Chapter 26

14.9K 385 27
                                    

Tristan’s Point Of View:

Sabay kaming naglakad patungo sa bahay habang nasa bisig ko sina Stella at Natasha. Si Natasha ay nasa leeg ko ang kanyang mukha habang si Stella ay kung anu-ano na naman ang sinasabi na hindi ko maintindihan habang hawak ang tainga ko. Tinignan ko si Cathalina na nauna na sa ‘ming tatlo habang dala niya si Kent na pinaglalaruan ang buhok ni Cathalina. 

“Ate!” si Noemie sa masayang boses at agad na kinuha si Kent. “Oh My God! They’re so cute!”

“Where’s Daddy?” tanong ni Cathalina at umupo sa tabi ko ngunit naging abala si Noemie sa tatlong bata. “Noemie!”

“Oh, sorry.” Tumawa si Noemie at binuhat si Kent. “Nasa opisina sina Daddy at Amara dahil alam mo naman maraming ginagawa sa opisina.”

Mabuti at naging maayos sina Amara at Noemie dahil na rin kinausap ni Cathalina si Noemie. Hindi na rin namin nakita si Belinda at ang sabi ni Cathalina, hindi na dapat kailangang hanapin ang taong wala namang kwenta. Rude right? Anong magagawa ko kung ganyan ang ugali ni Cathalina? Kahit mukha s’yang lalaki para sa ‘kin ay mahal na mahal ko pa rin s’ya. 

“Careful, please.” Hinawakan ko ang malaking braso ni Natasha habang nakatayo s’ya sa carpet. “Nasaan sina Daddy at Mommy?” 

“Nasa garden sila at may gagawin daw na importante,” aniya sa mahinahong boses. 

Tumango ako at pinanood sina Natasha na nasa carpet, tinanong rin ni Noemie kung kailan ba ang kasal namin kaya kinagat ko ang labi ko at tinignan si Cathalina na seryosong nakatingin sa mga anak namin. 

“These month or next year.” Nanlaki ang mata ni Noemie at napatingin sa ‘kin. “Anyways, did you visit Mom?”

“Yes. I always visiting her twice a week and I always telling her about what’s happening to our family,” aniya at malungkot na ngumiti. 

Cathalina smiled. “I’m sure that she’s proud of you because you survive and smiling right now.”

Hindi rin nagtagal ay dumating na sina Tito at Amara kasama ang mga lalaking nakasuot ng tuxedo. This months, Tito announced that Amara is now a legal Valeria at masaya ako para sa kanya. Kaya naman hindi na ako nag-aalala para sa kanya dahil tinanggap na s’ya ng mga Valeria lalo na si Cathalina. 

“Happy birthday, sweetheart.” Napangiti ang ginang nang makita si Cathalina. “Oh, dear! You’re here.”

Tumango at ngumiti lamang si Cathalina at mabilis kaming pumunta sa upuan. Kanina ko pa napapansin ang tingin nila kay Cathalina dahil gulat pa rin silang malaman na may anak na kami, hindi kasi halata kay Cathalina na mayroon na s’yang anak kaya naman ang buong akala ng ilan ay single pa s’ya. Hindi na rin ako nagulat dahil maganda ang katawan ni Cathalina at matagal namin na tinago ang mga anak namin dahil delikado pa ngayon dahil sa kalaban. 

“Hey, Aries.” Napangiti ako nang makita ang anak nina Levi at Lars. “Nasaan si Savannah?”

“Nandoon po kila Cly naglalaro po ata sila,” magalang na sambit niya. “Kanina ko pa po s’ya hinahanap dahil tinatawag na s’ya ni Mommy.” 

Sina Cloud at Luciana ay mayroong anak na sina Clyde at Troy, sina Thorn at Sera ay may kambal na sina Cly at Archi, sina Owen at Pamela ay mayroong babae at dalawang lalaki na sina Tyler, Wade, at Francheska, at sina Raquel at Sydney ay sina Sunshine at Roswell. Masaya ako palagi para sa kanila dahil ilang taon na ang lumipas at matanda na kaming lahat, kulang nalang sina Arkin, Jiro, Leo, Adi, at Rhys. 

Nakita ko sa hindi kalayuan si Cathalina kasama si Amara at parehas silang nakangiti. Masaya ako na kahit papaano ay maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa, masasabi kong proud ako kay Cathalina dahil nagawa niya pa rin ang mga bagay na dapat gawin sa pagitan nila. Napapangiti nalang ako kapag nakikita silang dalawa dahil nakikita kong maayos ang dalawa. 

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon