim.

“Papasok ako,” sambit ko at nang walang marinig ay agad na akong pumasok sa loob. “Kumain ka muna, nilutuan kita ng mainit na sabaw para gumaling ka na.”

Nilapag ko ang mini table sa gilid ng kama niya. Huminga ako nang malalim at umupo sa kanyang tabi para marahang tapikin ang kanyang pisngi. 

“You need to eat,” mahinang bulong ko. “Baby.”

Sa inis ko ay agad kong hinila ang kumot at doon tumambad sa akin ang nanginginig na si Cathalina habang mabigat ang paghinga. Napamura ako sa aking isip at mabilis na tumayo para patayin ang aircon.

Mabilis akong lumapit at nag iisip ng paraan. Hinubad ko ang damit ko at mabilis na pumasok sa loob ng kumot para yakapin s’ya at napamura na naman dahil sobrang init niya. I hugged her at pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. 

“T-Tristan...” namamaos na tawag sa akin ni Cathalina. 

“Sleep,” mahinang sambit ko at hinaplos ang kanyang pisngi. “Nanginginig ka nung pumasok ako dito kaya hayaan mo muna akong yakapin ka.”

Umayos ako ng higa at tumagilid naman s’ya. Inayos ko ang kumot sa aming katawan at mas lalo s’yang niyakap. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso at hinihiling ko na sana ay hindi niya marinig. 

“Pinagluto kita at mamaya ay iinom ka pa ng gamot,” mahinang sambit ko habang hinahaplos ang likod niya. 

“Bakit mo ‘to ginawa?” mahinang tanong niya. “Kung naaawa ka sa akin, huwag. Don’t pitied me so much.”

“I want to take care of you so let me. I decided to take care of you and I want you to be well. I wouldn’t be reassured if I saw you sick,” mahinahong sagot ko.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon