Chapter 2

39.3K 1.3K 143
                                    

Tristan's Point of View:

Umaga palang ay nandito ako sa sarili kong kompanya dahil marami akong kailangang gawin at isa pa marami kaming nakapilang project sa iba't-ibang client. Nakapagtapos ako sa pag-aaral sa ibang bansa dahil sa utos na rin ni daddy kaya doon ako nag-aral at nakatapos ng may mataas na honor at degree.

May itatayo kaming building na galing sa mga Santos and they need a professional engineer kaya kami ang tinawagan nila. Ang gusto nila ay three storey building para sa iba't ibang floor ng restaurant nila. Ang bawat floor ay iba't ibang pagkain at isa pa magaling na chef ang mga Santos, lalo na ang anak nilang babae. 

Kaya kailangan naming galingan para hindi sila mabigo. Ang rest house ni Mr. Valeria ay ginagawa pa rin namin at kaunting ayos lang sa interior at maging okay na rin ang buong bahay dahil pinalagyan niya hanggang tatlong palapag para sa anak niya. Hindi ko alam kung sino doon sa kanilang dalawa at wala rin akong balak magtanong kay Amara. 

Nag-away kami dahil sa nangyari kagabi sa bahay nila at hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya kagabi. Noemie is like my little sister at nakasama ko na rin  s’ya sa isang project dahil kilala s’yang architect sa buong bansa. 

Hindi niya ako pinapansin at ganun rin ako at kahit kausapin ko siya ay mas lalo lang siyang nagagalit. Kapag galit siya she will hangout on her friends at the bar at wala rin siyang text sa 'kin at Ilang tawag na ako sa kanya pero wala pa rin. Hinayaan ko na muna at baka sakaling lumamig ang ulo niya ay makausap ko na s'ya nang maayos. 

“Engineer, nandito na po si Architect Noemie,” sambit ng isa sa mga engineer, one of my colleagues.

“Let her in,” I said calmly at inayos ang aking hard hat.

Tumango siya at magalang na umalis at kaagad kong nakita sa hindi kalayuan si Noemie na pormal na naglalakad. Minsan talaga hindi mo s’ya makikitaan ng pagiging maldita at hindi rin s’ya kamukha ni Amara, ayoko na lamang magsalita dahil wala akong alam sa pamilya na mayroon sila.

“Engineer,” She greeted me formally kaya nginitian ko s'ya nang matamis. 

“Architect, good morning,” sambit ko at ngumiti sa kanya matapos makipag beso. “Siguro sa restaurant tayo mag-usap tungkol sa design ng building.”

“Sure!” Si Noemie sa pormal na boses at ngumiti ng maliit. 

Pumunta kami sa hotel dito sa Tagaytay. Agad ko s'yang iginiya sa lobby kung saan may lamesa na pang dalawahan. Pinaghila ko s’ya ng upuan at nagpasalamat naman s’ya kaya tumango ako at agad na dumating ang waiter at kinuha ang order namin. She just order juice and some sandwich kaya ako naman ay juice rin kagaya ng sa kanya.  

“So...” She trailed off. “May mga designed na akong nagawa at  may mga draft ako dito baka gusto mong makita.”

“Sure, dahil gusto ko ring makita ang iba mo pang design at baka may magustuhan ang mga client,” sagot ko at sumandal sa upuan ko.

Pinakita niya sa akin ang tatlong design na siya mismo ang gumawa. Tinignan ko ang ilan sa mga design niya at ang ilan ay pastel colors lang at ang iba naman ay maganda sa mata habang ang iba ay medyo modern ang design. 

“Dito pwede nating lagyan ng mga kahoy na upuan to look representable,” sambit niya at tinuro ang nasa bandang kanan. “And from here pwede natin ilagay ang glasswalls para makita ang mga puno because of those glass mas makikita nila ang ambience ng buong restaurant.”  

“I like it,” papuri ko kaya napangiti siya at tumango. "Pwede rin siguro natin lagyan ng furnitures ang bawat floor or painting dahil mas maganda siguro ang ganoon at isa pa may mga taong gusto ring makita ang mga magagandang halaman sa labas.” 

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon