Chapter 4

34.6K 1.1K 91
                                    

Tristan's Point Of View:

Maaga akong nagising at nandito ako sa gym at hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Natatawa pa rin ako sa sarili ko sa ginawa ko kagabi at hindi ko aakalain na malalapitan ko s’ya sa malapitan at nag click kami on social media. 

Iniisip nila na may kung ano sa amin kagabi dahil based on the picture na nakita ko ay magkaharap ang mga mukha namin. Nakahawak ako sa kanyang baywang habang s’ya ay nakahawak sa panga ko kaya ang kinalabasan ay we're making out kahit hindi naman. Nagalit si Amara sa nakita niya pero hindi ko siya pinansin dahil tinapos ko na ang relasyon naming dalawa.

She explained her side and she even told me how bad her sister is, na inaagaw ako ni Cathalina sa kanya. I don’t owe her explanation dahil sapat na sa akin ang nalaman ko, niloko niya ako at hindi ko matanggap ‘yun. Galit ako sa kanya dahil nag lihim siya sa akin at mismong monthsarry pa namin s’ya nagloko, perfect timing tangina. 

Simula nang makita ko si Cathalina ay palagi na akong bumibisita sa kanyang mga social media. She’s famous because she is an international model of all time, marami ang gustong kunin siya but she remains with her manager. Nalaman ko rin na sa Italy s’ya nagsimula ng modeling career at naging paid model rin sa iba't-ibang bansa.

“Ang ganda mo talaga, madam...” bulong ko nang mahawakan ang cellphone ko at picture ni Cathalina ang unang bumungad sa akin.  

Napailing ako at kinuha ang towel para punasan ang mukha at katawan ko. Lumabas ako sa gym room at narinig kong may mga taong nag-uusap sa ibaba kaya kumunot ang noo ko kaya sinuot ko ang t-shirt ko at agad na bumaba, naabutan kong may kausap si daddy sa ibaba. 

“I have a problem. Alam mo naman na problemado ako sa anak ko dahil lahat ng naging bodyguards niya ay palagi niyang tinatakasan at wala ring nagtatagal sa kanya,” daddy said in a problematic tone that's why I pouted my lips.

“Gusto sana namin humingi ng isa sa mga tauhan mo para bantayan ang anak ko lalo na ang kaligtasan niya. Alam mo naman ang lagay namin hindi ba, Alejandro?” sagot ni mommy na katabi ni daddy.

Palagi kong tinatakbuhan ang mga bodyguards ko dahil una sa lahat ay hindi ko kailangan at  wala na naman ‘yung mga tao na gusto akong patayin. Alam ko naman na si daddy ang may gawa nun ngunit marunong naman ako mag hand to hand battle kaya hindi na kailangan mag-alala para sa akin. 

Bumaba ako kaya napatingin sila sa akin, magalang akong ngumiti at yumukod sa kanila. Tinawag ako ni daddy kaya agad akong sumunod sa kanya at umupo ako sa single sofa na katapat lang niya. Tinignan ko si Senor Alejandro na pormal ang damit at may suot pang sumbrero at talagang bakas ang kapangyarihan sa aura niya.

“Siguro ay kilala mo na naman ang anak ko,” sambit ni daddy. “Gusto ko sana na habang wala ako ay ligtas siya because he’s safety is our priority and we can't risk kung may mangyari sa kanyang masama.”

Napakamot ako sa aking kilay. “Dad, kaya ko naman ang aking sarili at palagi naman akong safe.”

“Pero anak, hindi ka namin pwedeng hayaan at isa pa masyadong delikado ang sitwasyon nating lahat,” sagot ni mommy at hinawakan ang aking kamay. “Maiintindihan mo rin kami kapag nalaman mo sa tamang panahon.”

Alam ko naman na ginagawa lang nila ang lahat para sa ikakabuti ko at naiintindihan ko naman sila. Hindi rin naman masama na sundin ko silang dalawa dahil minsan na akong nalagay sa delikadong sitwasyon at natuto na ako sa mga pagkakamali ko sa lahat ng bagay.

“I can help you.” Napatingin kami sa kanya ng bigla s’yang magsalita. “I know who can help you. In this field you can trust her and she’s the best among my mens.”

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon