Chapter 19

20.7K 611 34
                                    

Cathalina's Point Of View:

The fashion show went through well at nakakatuwang malaman na nagustuhan ang mga damit na sinuot namin maski ang ang mga models. Maraming bisita at marami rin ang nakilala ako kaya naman hindi ako makaupo dahil kaliwa’t-kanan ang usapan namin ng mga famous models and fashion designer.

Alam ko naman na si Amara ang sumira ng heels ko. Hindi ko nalang rin pinansin dahil ayokong masira ang event nilang dalawa. Marami pa akong dapat gawin kaysa naman makipag-usap ako sa kanilang dalawa. Nalaman nila na aalis si Daddy kaya naman todo ang kanilang pakikipagusap kay Daddy na huwag nang umalis at dito nalang sa bahay.

They keep on relying to Daddy when it comes to money, nag-usap na kami ni Daddy about that and good thing ay pumayag s’ya na hawakan ko ang pera niya. Binigyan niya ng kalahati sina Amara at Belinda at sa tingin ko ay okay lang naman sa kanila ‘yun. Kaming dalawa ni Noemie ay hindi umaasa sa magulang, siguro nung bata pa kami ay ganoon ngunit iba na rin ngayon.

Kaming dalawa ni Noemie ay may sariling bahay, resort, island, at sariling sasakyan sa iba’t-ibang lugar. Hindi alam ni Noemie ang tungkol dito dahil hinahanda ko ‘yun para sa future niya at sa magiging pamilya niya sa future. Wala ring alam sina Amara at Belinda dito dahil hindi rin naman nagsasalita si Daddy tungkol sa yaman at mana ng buong Valeria.

“Thank you so much for coming to my event. To everyone who visits and goes here, I’m glad to know that you like the clothes I made myself. To all the models who wore the dresses, many thanks to all of you and for the cooperation you made today...” nakangiting sambit ni Belinda. “I hope you will continue to support me in everything I do, don't stay away from other clothing lines and support me and I'm sure the clothes are beautiful and cheap.”

Tinignan ko s’ya nang mabuti at hindi ko ata kaya na s’ya ang magiging reyna ng Italy. Hindi ako kailanman naniniwala sa kanilang dalawa lalo pa ang pagkatiwalaan sila. Sa tuwing nakikita ko silang dalawa ni Amara, mas lalong nanaig ang gusto kong mawala sila sa pamilya ko.

Huminga ako nang malalim at pinilig ang ulo ko. Ang dami ko nang iniisip at idagdag mo pa ang trabaho sa kumpanya namin, kailangan ko ng bumalik para hindi marami ang gawain. I drink on my wine and looked at Tristan who’s on the other table together with his family. 

“Ate, can we talk?” Napatingin ako kay Noemie at kaagad akong pumayag sa kanya.

Tumayo s’ya at agad pumunta kay Arkin na nakatingin sa aming dalawa.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Arkin at hinawakan ang baywang ni Noemie.

“Kakausapin ko lang si Ate at babalik rin ako agad,” sambit ni Noemie at inayos ang buhok ni Arkin.

“I see. Bumalik ka ha? I will missed you.” Natawa ang kapatid ko at nakita ko pang namumula ang mga pisngi niya.

Pumunta ako kay Tristan na masungit akong tinignan habang nakataas ang kilay. Ngumiti ako kay Tito at sinabi kay Tristan kung bakit nasa harapan niya ako.

“Make it fast, babe. Hihintayin kita dito.” Tumango ako at aalis na sana nang halikan niya ang kamay ko. “I love you.”

Tumango ako at humalik sa pisngi niya bago sumunod kay Noemie na naglalakad. Nang makarating kami doon ay agad na nanginig ang mga kamay niya kaya natatarantang tinignan ko s’ya.

“Ate...he’s back.” Napasinghap ako nang marinig ‘yun dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

“Anong ginawa niya sa’yo?” mariing tanong ko at hinawakan ang balikat niya.

“Pumunta s’ya sa opisina ko and he told me to came back to him...hindi ako pumayag and he threaten me that he will put me in bars at sasabihin sa lahat ang nangyari years ago,” aniya sa mahinang boses.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon