Chapter 13

25.7K 755 61
                                    

Tristan's Point Of View:

Kanina pa ako hindi mapakali dahil lahat kami ay hindi alam kung anong nangyari. Kinakabahan ako dahil wala pa rin si Cathalina at kung anu-ano na ang senaryo na pumapasok sa utak ko. Nakarinig kami ng putok ng baril kaya nataranta na naman ang mga tao dito sa ibaba at ang iba ay mga nakaupo ngunit alerto. 

"Ano bang nangyari, Dad?" kinakabahan na tanong ko. 

"Hindi natin alam siguro ay hintayin natin si Cathalina," sagot niya. 

Tinignan ko si tito na seryoso na kinakausap ang kanyang mga tauhan na nakapaligid sa kanya at nandoon rin sila Amara sa kanyang tabi. Nag-aalala ako dahil wala pa si Cathalina at ilang minuto na s'yang wala dito. Maya maya lamang ay nakita namin si Cathalina na kalalabas lamang ng elevator kasama ang kanyang mga tao. 

Dumiretso s'ya kay tito para kausapin ito at hindi na ako makatiis na hindi s'ya kausapin dahil baka nasaktan s'ya. Tumango s'ya kay tito at agad nagtama ang paningin naming dalawa habang naglalakad s'ya patungo sa aming direksyon. 

"Mr. Martinez," aniya sa seryosong boses. "We need to talk about this."

Tumango si daddy. "Doon na lamang tayo mag-usap sa bahay. Tara na, Tristan kailangan na nating umuwi."

Tinignan ko si Cathalina. "Hindi ka ba sasama sa amin?" Umiling lamang s'ya. 

Suminghap ako at agad na hinawakan ang kanyang baywang para halikan ang kanyang pisngi. Narinig ko ang singhapan ng magulang ko at ang gulat sa mga mata nila Amara at Noemie.

"Mommy!" natatawang sambit ko dahil panay ang pang-aasar niya sa akin. 

"Ito ba ang sinasabi mong pangarap huh?" nakangising tanong niya. "Ngayon alam ko na ang lahat."

Sumakay kami sa kotse at hindi pa rin ako nilulubayan sa kanyang pang-aasar. Napailing na lamang ako at naalala na may shoot kami sa Siargao at hindi na ako makapaghintay na makasama si Cathalina. 

"Magiging maayos naman ang lahat hindi ba?" tanong ni mommy. 

"Hindi ko alam, honey. Ang alam ko si Cathalina na ang bahala at tutulungan ko na lamang s'ya kung ano ang pwede. Day off pa naman niya at may problema na naman," sagot ni daddy. 

Agad kaming nakarating sa bahay at mabilis akong umupo at hinubad ang sapatos ko. Nakita ko ang aso ko sa gilid na tumakbo kaya napangiti ako at agad s'yang kinuha. 

"TJ!" masayang sigaw ko. "Kumain ka na ba, bud?"

Umakyat muna ako sa itaas at agad na pumunta sa kwarto ko, sa pagbukas ko ay bumungad sa akin ang panda teddy bear. I held it at naalala ang batang babae sa park kung saan una kaming nagkita. Inamoy ko 'yun at hindi pa rin nagbabago ang cherry niyang amoy kaya napangiti ako. 

"Sana makita na kita..." bulong ko at niyakap ang teddy bear. 

Huminga ako ng malalim at mabilis na pumunta sa banyo para maghilamos. Sinuot ko ang sweat shorts, gray t-shirt, at tinanggal ko rin ang accessories sa aking katawan. Maya maya ay narinig ko ang busina ng motor ni Cathalina kaya mabilis akong lumabas at nauna pa si TJ sa pagbaba ng hagdan.

"Where's your dad? I need to talk to him," aniya at inayos ang kanyang dress. 

"Teka, gumamit ka ng motor habang nakasuot ka ng dress?" nagtatakang tanong ko. "Maayos na ba ang sugat mo?" 

"Ako lang ang nakakagawa nun. Sanay na ako na naka gown tapos motor. Minsan pa nga ay gown" Napailing ako at natawa. "Maayos naman ang sugat ko, hindi na masakit pero kanina makirot."

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon