Chapter 38

10.1K 269 22
                                    

Cathalina's POV:

Nakatingin lang ako sa kanya na hanggang ngayon ay gulat pa rin sa ginawa ko, nanginginig ako sa galit. Nandidilim ang paningin ko sa kanya, hindi ko alam na ganito s'ya kadesperada para agawin si Tristan mula sa kamay ko. Hindi ko alam na may pagka-bobo pala ang babaeng kaharap ko ngayon, siguro nga ganito talaga ang mga taong walang magawa sa buhay. Kaya namemerwisyo ng iba, kaya nangingielam ng buhay ng may buhay. Hindi ko alam kung pano niya nasisikmura ang ganito na kahit anong pagtataboy ang ginawa ni Tristan, sige pa rin ng sige. Hindi ko alam na ganito pala ang isang tagapagmana ng mga Galvez. Nakakadiri.

"How dare you!" galit na saad niya nang makabawi sa gulat.

"How dare you too.." malamig na saad ko sa kanya. "Hindi ko alam kung nasa paa ba ang utak mo at hindi mo maintindihan ang salitang ayaw sa'yo ng asawa ko.." dagdag ko pa.

She scoffed. "Don't you dare talk to me like that! You don't have a position to disrespect me!" saad niya. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang nakita mo? At kung tutuusin mas better ako sa katulad mo! Mas kaya kong ibigay ang lahat kay Tristan! Unlike you, nang-iiwan para lang sa sariling dahilan!" pang-uuyam niya.

Napailing ako sa kanya, i can't believe her! Hindi pa rin s'ya makapamove-on sa dahilan niya sobrang tagal na nun. Huminga ako ng malalim nasa tabi ko lang si tristan tahimik, alam niya kasi na kapag ganito ako. Alam niya kung saan s'ya lulugar, dahil baka sa kanya mabaling ang galit na mayroon ako ngayon.

"Look," mahinahon na saad ko sa kanya. "We're married, we have a kids. Hindi ko kasalanan kung nilagyan mo ng malisya ang actions ni Tristan. Alam ko rin na ikaw ang nakakasama niya while im not around then, thank you for that. Ayokong may umeepal sa aming dalawa, please you have to accept what's between us." saad ko sa kanya.

"I love him! Gagawin ko ang lahat para sa kanya! Give him to me! Akin nalang si Tristan.." saad niya pa galit ang mata.

"No," matigas na saad ni Tristan. "Please, stop this! Nagtitimpi na ako sa'yo kanina pa!" saad niya, nakabusangot ang mukha.

She hugged him hindi ako gumalaw at nakatingin lang ako sa kanya, she's murmuring some words to make tristan stay with her. I crossed my arms, inip na naghihintay sa kanila. Tristan pull her away umiiyak na naman si Ayesha sa harapan niya. Para na nga siyang baliw, kinausap pa s'ya ni Tristan. Pero tumawa lang ng malakas si Ayesha na ikinagulat naming dalawa, hindi ko alam pero nangilabot ako sa uri ng pagtawa niya.

"You can't stop me from doing these! To love you! Gagawin ko pa rin ang lahat!" she smirked evilly. "Wait for my revenge, i'll make sure magiging akin ka rin Tristan! Hindi ako papayag na mapupunta ka sa babaeng 'yan!" saad niya at padabog na lumabas ng opisina.

Bumuntong hininga ako at agad na umupo sa sofa na nasa gilid ng pintuan. Hinilot ko ang sentindo ko, napagod ako kanina sa lahat ng meeting ko. Masakit rin ang ulo ko at piling ko nga ay lalagnatin ako, naramdaman ko ang paghawak ni Tristan sa hita ko. Pinikit ko lang ang mata ko at pinahinga sa sandalan wala ako sa mood to entertain nor listen to him.

"M-misis.." kabadong saad niya at pinisil ang hita ko. "Gusto mo bang umuwi muna..you look pale and tired.." mahinang saad niya.

Hindi ako umimik sa kanya pero rinig ko ang bumuntong hininga si Tristan. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang isa isa ang mga daliri ko. Alam ko na nakanguso rin s'ya, ganyan naman kasi s'ya kapag galit ako ay tahimik lang. Tapos mamaya magsasalita.

"Misis, sorry na.." malambing na saad niya. "Kinakausap ko kasi si Ayesha kanina then, bigla nalang niya ako hinalikan.." paliwanag niya while tracing small circle on my palm.

"I saw what she do.." saad ko sa kanya at dinilat ang mata. "At alam mo na may tiwala ako sa'yo hindi ba?" saad ko pa.

He nod like a good boy habang nakatingin sa'kin. Napailing ako sa kanya at umayos ng upo, bago ako nakaramdam ng gutom dahil hindi pa ako kumakain. I pouted my lips and stare at him kaagad na tumaas ang kilay niya, kagat ko ang labi ko.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon