Chapter 31

11.6K 385 20
                                    

Cathalina’s Point Of View:

Dahil lang sa isang tanong ay ramdam ko ang galit sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang sabihin o i-tanong ang bagay na ‘yun dahil nakaraan na ‘yun. Hinahanap ko pa ang taong may gawa ng nag-kalat na video at galit na galit ako dahil hindi ko inaasahan ‘yun. Noemie is not in fault why our friend died because she is the victim also.

“No one is allowed to talk about the issue.” Napatingin ako kay Haze na nakakunot ang noo. “Let’s at least give respect to our Princesses privacy.”

They keep on insisting that we should answer the question. Tinignan ko si Tristan na nakatingin na pala sa akin kaya ngumiti ako at bumuntong hininga, handa na sana akong magsalita nang marinig ko ang seryosong boses ni Daddy.

“Noemie is not in fault why their friend died. She was also a victim because her past lover injected her a drug and she was not in herself...” ani ni Daddy sa malamig na boses. “Noemie, my daughter is traumatized because of the accident and she’s here to heal and to move forward.”

“What about the family of the victim King Alejandro?”

“We already talked about it and we’re good,” sagot ni Daddy.

Marami pang tanong at kanya kanya kami ng sagot, napunta rin ang tanong kay Tristan na agad namang sinasagot ang mga tanong. Tinitigan ko lang sila na nag-u-unahan sa pagtatanong sa ‘min kaya huminga ako nang malalim at napatingin ako kay Noemie na tahimik at kung sa kanya napupunta ang tanong ay agad naman s’yang sumasagot.

“Mr. Tristan, it is really true that you have another girlfriend aside Princess Cathalina?”

I rolled my eyes mentally because of the questions. Tinignan ko si Tristan at nakita kong nakangisi na s’ya kaya nagtaas ako ng kilay at napailing na lamang.

“Well...” He trailed off. “...no one can replace Cathalina, as you can see we’re now married and I don’t have an affair with someone and if I have an affair, I'll leave Cathalina for good. I don’t think I can cheat on her because I really love her so much.”

Hinawakan niya ang panga ko at binigyan ako ng isang matamis na halik kaya napasinghap ako. Pumikit ako at hinalikan rin s’ya at doon narinig namin ang click ng camera, nagtawanan kaming dalawa at agad na umayos ng upo dahil maraming tao ang nakatingin sa aming dalawa.

“Yes, I’m.” Ngumiti si Tristan nang tanungin ang kumpanya niya. “I managed my company for almost 24 years and I'm glad that I have my wife here to guide me and to gave me some lesson on how to improve.”

Marami pang tanong at kung minsan ay natatawa ako dahil hindi sila tumigil hangga’t hindi nila nalalaman ang tungkol sa mga Martinez.

“I resigned being a model to guard him and I’m lucky because I fall in love with him and we ended up together,” nakangising sambit ko.

Natawa si Tristan habang nakangising nakatingin sa ‘kin kaya marami ang napasinghap at ang iba ay mangha sa sinabi ko. Natatawa nalang ako dahil mukhang hindi sila titigil hangga’t hindi nalalaman ang storya ko o namin ng asawa ko. Hindi rin nagtagal ay tapos na ang interview at sa wakas ay hindi ko na kailangang magsalita dahil kanina pa nangangawit ang panga ko kakangiti. Huminga ako nang malalim at hindi pa nakakatayo nang bigla akong napaatras at muntik nang matumba, napadaing ako sa sakit.

“Cathalina!” si Tristan sa malakas na boses at tinignan ang mga tao.

Napaawang ang labi ko at napahawak sa aking braso, tiyan, at dibdib nang makita ang dugo doon. Napasinghap ang ilan at mabilis akong tinakpan ng mga guards at militar ngunit ang paningin ko ay nasa malayo, sa lalaking nakatayo sa gilid.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon