Chapter 3

34.9K 1.1K 178
                                    

Tristan's Point Of View: 

Nasa bar kami ngayon dahil wala naman kaming ginagawa sa bahay at gusto kong magpahinga. ’Yung nangyari sa akin nung gabing ’yun ay hindi ko inaasahan na mas lalong naging malala. Nagalit si daddy at Mommy at talagang nagbigay sila ng tauhan na magbabantay sa akin sa tuwing aalis ako. 

Masyado silang nag-aalala para sa akin at hindi ko sila masisisi, agad ring nagpatawag si dad ng mga tao na pwedeng mag-imbestiga sa nangyari kagabi. Naghigpit rin si dad sa paglabas at pagpasok ko sa bahay at trabaho at laging naka sunod ang bodyguard kong lalaki. Hindi naman niya ako ginugulo ngunit palagi lang s'yang naka sunod sa bawat galaw ko. 

Nag-away ulit kami ni Amara at this time naghihinala na talaga ako sa kanya. One time I call her phone at ang sumagot ay lalaki at ang aniya kaibigan niya lang daw ‘yun. I trust her dahil alam ko na hindi niya magagawa sa akin ang ganoong bagay ngunit madalas ay hindi talaga kami nagkakasundo because her reasons was too lame, and I don‘t understand her. 

Nilalambing ko naman s‘ya at kung minsan ay pinupuntahan ko pa sa bahay nila para lang mag-usap kaming dalawa. Pero palagi s‘yang wala sa bahay nila at kasama niya palagi ang mga kaibigan niya. Kaya hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko na lang because honestly, hindi ko na alam kung saan ba patungo ang relasyon naming dalawa ni Amara. 

Hindi ko na siya maintindihan dahil nawawalan na rin ako ng gana sa kanya. Palagi na lang kaming nag-aaway sa maliit na bagay na imbes na maliit mas lalo niya lang pinapalaki. 

“May kapatid pa pala si Amara.” Napatingin ako kay Adonis na nakatutok sa cellphone niya. 

“Weh? Anong pangalan?” tanong ni Jiro na nakangisi. 

“Cathalina Frances Valeria,” sambit niya at lahat ng kaibigan ko ay napatingin sa cellphone ni Adonis. 

Parang may kung ano sa aking sarili ang naging interesado kaya ininom ko ang alak ko at kunot noo na tinignan silang magkagulo sa iisang cellphone. Napailing na lang ako sa kanila at tinignan ang mga tao sa dancefloor. 

“Gago! Ang ganda!” Si Leo sa namamanghang boses. 

“Patingin nga ako!” Lahat sila ay napatingin sa akin gamit ang nagdududa nilang mga mata. “Sus, hindi ko naman liligawan at isa pa may girlfriend ako mga bobo!” singhal ko at hinablot ang cellphone. “Mas maganda pa ata si Amara dito." 

Natigilan ako nang makita ang picture nung Cathalina. Nasa beach siya at nakasuot ng red bikini at close up ang kuha. She has these gray eyes na matalim ang tingin sa camera, she has this sophisticated aura, ang puti niya ay tama lang sa katawan niya, and she has a red heart lips na tama lang sa maliit niyang mukha. 

“Oh, natahimik ka na diyan!” Si Adonis sa natatawang boses. “Sabi ko sa'yo hindi ka talaga makakapagsalita sa ganda niya." 

“Tss,” sambit ko. “Mas maganda pa rin si Amara.”

“Bulag ka ba?” iritadong tanong ni Jiro. “Model ‘yan at isa pa palagi ko siyang nakakasama sa shoot.”

“Babaero ka talaga!” singhal ko kaya natawa siya. “Wala pa ring lalagpas sa kagandahan ng girlfriend ko.” 

Napailing silang sampu sa akin habang ang iba ay tahimik lang at uminom ng alak. Natahimik ako at pinanood ang mga tao na nag sasayawan na sa dance floor. 

“Hindi ko sana sasabihin sa‘yo ang bagay na ‘to pero nakita ko sa restaurant namin si Amara may kasama na lalaki,” aniya kaya napaayos ako ng upo. 

“Kailan?” tanong ko, nagtatagis ang panga ko sa galit. 

“Two days ago,” aniya at inisip ko ang araw na ‘yun dahil nagpaalam s‘ya sa akin na may pupuntahan s’ya at kasama ang kanyang mga kaibigan. “And they kissed.”

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon