Chapter 36

11.2K 302 15
                                    

Cathalina's POV:

Pagdating ko sa unahan nakita ko si Hades na walang malay at may duguan rin. Pinatay ko ang dalawang nagddrive hindi nila ako nakita kanina dahil agad ako nagtago sa likod. Mabuti nalang at may nakatagong armas dito sa eroplano ko. Madali ko lang rin nakita dahil alam ko ang bawat kanto ng eroplano ko. Ang hindi ko alam, bakit may nakapasok sa eroplano ko na hindi nila alam at paano sila nakapasok? Tago ang eroplano ko, kanina ko lang rin pinahanda ito. Hindi ko rin kasi kilala ang dalawang armadong lalaki na nasa unahan, kilala ko ang mga tauhan ng Rovanov, at hindi naman sila ito.

Ang nakakainis pa walang preno at parang sinadya, pinaglalaruan kami sa loob. Masyadong mabilis ang galaw ng eroplano at paubos na rin ang gas, kanina pa ako nag iisip kung saan ko ilalanding at ilang oras pa ang byahe. Hindi pa nakakatulong ang malakas na hangin sa labas, hindi ko pwede ilanding sa dagat. Kasama ko ang mga anak ko, napapikit ako sa inis at mahigpit ang kapit sa unahan. Binabalanse ang takbo ng eroplano.

'Think, Cathalina! Wag kang kabahan! Hindi mo pwedeng ipahamak ang mag-ama mo at ang daddy mo! Mag-isip ka ng plano!'

Lumunok ako at kinalma ang sarili ko, kahit magtulungan pa kami ng dalawang tauhan wala rin. Tinignan ko sila na panay ang salita napapikit ako at agad na nakaisip ng paraad. Kaagad kong tinawagan si Luke, alam ko na may eroplano siya. Malapit na maubos ang gas namin.

"Tristan! Call Luke nandiyan ang phone ko, sabihin mo ang nangyayari sa'tin!" saad ko sa intercom. "Hades! Gising ka na rin!" nakahinga ako ng maluwag ng magising s'ya.

"A-anong.. nangyari?" litong saad niya at tumayo hawak ang ulo niya.

"We need to land! Mauubos na ang gas natin! Ang plano ko ay lilipat tayo sa ibang eroplano at kailangan natin si Luke!" saad ko sa kanya na nanlaki ang mata. "Now, move! Tawagan mo si Luke at kaunti nalang babagsak na ang eroplano!" singhal ko sa kanya na napakurap.

Binalanse ko ang eroplano pigil ko ang hininga ko, tinawagan ni Hades si Luke. Rinig ko ang pag uusap nila nakatingin lang ako sa unahan, napamura pa ng mabilis hanginin ang eroplano ko. Tiim ang bagang ko, matalim ang tingin sa unahan.

"Clean that mess on the floor, I don't wanna see it." malamig na saad ko sa tauhan ko.

"Yes, Princess.." magalang na saad nila at pinagtulungan ang dalawang lalaki.

"Tristan, are you okay there?" tanong ko sa asawa ko im worried right now. "Answer me, baby.." mahinang saad ko.

"We're okay here.." mababang boses ni Tristan. "Im worried for our safety. Nagsuka na si kent at si natasha.." saad niya.

Bumuntong hininga ako agad na tingin ang gas, malapit na tatlong bar nalang. Narinig ko ang isang ingay sa gilid ko, binigay namin ang location namin kanina. Agad akong napatingin doon, nandoon na ang tulong namin. Nakahinga ako ng maluwag, nakita ko si Luke na nakatingin sa'kin.

"Move your plane on our right! Ilakakabit ko ang tali!" sigaw niya katabi ang driver ng plane.

Mabilis akong tumango at agad na niliko ang eroplano. Narinig ko agad ang pagpulupot ng tali sa gilid ng eroplano ko. Dalawang bar nalang at kailangan naming maka-alis agad dito. Tumayo ako dahil kontrolado na ni luke ang eroplano ko. Tumango ako kay Hades bilang bantay sa eroplano ko.

"Baby!" si Tristan na hawak ang dalawang anak namin.

"Dalawang bar nalang ang mayroon sa gas. Kailangan na nating maka-alis dito, kayo ang papaunahin ko. Susunod ako sa inyo.." saad ko at may pinindot sa gilid.

Kinuha ko ang life vest, binigay ko agad sa kanila 'yun, kumuha ako ng maliit para sa mga anak ko. Sinuot ko agad 'yun sa kanila at muntik pang matumba dahil sa biglaang andar. Sinipat ko si dad at bumuntong hininga hindi na ako mapakali. Kinuha ko ang life vest ko na may parachute sa ilalim, hindi ko kasi alam kung makaka-abot ako doon. Kinabit ko kay tristan ang life vest na may parachute rin, kung sakaling hindi s'ya maka-abot.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon