Chapter 16

22.7K 627 35
                                    

Tristan's Point Of View:

Nasa suit ako ni Cathalina para gawin ang ilang resolution papers at thesis para sa gagawin naming papers. Nang umalis si Cathalina ay nandito na ako at hindi na ako lumabas dahil gusto kong dito muna ako, since malapit na ang event bukas ay gusto kong maghanda at maging productive ngayong gabi kaya gumagawa ako ng PowerPoint presentation.

It is a luxurious hospital at ako ang naging engineer at si Noemie ang architect. Since the woman gave me a lot of money, ginamit ko na lamang 'yun para gawin ang gusto niya at dinagdagan rin namin ni Noemie ng iba't-ibang designs. Hindi tumawag si Cathalina sa akin kaya kinabahan ako ngunit kailangan kong maging kalmado dahil ligtas s'ya.

Kanina ay inaya ako ni Amara na pumunta sa bar kasama ang mga female models niya ngunit mas gusto kong manatili dito. Si Jiro naman ay nandoon sa bar para maghanap ng babae niya kaya hindi ako sumama, ang mahalaga sa akin ay ang trabaho ko at si Cathalina. Kuntento na ako sa kanya at kung hahanapin ko pa sa iba ang lahat, hindi ko na alam.

My manager told me na declined at inurong ang fashion show dahil may hinding magandang nangyari. Pumayag naman ako dahil makakasama ko pa si Cathalina nang mas matagal at para na rin mas makilala pa s'ya nang mabuti. Hindi ko nga alam kung nasaan s'ya o ano ba ang ginagawa niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya.

Punong puno ng maraming papel ang kama ni Cathalina at nasa gitna ang laptop ko. Kanina ko pa ginagawa ang folder para sa limang project na nakuha namin nila Leo at Adonis, sinabi ko sa kanila na gawin nila ang measurements at ang blueprints habang ako ay sa folders.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang walang text o tawag man lang si Cathalina. Tinanggal ko ang salamin ko at hinawakan ang mga mata ko, gusto ko na sanang magpahinga ngunit kailangan ko itong matapos dahil bukas ay uuwi ako. There was a picture na nakuha ng isang camera man at kapwa kaming nakangisi ni Cathalina habang yakap ko ang baywang niya and it trends.

Maraming nagsabi na bagay raw kaming dalawa at marami ring nagsasabi na si Amara ang bagay sa akin. Their opinions don't matter to me dahil ang mahalaga ay si Cathalina because Cathalina above anything and everything.

Tinignan ko ang balkonahe nang marinig ko ang isang kaluskos ng kuko. Tinignan ko ang laptop ko dahil baka mayroon na namang pusa ngunit agad rin akong napatingin ulit dahil parang may tao at naglalakad. Huwag mong sabihin may multo dito? Ako lang naman ang mag-isa.

Huminga ako nang malalim at kumuha ng kutsilyo sa kusina bago pumunta sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang cellphone ngunit dahil madilim ay kitang kita ko ang isang anino kaya mas lalo akong kinabahan na baka isa ito sa mga taong gusto akong patayin.

"Who's there?" sigaw ko at huminto sa gilid ng mini table sa gilid ng kama.

Dahan-dahan akong naglakad at hindi inalis ang tingin sa statue na nasa labas. Kinagat ko ang labi ko at naglakad patungo doon dahil kinakabahan ako, marunong ako ng self defense ngunit kung ganito ay hindi ko alam paano ako kikilos kung madilim.

"May tao ba diyan? Anong kailangan mo?" sigaw ko at mahigpit ang hawak sa kustilyo na hawak ko.

Mabilis akong naglakad papunta sa balkonahe at ang malamig na hangin ang agad na bumungad sa akin. Tumingin ako sa kaliwa at kanan ngunit wala akong nakita kundi ang kadiliman at ang mga puno. Napatingin ako sa gilid nang may nakitang isang malaking standee na kamukha ni Daddy, nanginig ang katawan ko nang makita ang dugo sa buong mukha nito.

Tumingin ako sa paligid at nakitang walang tao, ramdam ko ang panginginig ng aking katawan habang hawak ang picture ni Daddy na may malaking butas sa kanyang dibdib. Isa ba itong threat? Ano ba ang kailangan nila sa akin at ang Daddy ko naman ngayon?

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon