Chapter 34

12.2K 311 29
                                    

Cathalina's Point Of View:

Nagising ako na wala na si Tristan sa tabi ko kaya agad akong tumayo dahil baka dumating na ang mga taong magbibigay ng damit. Mabilis kong kinuha ang hoodie ko at agad na lumabas ng room, natigilan ako nang makita ang mga guards na nasa labas kaya napailing ako. Mabilis akong bumaba at agad na nakita silang lahat kaya bumuntong hininga ako at mabilis na pumunta kay Tristan.

“I didn’t wake you up masyadong maganda ang tulog mo.” Hinawakan niya ang baywang ko at hinalikan ang noo ko pababa sa labi ko.

Tumango ako at sinabi na okay lang dahil masarap nga ang tulog ko. Maya-maya ay napatingin ako sa mga mane quin na nasa unahan, naramdaman ko ang kamay ni Tristan sa aking tiyan habang nakikipag-usap sa mga designer. Napatingin ako sa isang itim na dress, kita ang gitna ng dibdib ko, may slit, at bagay na bagay sa akin dahil sa kulay ko.

“I like that one.” Tinignan nila ang tinitignan ko at napasinghap sila ngunit hindi ko ma-alis ang paningin ko sa dress.

“You have a good taste, Princess,” ani ng designer. “You can wear that so we can know the changes that you’re wanted to.”

I pouted my lips while holding the gown, tinignan ako ni Tristan kaya agad akong lumapit sa kanya, I kissed his lips.

“I’ll be back,” ani ko at tinapik ang kanyang dibdib.

Mabilis akong pumunta sa banyo at agad na sinuot ang damit. Huminga ako nang malalim at inayos ang dress at ang belt nito. Kitang kita ang gitna ng aking dibdib, ang leg ko, at ang shape ng aking katawan. Ngumiti ako at mabilis na lumabas para sabihin sa kanila na okay lang kaya tumango sila at napatingin naman ako kay Tristan na nasa gilid.

“Babe, how was it?” tanong niya habang nakatayo sa harapan ko habang suot ang itim na tuxedo.

“You’re hot...” ani ko at tinignan ang trouser niya. “...and sexy as hell.”

Nakita ko kung paano naging pula ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg, kinagat niya ang labi niya at tumango kaya natawa ako. Totoo naman ang sinasabi ko dahil para s’yang ruthless businessman kapag nakasuot ng itim na tuxedo idagdag pa ang trousers at ang leather shoes niya. Hindi rin naman nag-tagal ay mabilis na natapos ang ginagawa namin kaya agad akong pumunta sa room para doon na asikasuhin ang mga anak namin na ngayon ay nakabihis na, ayoko sana na isama sila doon kaso kailangan.

“My usually make up,” ani ko at agad naman silang tumango dahil alam nila ang make up na palagi kong ginagamit kapag may event.

Ang alam ng lahat ay patay na ako kaya gusto kong matawa sa kanilang lahat. Sino naman ang tanga ang nagsabi nun sa lahat? Hindi ko talaga sila maintindihan at talagang nagpagawa pa ng malaking picture ko para lang sabihin na patay ako, huminga ako nang malalim dahil ina-alala ko si Daddy, ayokong malaman nila na may sakit ang Daddy ko dahil gagamitin nila ‘yun para lang mawala sa pagiging King ang Daddy ko.

“It’s all done, Princess Cathalina.”

Napatingin ako sa sarili ko at maski ako ay hindi nakilala ang mukha ko. Nude make up ang lahat. Simula sa aking eyeshadow, contour, blush, at maging sa aking lipstick ay talaga namang maganda. Tumayo ako at inayos ang aking circle earrings kasama ang piercings ko. Napatingin kami sa pintuan nang makita si Tristan na nakatingin sa akin pababa sa aking katawan kaya napangiwi ako sa kanya.

“You done babe?” tanong niya. “Ang ganda mo.”

He’s wearing a black long sleeve na kita ang kanyang chain necklace maski ang dibdib niya, a black tuxedo, a black pants, and his leather jacket. Ang kanyang buhok ay tama lang lalo na ang bangs niya na nasa kanyang noo, ang kanyang panga ay nakaka-akit tignan kaya naman hindi ma-alis doon ang paningin ko. Napatingin ako sa mga kasama ko at nakita na kay Tristan lang ang tingin nila kaya napailing ako at kinuha ang purse ko at ang mask.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon