Chapter 18

23.3K 638 28
                                    

Cathalina's Point Of View:

Mabilis kong inalalayan si Tristan sa kotse dahil punong puno ng sugat at galos ang kanyang katawan. Gusto kong magalit ngunit mas pinili kong maging kalmado dahil gusto kong mag-isip nang mas maayos at gusto kong maging planado ang gagawin ko.

"You okay?" mahinang tanong ko at hinarap s'ya.

"I'm okay..." ngumiti s'ya. "Did you know them? Bakit sila nandito?"

"You should be very careful next time, hindi sa lahat ng oras ay palagi mo akong kasama." Iniwas ko ang paningin at agad na pinaandar ang kotse.

Marami akong iniisip ngayon lalo pa't nakarating sa akin ang balita na hinahanap na ako ng mga kalaban namin. Kailangan kong mag-ingat at hindi biro ang mga kalaban dahil alam nila ang bawat galaw namin, gusto ko man na umiwas sa gulo ngunit malabo na mangyari 'yun.

This is a serious matter and I need to secure my safety and my family. Hindi nila puwedeng malaman na nandito ako sa Pilipinas dahil malaking problema 'yun.

"We're here..."

Inalalayan ko si Tristan, kanina ay tinawagan ko ang mga magulang ni Tristan kung sakali na marami. Nag-alala rin sila ngunit sinabi ko na ako ang bahala kay Tristan kaya kahit papaano ay naging kalmado naman silang dalawa.

Sabay kaming naglakad at nakita ko ang mag-asawa na panay ang lakad at hindi mapakali. Huminga ako nang malalim at tahimik na umupo si Tristan sa sofa kaya sabay silang napatingin sa akin.

"Anak, are you okay?" nag-aalala na tanong ni Tita.

"Yes, Mom. Hindi naman nila ako nakuha dahil nandoon si Cathalina." Ngumiti si Tristan kaya napailing ang mag-asawa sa kanya.

Naglakad ako papunta sa kusina at kinuha ang medicine kit para gamutin ang sugat ni Tristan, huminga ako nang malalim at sinabi kay Tito ang lahat ng nangyari at galit na galit s'ya at kulang nalang sumugod s'ya sa mga kalaban nila.

"Talagang gusto nila ng laban!" si Tito sa mariing boses. "Ilang beses na nilang ginawa 'to kaya hindi na ako papayag sa susunod."

"Hindi naman tayo puwedeng sumugod na walang plano, kailangan nating gumawa ng magandang plano para dito," ani ko at napatingin sila sa akin.

"What should we do then? Hindi puwede 'to..." sambit ni Tita sa mahinang boses.

Natahimik ako at tumingin sa kawalan, kung magpapadala ako ng mga agents ay mas mabilis ang plano. Puwede silang magtago para bantayan si Tristan at puwede rin nilang tignan ang bawat lugar kung saan si Tristan palagi.

"I have plans and it's good because we have some mens to guard and protect him," sambit ko at tinignan si Tristan na nakapikit.

"Paano?" tanong ni Tito at tinignan ako.

I sighed. "I called some of my mens at para na rin masabi ko sa kanila ang plano ko. Don't worry dahil magaling at malapit sila sa akin."

Tumango ako at pumunta sa labas para kausapin ang mga agents na kilala ko. Huminga ako nang malalim at tinawagan ang in charge.

[Superior...]

"I need some mens and I have a mission to all of you," malamig na sagot ko.

[What is it?]

I smirked. "I need some agents to guard Mr. Tristan Jake Martinez and to protect him. You need to disguise if you don't want the enemies saw you. Please, I need your help."

Kaagad naman silang pumayag kaya ngumisi ako. Sinabi ko sa kanila ang mga gagawin nila at alam kong sila ang makakatulong sa akin kay Tristan at sana gumana ang plano ko para sa kanya. Hindi ko na kaya pang makita na mawala sa akin si Tristan, wala akong pakielam kung makapatay ako dahil para sa kanya 'yun.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon