Chapter 24

18.5K 478 45
                                    

Tristan’s Point Of View:

Happiness, contented, and proud that Cathalina is now my future wife. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa araw na ‘to masyadong masaya at pakiramdam ko ay hindi sapat ang salitang masaya dahil sa nararamdaman ko. Ito ang pangarap ko, ang magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang babaeng mahal ko at magkasama kami sa iisang bahay, masaya at punong puno ng pagmamahal.

Niyakap ko ang balikat ni Cathalina habang ang kanyang ulo ay nasa aking balikat, all of her relatives is here at ganun nalang ang gulat ko nang malaman na galing sila pa sila ng Italy. Sinabi sa ‘kin ni Cathalina ang tungkol sa kanyang pamilya at hanggang ngayon ay gulat pa rin akong malaman na lahat sila ay kasapi ng royal family.

“Cathalina, can we talk?” Napatingin kaming dalawa ni Cathalina kay Rhys. “Don’t worry, mabilis lang ‘to at ibabalik ko rin s’ya sa’yo kaagad.”

“Take care of her, please.” Inalalayan ko si Cathalina at hinalikan ang noo niya.

Tinignan ko silang dalawa at ang sabi ko ay sa malapit lang para makita ko silang dalawa. Huminga ako nang malalim at kinuha ang isang beer, lahat kami ay nandito at ang iba ay masayang nag-uusap sa kanilang mga table.

“Akala ko ba hindi mo gusto si Cathalina?” nakangising tanong ni Adi. “Sabi ko na nga ba na maaga kang magkakaroon ng asawa.”

Napalunok ako dahil sinabi ko nga sa kanila na wala pa akong balak na maging girlfriend o asawa man lang si Cathalina, pakiramdam ko kasi ay hindi pa tama ang oras para sa ‘ming dalawa.

“Everybody fall for Cathalina kaya hindi na ako nagulat na pati ikaw ay magkaroon ng gusto sa kanya. Sinong hindi, right?” sambit ni Raquel kasama si Sydney.

“Sobrang bait ni Cathalina, she’s innocent and princess talaga ang kanyang galaw at salita,” sambit ni Lars. “Tinuruan ko lang ng ibang bagay kaya kahit papaano ay normal na s’yang kumilos hindi kagaya dati na para bang may limit ang galaw niya.”

“Hon, tinuruan mo na naman ng kung anu-ano si Cathalina.” Lars giggled kaya hinalikan s’ya ni Thorn sa labi. “Naughty wife.”

Napatingin ako kay Cathalina na masayang naglalakad. Para akong nawalan ng tinik sa aking lalamunan nang makitang maayos na silang dalawa, ngumiti si Rhys at inalalayan si Cathalina. Hinalikan ko si Cathalina sa pisngi at inalalayan s’ya sa upuan at napatingin ako sa kanyang mga mata dahil mukhang pagod na s’ya.

“You tired babe?” bulong ko sa kanyang tainga at hinawakan ang pisngi niya. “You look tired.”

“I’m okay...” mahinang sambit niya. “I just want to smell fresh air from the sea that way I can relax.”

Tumango ako at napatingin kay Ayesha na nakatingin sa ‘kin kaya napakunot ang noo ko, hangga’t maaari ay ayoko s’yang kausapin. Ayokong magalit sa ‘kin si Cathalina at ayokong gumawa ng mga bagay na hindi niya magugustuhan.

“Sir, may box po doon sa table kanina at ang sabi ibigay ko raw po sa inyong dalawa ni Ma’am Cathalina.” Napatingin kami sa waiter na may dalang malaking itim na box.

“Huh? I wasn’t expecting anything...” naguguluhang sambit ko. “Sino ang nagbigay?”

“Wala pong sinabi na pangalan at basta nalang po umalis.” Kinamot niya pa ang kanyang ulo at tinignan ako. 

Nagpasalamat nalang ako at agad na kinuha ang box, hindi ko alam kung kanino galing ito at lahat kami ay tahimik na nakatingin sa box na malaki. Huminga ako nang malalim at tinignan si Cathalina na tumayo at dahan-dahan na binuksan ang box na nasa aming harapan.

Ganun na lamang ang gulat naming lahat nang makita ang iba’t-ibang patay na hayop at napatalon ako sa biglaang sigaw nila Lars. Muntik nang mawalan ng malay si Cathalina kaya naman agad ko s’yang inalalayan at mabilis na kinuha ang panyo para ibigay sa kanya.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon