Chapter 22

20.1K 520 44
                                    

Cathalina’s Point Of View:

Niyakap niya ako at nilagay ang kanyang labi sa gilid ng aking ulo kaya napapikit ako. Mabigat ang dibdib ko dahil sa nakita ko at nasasaktan ako dahil nakikita kong komportable sila sa isa’t-isa. I’m insecure because she can stay with Tristan and I felt so useless dahil pakiramdam ko ay hindi talaga ako ang para sa kanya.  

“You end your contract with me...” bulong niya. “Why? Are you tired of me? Did I do something off with you that’s why you end your contract with me?”

Hindi ako sumagot dahil nakita ko si Ayesha na lumabas ng gate at kunot ang noo habang nakatingin sa aming dalawa ni Tristan. Tinulak ko si Tristan ngunit hindi niya binitawan ang kamay ko, tinignan ko si Ayesha at nakita ko na hindi niya ako gusto at ganun rin naman ako sa kanya.

“Tita is looking for you.” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiti nang matamis. “You must be his girlfriend?”

I stood with elegance and stared at her. “Yes, I’m his girlfriend. Nice to meet you. Anyways, I have to go dahil may gagawin pa ako.”

“Hindi ka na ulit aalis.” Napatingin kami kay Tristan na nasa akin ang tingin. “Sasama ka sa akin sa loob sa ayaw at sa gusto mo.”

Tinignan ko si Ayesha na nag-iwas ng tingin. Wala akong nagawa nang hilain ako ni Tristan at napalunok ako dahil kitang kita kong komportable sila sa isa’t-isa. Pumasok kami ulit sa loob at tinignan ko si Daddy na nakatitig sa akin, I smiled.

“Gustong gusto nila Tita ang pictures natin. We look expensive raw,” natatawang sambit niya.

“Babe, kumain ka na?” Napasinghap ako dahil hindi niya man lang pinansin si Ayesha. “I missed my girlfriend.”

Nakita ko ang tingin sa akin ni Ayesha kaya umiwas ako ng tingin at umiling na lamang kay Tristan na nasa akin ang paningin. Umupo kami at sa kanan niya ay si Ayesha na uminom ng tubig kaya napailing ako.

“Cathalina,” tawag ni Arkin kaya napatingin ako sa kanya. “Can I still visit Noemie, right?”

“Yes.” Nagliwanag ang mga mata niya. “We need to bring her to Italy for her recovery dahil nag-aalala rin kami sa kalagayan niya.”

“Thank you. I’m so worried about her at hindi pa namin alam ang tunay na nangyari sa kanya...” aniya sa mahinang boses

I gave him a smile at sinabi na ako ang bahala sa investigation sa nangyari sa kapatid ko. He nod his head at ngumiti na lamang ako at hinaplos ang aking tiyan. Tinignan ko si Tristan na hawak ang hita ko habang umiinom ng wine at kausap ang kanyang mga kaibigan. 

“Tristan...” sambit ko at agad naman s’yang napatingin sa akin.  “We need to talk.”

“Where? Sa kwarto ko?” Namula ang pisngi ko dahil alam kong hindi magiging maayos ang usap lang na sinsabi ko. “Fine! Sa pool nalang. I know that look.”

Tumikhim ako at agad na tumayo, mabilis naman s’yang nagpaalam sa mga pinsan niya habang hawak ang kamay ko kaya napailing ako. Somehow I missed his touch.

“What is it babe?” aniya sa malambing na boses kaya natigilan ako. “Yes, babe?”

Lumunok ako at mabilis na kinuha ang isang box. Kinakabahan ako sa magiging reaction niya kapag nalaman niya ang tungkol sa anak naming dalawa.

“Open it.” Napasimangot ako dahil tinitignan niya pa ang bawat sulok. “There’s no bomb, Tristan!”

Tumawa s’ya kaya iniwas ko ang paningin ko dahil natatakot ako sa reaction niya. Narinig ko ang malakas niyang singhap kayaa dahan-dahan akong tumingin to saw that he’ trembling while holding the pregnancy kit and ultrasound. 

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon