Chapter 43

9.5K 251 22
                                    

Cathalina's POV:

FLASHBACK

We're on the way to the airport to visit italy. Tutal madami kami dapat asikasuhin doon, isa pa ay may business kami doon. Isang two storey market, malls and bar ako ang nagmamanage nun dahil na rin may sakit si dad. Isa pa si mama ang nagpatayo nun dahil she wanted it for the poor people and for those who needed it. So, we decided to make it grew and so far, so good. Nagtayo rin kami ng 'Safe Haven' para sa mga bata, pamilya na walang matirahan dito sa Italy.

Marami na rin kaming branch ng 'Safe Haven'. Dahil ambassador si papa nagagawa namin ang lahat ng gusto namin, ang Agency ay bukas para sa mga tao na gusto magkaroon ng hustiya at isa pa, hindi lang basta Agency 'yun. Isa rin 'yung 'Sumbungan ng Italya' we helped other people who was molested, nirape or so on and so forth. It's been years, simula ng ipatayo namin ang lahat ng 'yun at dahil doon nakilala si papa at s'ya ang binoto bilang hari ng Italya.

"We're here.." saad ni Hades na hawak ang notepad.

Bumaba ako at sinuot ang shades ko, dala ko lang ay isang maliit na maleta. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa eroplano ni Papa, inalalayan ko s'ya paakyat at ganun rin ako. Umupo kami sa dalawahang upuan na kulay puti may iba kaming piloto ngayon at si Hades naman, inaasikaso ang mga meeting namin sa Italya since s'ya ang sekretarya slash assistant ni papa.

"Kamusta ang kumpanya natin?" tanong ni papa.

"So far, napakiusapan ko ang lahat ng investors na umatras sa atin, nakabawi na rin kami sa iilang wine na nawala. Kagaya nga ng pinautos ko, binagsak ko ang kumpanya na ginagamit ang produkto natin." saad ko.

"Mabuti naman kung ganun, alam ko namang kaya mo ang ganoong bagay." he smiled kaya napangiti nalang ako. "Marami ka ng branch na naipatayo, but then you granted your mother's wish." saad niya pa.

"Well, saan pa ba ako magmamana, right?" ngumisi ako at hinawakan ang kamay niya.

He laughed so do i, narinig na namin ang paglipad ng eroplano si hades naman busy sa cellphone niya. Huminga ako ng malalim at prenteng umupo sa sofa. Habang lumilipad ang sasakyan namin napansin ko na may mali, kumunot ang noo ko at pinakatitigan ang mga gamit dito sa eroplano. Am i being paranoid again? Pinilig ko nalang ang ulo ko dahil kung anu-ano na naman ang nasa isip ko.

BOGSH!

Napatalon ako sa gulat ng may biglang sumabog, tumalsik kami nila papa sa bandang unahan, at natamaan ang likod ko. Napatigil ako dahil kalahati na ng eroplano ang nasusunog, para na namang bumalik sa dati.

"Anong nangyayari?" tanong ni papa na natataranta na rin.

"Let me check it King." seryosong saad ni Hades.

"Hades! Stay where you sit!" saad ko sa kanya dahil sa makapal na usok. "Wag ka ng umalis diyan at baka mapahamak ka!" saad ko sa kanya.

May lumabas sa unahan at doon nakita ko ang limang lalaki na mga nakamaskara, naiyukom ko ang kamao ko ng sipain nila ako kaya tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Narinig ko ang sigaw ni papa, tumayo ako kahit na alam ko na wala kaming kawala dito. Nakipagbuno ako at ganun rin sila Hades, nasipa ko sa tiyan ang isa at binigyan ng suntok sa pisngi ang isa.

Nakita kong may tinusok sila kay papa kaya nangisay si papa, agad akong sinalo si papa at sinuntok sa mukha ang isa. Napaigik ako ng may maramdaman akong may sumaksak sa tiyan ko, nanlaki ang mata ko ng may makita ako dugo na umaagos sa hita ko hindi kaagad ako nakagalaw. Nabalik lang ako ng tutukan ako kaya pati ako nangisay.

"Wala na kayong kawala." saad ng isa at nagtawanan silang lahat.

Tumayo ako kahit nanghihina na ako, sinipa ko ang isa napamura ng sumakit ang tiyan ko. Hindi ko na kaya ang sakit! Nakita kong tumayo si papa at nakipagbuno at ganun rin si hades, pero sadya na malakas ang lima na nakuha pang tumayo. Lumunok ako at sinuntok ang isa sa lalamunan na ikinaatras niya, kahit masakit ang bandang tiyan ko hindi ko pa rin makalimutan ang dugo.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon