Chapter 9

26.7K 886 77
                                    

Tristan's Point Of View:

Maaga akong nagising para puntahan si Cathalina sa hospital at sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa akin ay nagkaroon s’ya ng sakit. Hindi ko alam na hindi pala s’ya pwedeng kumain nun at hindi rin s’ya nagsabi sa akin tungkol doon. Naiinis ako dahil dapat pala nagtanong muna ako bago ko s’ya binigyan ng pagkain.  

Isang linggo ko na rin s’yang binabantayan sa hospital at sa mga nakalipas na araw ay mas lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko. She’s my crush since we met in the bar at mas lalo pa atang lumalim ngayong nakakasama ko s’ya sa iisang bubong. 

I admit that I don’t like her to treat me coldly. I realized she’s just using it to defend herself and to show other people that she’s unbeatable. 

Minsan napapansin ko na hindi sila nagkakasundo ni Amara at ni Tita Belinda. Si Noemie ang palagi niyang kasama at doon lamang s’ya ngumingiti at sa totoo lang, napakaganda ng ngiti niya at gusto ko ‘yung makita araw-araw.  

Iniisip ko kung paano ko ba makukuha ang isang Valeria. My friends told me na gamitin ko ang charm ko katulad ng ginagawa ko sa mga babaeng nakilala ko ngunit masyadong malabo, iba si Cathalina sa mga babaeng kasama ko. 

Mas malamig pa s’ya sa klima ngayong araw. Badtrip!

Pinarada ko ang aking sasakyan sa tapat ng hospital. Lumabas ako at kinuha sa likod ang mga prutas at agad na pumasok ngunit nakita ko si Noemie na naglalakad rin kaya agad akong lumapit sa kanya. 

“Hi!” si Noemie sa maligayang boses. “You seems concern to my sister huh?”

“It’s my fault kung bakit nandito ang ate mo. Gusto ko lang bumawi sa kanya,” mahinahong sambit ko at nagkibit balikat. 

“Iba ang nakikita ko sa mga mata mo. May gusto ka na kay Ate ‘no?” Napalunok ako at inirapan s’ya kaya natawa s’ya ng malakas. 

Natawa na rin ako at napailing sa kanya. Ngunit naalala ko ang tanong na nasa utak ko kagabi pa kaya agad ko ‘yung tinanong sa kanya habang nasa elevator kaming dalawa. 

“Honestly, masayahin naman si Ate kaso nga lang nung namatay ang Mommy ay hindi na rin namin s’ya makausap nang maayos dahil laging nagagalit at iritado sa amin,” malungkot niyang sambit. 

“I’m...sorry to hear that. Dapat hindi na ako nagtanong,” sambit ko at ngumiti na lamang s‘ya sa akin. 

Ibig-sabihin ay hindi sila tunay na magkapatid ni Amara at magkapatid lamang sila sa ama. Napatango ako dahil naintindihan ko na ang lahat. 

Bago kami nakarating sa room ni Cathalina ay nakarinig kami ng ilang sigawan sa loob. Agad kaming nagkatinginan ni Noemie at sabay kaming pumasok upang makita sila Amara at Tita Belinda habang si Cathalina ay nasa kama, gusot ang buhok at nagdudugo ang labi. 

“Oh my God!” Si Noemie sa malakas na boses at agad na pumunta kay Cathalina. “What’s happening here?!”

Pumasok ako at nagtama ang paningin namin ni Amara at gulat s'yang napatingin sa akin ngunit iniwas ko lamang ang aking tingin. Naglakad ako at agad na inayos ang buhok ni Cathalina na tinignan lamang ako.  

“I'm just telling your sister that she’s making another excuse for her daddy to spend big money!” si Tita Belinda sa malakas na boses habang nakaturo ang daliri kay Cathalina. 

“I agree. Gusto niya na nasa kanya na naman ang atensyon ni Daddy.” I looked at her with disbelief. “Gusto niya na palagi niyang kasama si daddy para lang mailayo ang atensyon nito mula sa atin.”

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon