Chapter 14

26.9K 804 55
                                    

Tristan's Point Of View:

I wore denim shorts, striped sweater, and a snickers. Kinuha ko rin ang ang aking religious necklace at ang aking rimless eyeglasses. Huminga ako nang malalim at kinuha ang aking wallet at cellphone, lumabas agad ako ng kwarto at pumunta sa suit ni Cathalina.

Sinuklay ko ang aking buhok at agad na kumatok sa pintuan niya. Sabi ng manager ko ay kailangan before ten minutes ay nandoon na kami sa baba dahil aayusin pa ang aming suot pati na rin ang set up. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa at napatingin kay Cathalina.

She's wearing a high neck top, hot pants, and a snickers like mine. Napalunok ako at nakita ko rin ang tattoo niyang rosas sa kanyang puso at maging ang heart bracelet at ang kanyang locket necklace.

"Are you ready?" tanong ko. "Ang ganda mo."

She raised her brow. "Kukunin ko lang ang gamit ko sa loob at aalis na tayo."

Wala sa sariling tumango ako at kumunot naman ang noo niya habang naglakad. Sumandal ako sa pader at huminga nang malalim dahil bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Nang makuha niya na ang gamit niya ay mabilis kaming pumunta sa elevator.

"You look tired." Hinawakan ko ang siko niya at pinagmasdan ang kanyang mukha.

"I have a lot of things to do kaya hindi rin ako nagkaroon ng oras para matulog," mahinang sagot niya.

"You need to rest, Cathalina. Hindi puwedeng puro trabaho ang ginagawa mo, napapabayaan mo na ang sarili mo." Napailing ako at hinawakan ang kamay niya.

Sabay kaming lumabas ni Cathalina sa elevator at hawak ko ang kanyang kamay. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin lalo na ang staff, nakita ko rin si Amara sa hindi kalayuan na nakataas ang kilay sa aming dalawa.

"Look's who's here..." mataray na sambit niya. "The attention seeker."

Hindi s'ya pinansin ni Cathalina at ganun rin ako. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin ni Cathalina at nakita ko ang galit sa kanyang mga matang ngunit kalmado ang postura niya. Alam niyang hindi puwedeng magkaroon ng gulo dito dahil magiging magulo ang lahat ng pinaghirapan ng kanyang Mommy.

"You are really shameless! After Rhys, will you mess with Tristan again? Is there really nothing you can do and even the man I want is flirting with you and you are still holding hands in front of me!" Si Amara sa galit na boses.

"Amara, stop." Bumaba ang kamay ko sa baywang ni Cathalina. "You don't have the rights to call me yours because after all, we're done."

I couldn't wait for her to say anything and immediately sat down with Cathalina. The guides and instructions told us what the trend of our photoshoot would be and also said that we were wearing swimwear and my manager immediately agreed and so did Cathalina.

"Alam ko naman na magaling ka na kaya naman alam kong kaya mo na. Gusto rin sabihin na hindi basta na model si Cathalina, like what I said s'ya ang high paid model ng iba't-ibang brands ng kumpanya," aniya sa seryosong boses.

"I know that too. Kagaya ng sinabi mo kailangan ko lang gawin ang gusto ko at gawin ang mga bagay na masaya ako kaya...alam ko ang mga gagawin ko," sagot ko at hinubad ang aking sweater.

She smiled at me at sinabi rin niya na pinag-usapan rin kami ng iba't-ibang guest. Sinabi niya rin na maraming lalaki ang humahanga kay Cathalina kaya napasimangot ako.

"Sa akin si Cathalina, sigurado ako." Ngumisi na lamang ako at nagtaas naman s'ya ng kilay.

Sabay kaming lumingon kay Cathalina na kalalabas lamang ng hotel. Napanganga ako sa suot niya, she's wearing a burgundy one piece and her T strap high heels. Napalunok ako nang makita ang kabuuan niya at ang ganda ng katawan niya model talaga ang dating.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon