Chapter 12

24.3K 779 37
                                    

Tristan's Point of View:

Nakangiting nagbibihis ako ng aking damit. Hindi mawala sa aking isip ang nangyari sa amin ni Cathalina. We kissed any minute at hindi ako tumigil para lang halikan ang pula at malambot niyang labi. Nag-usap kami tungkol sa mangyayari sa amin at masaya naman dahil nagkakasundo kami sa ilang mga bagay. 

Lord, tinupad mo na naman ang isa kong hiling. Hinalikan ko si Cathalina! Lord, ang bait mo po talaga! 

Hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin s'ya dahil kailangan niyang maging magaling. Gusto ko sanang samahan s'ya ngunit ayaw niya na manatili ako doon dahil mas gusto niya na kasama ko ang pamilya ko. Pumayag nalang ako dahil hindi ko naman s'ya matitiis at ayokong magalit s'ya sa akin. 

Panigurado ng maganda at maraming bisita sa birthday ni Senior Valeria. Panigurado mg magiging magarbo ang lahat at ngayon rin ang launching ng kanilang mga wines. Ang mga Valeria ay kilala sa paggawa ng iba't ibang klase ng wines at juice sa iba't ibang bansa. Sila rin ang may hawak ng iba't ibang branch sa ibang bansa at ganoon sila kayaman.

Sila mommy at daddy ay gusto rin ang mga wines ng mga Valeria. Gumawa pa si daddy ng counter at shelves para lang magkaroon s'ya ng collection ng iba't ibang klase ng wines. Gusto ko rin ang wines nila, ngayon pang nalaman ko na si Cathalina ang gumawa ng mga hindi natapos ni Mrs. Valeria.

I'm wearing a gray turtleneck, maroon trousers, maroon coat at itim and whole cut shoes. Sinuot ko ang chain necklace ko at ang isang relo, tinignan ko ang buhok ko at nang makitang maayos na ay agad kong sinuot ang bass eyeglasses ko. 

Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko ay agad akong bumaba at naabutan sila mommy at daddy na nakahanda na sa ibaba. Bumaba ako at agad silang binati at pinuri ang mga suot nilang formal attire. 

"You're so handsome tonight," nakangiting sambit ni mommy. "You look inspired."

"Well..." nakangising sambit ko at natawa naman silang dalawa. "Tara na at baka mahuli pa tayo sa event."

Pagkatapos namin ayusin ang aming mga sarili at pagkatapos naming asarin ang suot ng bawat isa ay agad kaming sumakay sa kotse. Tahimik ako ngunit naisip na tignan ang cellphone ko para kumustahin ang lagay niya sa hospital. 

To: Cathalina 

Are you sure you're okay? Gusto mo na puntahan na lang kita diyan?

From: Cathalina 

Hindi na. Gusto kong malibang ka sa ibang bagay, huwag puro ako. Lol. 

Napasimangot ako at agad na nagtipa ng mensahe sa kanya!

To: Cathalina

Kiss mo nalang ako para mawala na ang lungkot ko. :'(

Kinagat ko ang labi ko at tinago ang cellphone ko. Bumaba agad kami at agad kong nakita ang mga media na nasa loob at naka-abang sa pintuan kaya mabilis kaming pumasok sa loob at nakakasilaw ang flash ng camera. 

"Is it true that you are together in the same house as Ms. Cathalina?"

"What is the reason why you broke up with Ms. Amara? Is there a third party involved?"

Diretso ang lakad ko habang inaalalayan si mommy dahil baka masaktan. Tama nga ako dahil elegante at mamahalin ang kabuuan ng party, sa gilid ay nandoon ang catering at ang chef nila. Sa kabilang gilid naman ay ang band at nakita ko rin sa unahan ang malaking stage na kung saan nandoon ang pangalan ni Senior Valeria at may lobo pa. 

May malaking stage sa unahan at nandoon ang malaking flatform sa gilid. May gintong letra sa gitna at nakalagay doon ang pangalan ng senyor marami ring bulaklak sa gilid, may mga taong kilala kami kaya nakipag usap muna kami sandali. Nilibot ko ang paningin ko nakita ko na sila amara at mga kaibigan niya mga nakasuot ng mamahaling gown. 

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon