Chapter 1

63.5K 1.5K 264
                                    

Tristan's Point of View: 

Pagkatapos ng photoshoot namin ni Amara, ang girlfriend ko ay kaagad kaming nagpalit ng aming damit. Pumunta ako sa naka-assigned na dressing room para sa 'kin, ganito naman palagi ang buhay ko pupunta sa shoot at babalik sa kumpanya. Minsan ko lang makasama ang mga kaibigan ko dahil palagi kong kasama si Amara. 

Matagal na kami ng aking girlfriend, siguro umabot na kami sa limang buwan at masasabi ko na masaya ako sa kanya. Ang kagandahan niya ay simple pero matapang, nagkakilala kami noong highschool kami at nabighani talaga ako sa ganda niya. Plus the fact na sobrang bait niya kaya hindi ko nga alam at bigla ko na lang siyang nagustuhan. 

Mahirap siyang makuha pero dahil masipag akong manliligaw ay kaagad ko rin naman siyang nakuha. Katulad ko ay isa rin siyang model under her mom's company ganoon rin ako at malaki ang kinikita ko sa modeling, at isa pa may sarili na rin akong kumpanya. At the age of 23 may sarili na akong kumpanya at masasabi ko na successful na ako sa buhay. 

Ngayon na matanda na ako hindi ko na kailangan pa ng bantay para sa kaligtasan ko. Minsan may nagpadala si papa pero nag baback-out ang lahat dahil lahat sila ay sinusungitan ko at tinatakasan. Ayoko naman talaga, si mapa lang talaga ang may gusto kahit si mama, palagi nilang sinasabi na para rin naman sa akin 'yun kaya hinayaan ko nalang. 

Nag-iisang anak lang naman kasi ako at alam ko na gusto lang nila na protektahan ako. Hindi ko nga alam kung bakit? Pero hinayaan ko nalang sila basta hindi nila pinapakialaman ang trabaho ko ay magiging maayos kami. Close ako sa kanilang dalawa at walang patid akong kung magbigay ng mga bagay na magugustuhan nilang dalawa. 

Syempre sa kanila ako nakatira at isa pa ayaw nila na tumira ako malayo sa kanilang dalawa. They treat me as their baby, minsan naiinis ako pero deep inside masaya ako. Wala rin naman kasi akong magagawa kundi sundin silang lahat. Limitado ang mga ginagawa ko pero hindi sila naging hadlang sa lahat ng ginagawa ko ngayon. 

Sinuot ko ang denim jacket na nandito sa dressing room, black 'yun, at bagay sa puting t-shirt na suot ko sa panloob. Kaagad akong lumabas at naabutan si Amara na sinusungitan na naman ang mga bagong modelo. Maldita talaga si Amara pero hindi ko kinukunsinti ang kanyang ugali dahil baka mas lalo lang lumala. 

Inayos ko ang buhok ko at lumapit sa kanya, hinawakan ko ang siko niya. Kaagad siyang ngumiti sa ‘kin at tinignan niya ang mga model na nags-shoot rin sa  unahan. Namaywang ako at tinignan silang lahat, maganda naman at may potential kaya hindi na rin masama. 

“Love, date tayo?” malambing na sambit ni Amara at kumapit sa aking braso. 

Tinaasan ko siya ng kilay. “Saan mo ba gusto kumain?” sambit ko at nilagay ang buhok niya sa ilalim ng tainga niya. 

She pouted her lips. “Kahit saan basta ikaw ang kasama.”

Nagpaalam kami sa manager naming dalawa dahil magkahiwalay kami ng manager. Kaagad kong nilagay ang braso ko sa balikat niya habang nasa elevator kami at hinalikan ko ang noo niya, she giggled. Sabay kaming lumabas sa elevator at inalalayan ko siyang makasakay sa kotse ko. Nang makapasok siya ay pumasok na rin ako sa loob. 

“Korean restaurant nalang tayo, love,” sambit niya at inayos kanyang upo. 

Tumango ako at inikot ang kotse ko para makapunta sa restaurant na gustong gusto niya. Matagal na kami at legal rin kami both sides, mabait naman kasi ang mommy ni Amara pero kapag titignan ko ang daddy niya, gusto ko na lang mawala sa kinatatayuan ko. Ang strict ng daddy niya at isa pa may lahi silang Italian at ang alam ko may isa pa silang kapatid. 

Kilala ko na si Noemie at mabait rin naman siya pero masyado s'yang iwas sa mga tao. Hindi ko alam kung sino ang isang kapatid niya ngunit wala naman akong balak na kilalanin s'ya. Selosa masyado ang girlfriend ko kaya ayokong nag-aaway kaming dalawa. Ang mga kaibigan ko lang ang may alam tungkol sa amin dahil bawal sa modeling. 

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon