Chapter 40

11.4K 273 16
                                    

Cathalina's POV:

While we're having our hang out, may nagtetext sa'kin sa'kin kanina and to mu surprise it's levi. He told me where are they and they're in danger, i didn't think twice i excused myself to them. Mabuti nalang pinayagan nila ako, kanina pa rin ako hindi mapakali habang nagh-hangout kami. It's feels like na parang may mangyayaring hindi angkop sa araw ngayon, gabi na rin at isa pa kahit saan kami magpunta ay nandoon ang panganib. Malakas lang talaga ang instinct ko kaya kadalasan tama ang hinala ko sa mga panganib.

Iniisa-isa nila kami pero ang mas target nila ay si Tristan. S'ya at wala ng iba, 'yun ang napapansin ko kapag nasa laban kami. Kapag nasa panganib kami, s'ya palagi ang puntirya. Kaya hindi na ako nagtaka, na tuwing aalis s'ya ay may magtetext sa'kin na nasa panganib s'ya. Kaya bantay ko si Tristan, kahit sa pag-alis niya ay binabantayan ko, alam kong kaya niya ang sarili niya. Pero hindi mo maalis sa'kin ang mag-alala dahil nga hindi basta basta ang taong kalaban namin. Malakas at maimpluwensya, sindikato kumbaga.

Katulad ngayon nakatingin ako sa harapan ko, kung bibilangin ko pa nagsasayang lang ako ng oras para doon. Tinignan ko pa kung may lalabas, nilibot ko ang paningin ko. Napailing ng hindi naman bar ang pinuntahan nila at isang casino, kung nasaan ang mga tauhan ni Zeus. Kung saan sila nagh-hideout, kung pasabugin ko kaya ang lugar na 'to? Pero kung sabagay ganun ang ginagawa ko para hindi sila makabuo ulit at magkaroon ng malaking grupo.

"Hades! Ilabas mo na sila dito!" malamig na sigaw ko.

Narinig ko na ang iilang mga tao ko na tinawagan ko, tumango ako sa kanila at naghagis ng kutsilyo na tumama sa leeg ng isa. Kanya kanya na silang sugod sa'kin, umilag ako at kaagad na sinuntok sa panga ang isa. Sinipa ko rin ang sikmura ng isa at pinalo ang bote sa mismong mukha ng isa. Pinatid ko ang isa at binalian ng buto ang dalawa at hinagis kung saan.

"Hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko!" rinig ko pang sigaw ni Tristan.

Sinalag ko ang braso ko sa mga suntok nila, ng makakuha ng tyempo ay sinuntok ko sa lalamunan ang isa. Umikot ako at hinawakan ang upuan para ihagis sa kanila, tumalon ako sa lamesa at sinipa ang dalawa pa na nasa kanan ko. Tinapik ko ang balikat ng isa at agad na sinuntok sa panga, kaunti nalang. Bumuga ako ng hangin, mahina pa rin ang katawan ko pero kaya ko naman.

"Tristan! Kailangan mo ng umalis dito! Tignan mo ang putla mo na!" rinig kong saad ni Jiro.

Bakit ba ang kulit?! Sinipa ko ang isa at nakita ko pa si leo at si levi na nakikipagbuno. Hinawakan ko ang kamao ng isa at hinila patalikod na s'yang ikinadaing at ikinatumba niya. Rinig ko pa ang iilang komosyon pero wala doon ang isip ko, kunot ang noo ko sa kanila. Nakita ko ang kutsilyo na pinaglalaruan nila, huminto ako at tinignan sila.

"Masyado ka naman atang magaling.. pakielamera ka pang kung sino ka man!" singhal niya habang pinapaikot ang kahoy.

"Tignan natin kung kaya mong salagan ang bawat hampas ng mga armas namin sa'yo!" saad ng isa na may latigo.

"Tss.." saad ko sa kanila at tinaas ang remote na hawak ko. "Kung mabubuhay pa kayong lahat.." ako naman ang ngumisi sa kanila at pinakita ang remote.

Napasinghap sila napailing ako at natawa. Putlang putla na kasi sila, humakbang ako paatras at hawak ang remote. Sinenyasan ko sila hades tumango lang s'ya at kumilos. Tinignan ko si Tristan na nakatingin sa'kin, hinawakan ko ang braso niya at hinila na s'ya paalis doon. Sumenyas ako sa driver namin na pinapunta ko pa dito.

"Sumakay na kayong lahat ako na bahala sa kotse ninyo. Ibigay ninyo na ang susi sa kanila sila na ang magdadala sa bahay." utos ko sa kanila.

Kanya kanya silang bigay ng susi sa mga tao ko, tumango ako at pinasok na si Tristan sa van. Ang putla na nga, may tama sa braso at sa tagiliran. Nang masigurong nasa loob na sila ay hinintay ko ang paglabas ni hades, tumango s'ya. Sumakay na ako sa motor ko at bumisina, hawak ko pa rin ang remote. Kasabay ng andar ng motor ko ay ang nakakabinging pagsabog ang narinig ko, ngumisi ako at pinaharurot ang motor ko papunta sa bahay.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon