Chapter 17

23.6K 676 36
                                    

Warning: Read at your own risk.

Tristan's Point Of View:

Gusto kong tumawa dahil kitang kita ko ang kaba sa kanyang mukha. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang polo at kanina pa ako naghihintay na tanggalin niya ang suot niya dahil gusto kong makita ang mga sugat niya sa katawan. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at kung bakit gano’n ang nangyari.

“Babe, I can’t wait...” seryosong sambit ko. “Ako na lang kaya ang maghubad?”

“Ako na!” si Cathalina sa malakas na boses kaya natawa ako. “Bakit pa kasi kailangan na maghubad?”

Umatras ako at napangisi nang unti-unti niyang hinubad ang coat na suot niya. Pinaglaruan ko ang labi ko at pinanood ang kanyang mukha dahil kagat niya ang labi niya. I saw the curve of her body kaya mariin kong kinagat ang labi ko at nagtaas ng kilay nang makitang nanginig ang mga kamay niya.

“Tapos na...” mahinang sambit niya. 

I stood up and approached her and I felt a sudden heat inside my office. I turned her around and sighed when I saw the scar on her back that even though she was wearing a brassier I could still see the fresh wound on her skin.

“Cathalina...” mahinang bulong ko at kinagat ang aking labi.

Nanginginig kong hinawakan ‘yun at napasinghap nang makita ang ilan na may dugo pa. Mariin kong tinignan ang mga sugat niya at gustong gusto kong magalit sa mga oras na ‘to sa taong gumawa sa kanya ng mga sugat na ‘to.

“Where did you get that scars?” mariing tanong ko at tinignan s’ya nang hinarap niya ako.

“Ikaw ang dahilan ng mga sugat ko.” Natigilan ako at ngumiti naman s’ya. “I realized na kaya ko palang saluhin ang mga sugat para lang huwag kang ilayo sa akin.”

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Ito ba ang sinasabi ni Amara? This is her punishment and I’m the reason why she get those scars. 

She smiled. “50 times... At ikaw ang inisip ko habang hinahampas ang likod ko.”

Napaatras ako at napalunok dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit? Bakit niya ginawa ‘to?

“Sabi ni Daddy hindi ako puwedeng magmahal kaya naman sinabi ni Amara ang tungkol sa punishment. Ito ang resulta...at masaya akong natapos na ang lahat,” aniya at sumandal sa sofa.

Tinignan ko s’ya na nakangisi at walang pagsisisi sa kanyang mukha. Mabilis kong niyakap ang baywang niya at nilagay ang aking mukha sa kanyang leeg, nangilid ang luha sa aking mga mata.

“While slapping my back, I was still thinking of you. I told myself that I would accept the punishment if approaching you would be in return. I could be hurt, Tristan as long as my parents or anyone else doesn't take you away from me,” aniya habang hinahaplos ang buhok ko.

Ganun rin siguro ang gagawin ko para sa kanya. Kung kaya niyang tiisin ang sakit para sa akin, hindi ko naman kayang iwan niya ako. Kung saan s’ya ay dapat nandoon ako at kung mawala man s’ya ay sasama ako at hahanapin ko s’ya.

“Mahal kita, Tristan...” aniya at napatingin ako sa kanya. “Kaya sana maging successful ang relasyon na mayroon tayong dalawa.”

“I love you too, babe.” Hinalikan ko ang noo niya.

Tinignan ko s’ya pababa sa kanyang katawan. Binasa ko ang pangibabang labi ko at hinawakan ang kanyang panga para sa isang matamis na halik at kalaunan ay sinagot niya. Niyakap niya ang leeg ko at unti-unti ko s’yang nilapag sa sofa habang hindi naghihiwalay ang mga labi namin.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon