Chapter 25

17.7K 430 43
                                    

Cathalina's Point Of View:

Inaasikaso ko ang triplets at ilang linggo na rin akong nandito sa bahay at kahit paano ay magaling na ang sugat ko at kaya ko nang kumilos nang mas maayos. Balik trabaho na ulit si Trista habang ako ay naiwan sa tatlong bata, hindi rin naman akoo nag-aalala sa kumpanya dahil nandoon si Amara. Naging maayos na kaming dalawa at mas lalo kong nakikita ang trabaho niya, I began to trust her.

"Manang, can you help with this one? I'm planning to take them in the bathroom para sana maligo silang tatlo kaso hindi ko naman kaya," mahinahong sambit ko.

"Sige po, Ma'am. Sinabi na rin po sa 'min ni Sir ang tungkol dito." Mabilis niyang kinuha si Natasha at agad naman akong napangiti.

Mabilis kaming pumunta sa banyo habang hawak ko si Kent na nakatingin sa 'kin, I smiled at him and he yawned kaya natawa ako. I clean their body at nakita kong tuwang tuwa si Natasha sa tubig dahil panay ang galaw ng kanyang paa at kamay. Natawa ako at napailing na lamang dahil mukhang may anak akong athlete.

"Aalis nga pala ako mamaya Manang, kailangan kong puntahan si Belinda," mahinahong sambit ko. "Ilagay niyo nalang sila sa kama at ako na ang bahala sa kanila."

Basa ang aking damit kaya napailing ako at hinubad ang aking damit. Pumunta ako sa closet at agad na kumuha ng damit nilang tatlo, I put the panda pajama on the bed at ang panda na damit. I chuckled nang makitang ang ingay na naman nila na animo'y nag-uusap.

"Gracious! Don't moved at baka mahulog kayong tatlo," nakangiting sambit ko.

Hinila ko ang hita ni Kent dahil gusto niyang bumaba sa kama kaya natawa ako. I dressed them at nahirapan talaga ako dahil panay ang galaw nila lalo na si Stella. I stood up and put them one by one on their crib after I breastfeed them.

"Later on, Mommy will leave and sina Lola ang mag-b-bantay sa inyong tatlo..." mahinang sambit ko.

I took a bath and after tht I wore a brown wrap jumpsuit, classic pumps, my hair is in twist braid, and I have my two sets of earrings. I wore a light make up at agad na kinuha ang aking micro bag at agad na tinawagan ang kapatid ni Tita na s'yang mag-b-bantay sa triplets. Lumapit ako sa aking mga anak at inayos ang kanilang damit at naglagay ako ng tracker sa kanilang pajama.

"Behave okay?" malambing na sambit ko at humalik sa kanilang mga noo. "Babalik rin si Mommy at kasama ko na si Daddy."

Narinig ko na ang busina ng sasakyan kaya agad kong kinuha ang mga bags at tinawag ang mga kasambahay. Binuhat ko si Kent at agad na bumaba at nakita na sila Tita na nakangiti nang makita ako.

"My niece's!" si Tita sa masayang boses. "Ang mga batang 'to ang cute!"

"Aalis muna ako, Tita. Kailangan kong asikasuhin ang mga papers ng kumpanya at babalik rin naman ako kaagad," sambit ko at hinalikan si Kent.

"Alam ba ito ni Tristan? Alam mo naman ang batang 'yun kapag wala ka, nagagalit." Natawa kaming dalawa dahil tama ang sinabi niya na magagalit talaga si Tristan kapag nakita niyang wala ako.

Sumakay ako sa isa sa mga sasakyan ni Tristan. Huminga ako nang malalim at tinawagan ang mga tauhan ko para bantayan ang mga anak ko, kailangan kong mag-ingat dahil kay Titus. Bagsak na ang kumpanya ni Belinda kaya naman ang pera na nawala sa kumpanya namin ay nasa kanya at 'yun ang ginagamit niya para sa kumpanya niya.

[Nasaan ka at bakit naririnig ko ang tunog ng sasakyan?]

Napangiwi ako. "Umalis ako ng bahay at may kailangan akong puntahan."

[What? Cathalina! Who the hell on earth told you to leave?!]

Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses niya. "Bye. I'll be back at 6pm."

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon