Chapter 29

12.5K 362 24
                                    

Cathalina’s Point of View:

Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil mainit ang ulo ko kanina pa dahil sa pamilya ni Arkin. Huminga ako nang malalim dahil ayokong magkaroon ng gulo ngunit naubos na ang pasensya ko dahil nasasaktan na ang kapatid ko kaya kailangan kong sabihin ang secret ng pamilya nila.

Ayoko nang i-kuwento pa dahil mai-inis lang ako ngunit ayoko naman na maging magulo ang pamilya nila, bahala na si Arkin kung sino ang gusto niyang kausapin. Ganun naman talaga dahil kilala ko na ang Mommy niya nung nandito pa si Mommy dahil one time nahuli ko s’ya kasama ang ibang lalaki and Mr. Martinez didn’t know about that kaya naman, hindi ko sinasadya na sabihin ang lahat.

“Are you okay Daddy?” Nag-a-alala rin ako sa kanya dahil ayokong may maka-alam na may sakit s’ya dahil baka may mangyaring hindi maganda sa kanya.

“I’m good.” Inayos niya ang damit ni Stella na nakapikit na at nasa bibig ang daliri. “Si Stella ay tulog na.”

Tinignan ko si Noemie at Arkin at pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit sinabi ko na may ibang lalaki ang Mommy niya, Mrs. Martinez is going to ruined him kaya naman dahil sa hindi ko mapigilan ang bibig ko, nasabi ko ang plano ng Mommy niya tungkol sa kumpanya ng kapatid ni Uncle. Gustong makuha ng Mommy ni Arkin ang kumpanya at lahat ng share at pagkatapos nun ay aalis s’ya kasama sina Venus at ang Daddy nito, bago pa lumala ang lahat ay sinabi ko na.

“Congrats again, Cath.” Ngumisi ako kay Sydney. “We really like your wines and we make a shelves para sa collection namin.”

“Magaling talaga ‘yan! Alam mo ba minsan gusto ko na lang mag-trabaho sa kumpanya mo para naman hindi na aalis itong si Levi para mag-bar,” sambit ni Lars.

I chuckled. “Takot ka lang na palitan ka ni Levi!”

Nanlaki ang mata niya at masama akong tinignan kaya natawa ako at inayos ang ulo ni Kent. Tristan on the other hand is holding my thigh while his another hand is on my back, making small circle kaya nakagat ko ang labi ko.

“Let’s go home.” Inayos ko si Kent at tumango naman silang lahat dahil may mga trabaho pa ang ilan sa kanila.

Naglakad kaming lahat dahil kami na lang ang tao dito, binuhat ko si Kent at agad naman sumunod si Tristan habang nasa bisig niya si Natasha. Pumasok kami sa limousine pagkatapos naming kausapin sina Lars dahil maaga pa kami bukas, bumuntong hininga ako at sumandal dahil pagod na pagod ako sa araw na ito.

“You okay babe?” Hinaplos ni Tristan ang pisngi ko at tinignan ang buong mukha ko.

“Okay lang ako,” mahinang sambit ko at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. “Hindi ako natatakot na ma-pagod kasi nandito ka.”

Nakarating agad kami sa bahay at agad akong bumaba dahil gusto ko nang magbihis ng damit dahil pawis na ako. Umakyat agad kami sa taas dahil ang bigat ni Kent at gusto nang pumikit ng mga mata ko. Binaba ko si Kent ay tinapik ang malaki niyang hita at inayos ang kumot niya, nasa tabi lang naman sila ng kama namin dahil may binili kaming kama para sa kanila.

“You can take a shower,” ani ni Tristan habang inaalis ang damit niya.

I ignored him and went to my closet para kunin ang nighties ko at mabilis na pumasok sa banyo, namula ang pisngi ko dahil nakita ko ang hickey ni Tristan sa leeg niya. Hindi niya man lang ito tinakpan at alam kong nakita ‘yun ni Daddy, huminga ako nang malalim at lumabas at napatalon nang bahagya nang makita si Tristan sa gitna ng kama, walang damit pang-itaas, at nakahalukipkip. Ang kumot ay hanggang baywang niya lamang kaya naman kitang kita ko ang v-line niya.

“Mag-shower ka na kaya,” sambit ko at umupo sa tabi niya at pinagmasdan ang salamin sa harapan. 

Napatingin ako sa kanya nang ilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko, nakatitig s’ya sa aking dibdib kaya napasinghap ako at naging mabigat ang paghinga ko dahil sa tingin niya. Kumurap ako nang tignan niya ang mga mata ko habang ang kanyang dila ay pinaglalaruan ang loob ng kanyang pisngi.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon