Chapter 46

11.2K 244 23
                                    

Cathalina's POV:

Naayos ko na ang libing ni papa at sila tita na ang bahala doon at sa mga kakailanganin. Sa italy si papa ililibing, nakarating na rin ang balita sa nakatataas at lahat sila ay nagalit. We didn't expect this to happen earlier, si Hades ay doon rin sa Italy. Pinapaayos na rin ang mga papeles nilang dalawa para makapunta na doon sa italy, hindi ko pa kayang pakawalan si papa sa totoo lang, masakit pa rin. Sa mga nakalipas na linggo, tahimik akong umiiyak at tahimik na nagluluksa sa pag kawala ng papa ko.

Hindi ko manlang nakausap ang papa ko, parehas kaming busy at doon lang kami nakapag-usap sa eroplano. We talked a lot about our business, we laughed pero unti-unting nabubura ang ngiti at ang tawanan. He did all his best to protect me, to shield himself to me. Wala akong nagawa sa mga oras na 'yun, nung nawala ang mama ko pinangako ko sa sarili ko na hindi na mauulit ang kung ano man ang nangyayari sa nakaraan. But destiny hit it, hindi manlang nagpatawad at tatlong tao pa ang nawala sa'kin, tatlong tao ang kinuha sa'kin. So tell me, how could i endure everything? Paano ako ngingiti kung ang dahilan ng pag ngiti ko ay nawala na?

It left the big scar on my heart na dapat nakabaon na, sobrang tagal kong binaon ang sugat sa nangyari sa mama ko. Pero now, naungkat na naman, bumalik na naman sa dati. Mas lalo lang bumigat at mas lalong naninikip ang dibdib ko, kahit anong limot ko sa nakaraan. Hindi ko talaga matanggap, durog na durog ako, hirap na hirap akong bumangon.

Napapikit na naman ako at naglandas ang luha sa pisngi ko, ang sikip ng dibdib ko. Gabi gabi ako umiiyak, gabi-gabi naalala ko ang nangyari. Parang bangungot sa akin ang nangyari, everytime na matutulog ako, para akong binabalik sa kung saan namatay ang papa ko, sa kung saan nakita ko kung gaano kami kaawa-awa. Napahawak ako sa dibdib ko at umiyak ng umiyak hindi ko kaya, ayoko pang pakawalan ang papa ko, ang anak ko. 

"Ahhh!" sigaw ko at lahat ng kung ano mang gamit sa lamesa ko ay kinalat ko. "B-bakit?" saad ko habang umiiyak.

Tinumba ko ang lamesa at napaupo sa sahig, humagulgol ako at sapo-sapo ang dibdib ko. Hindi ko na kaya, kada mag-isa nalang ako ay ganito ako. Umiiyak at nagwawala, kinukulong ang sarili sa kwarto o dito sa opisina ko. Para walang makakita kung gaano ako kahina sa ngayon, nagt-trabaho nga ako pero ang utak ko wala sa trabaho. Niyakap ko ang tuhod ko at yumuko at doon lumabas ang masaganang luha sa mata ko na matagal ko ng tinatago.

Patong patong ang sakit, lahat na ata ay na sa'kin na. Paano ako mag-uumpisa? Paano ako gigising sa umaga na matanggap ko na? Paano ako babangon kung bagsak na bagsak na ako? Paano ko papakawalan si papa na hindi ako nasasaktan? Ganito na ba, ang sama sama ko ba para bigyan ako ng ganito? Na maski ang huling hiling ko hindi man lang tinupad? Gusto ko lang naman maging masaya, kaya nga ako umuwi dito kasama ang papa ko dahil, gusto kong maging malaya.

"Fuck! Cathalina!" rinig ko saad ni Tristan. "Baby.." saad niya ng makalapit.

He hugged me mas lalo akong naiyak sa harapan niya, piling ko ang hina hina ko ngayon. Piling ko bumalik na naman ang mahinang Cathalina na matagal ko ng binaon. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at agad na pinunasan ang mga luhang kanina pa nasa pisngi ko, hindi maawat ang luha ko.

"Mabuti nalang naabutan kita, alam kong magwawala ka na naman. Kaya nagmadali na ako pumunta dito.." mahinang saad niya at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Nakatingin lang ako sa kanya na panay ang punas sa pisngi ko, nakaluhod upo lang s'ya sa harapan ko. Punong puno ng pag aalala ang mga itim niyang mata habang nakatingin sa'kin. Ang swerte ko nga, sobrang swerte ko na may asawa akong ganito. Ang taong hindi ako iniwan at sinukuan sa lahat ng bagay, ang taong palaging nandiyan para sa akin.

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" nagaalalang saad niya at sinipat ang katawan ko. "Magiging maayos rin ang lahat okay? Hindi mo kailangang mag sarili, nandito ako. Kaya nga nangako tayo sa isa't-isa sa harap ng diyos na sasamahan natin ang isa't-isa sa hirap at ginhawa diba?" he slowly said while staring at me.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon