Chapter 27

14.4K 372 29
                                    

Tristan's Point Of View:

Nang malaman ko na nasa bar si Cathalina ay agad akong pumunta doon at naiinis ako dahil hindi niya sinabi sa 'kin ang nangyari. Nalaman ko kay Arkin ang lahat at nag-alala ako kay Tito dahil ang alam ko ay malakas pa s'ya at wala s'yang sakit kaya nakakagulat na may heart disease s'ya. Ito naman na magaling na si Cathalina ay nagawa pang pumunta sa bar imbes na tawagin ako para agad ko s'yang pupuntahan at ako nalang ang kasama niya mag-inom.

I'm jealous and mad at the same time. Gusto kong patayin si Titus ngunit alam kong may kailangan s'ya sa pamilya ko kaya hindi na muna. Pinaandar ko ang kotse ko at panay ang tingin ko kay Cathalina na natutulog na ngunit alam kong gising pa, huminga ako nang malalim dahil palaging nandiyan si Titus kapag mag-isa s'ya o kapag wala ako sa tabi niya.

"Babe, anong nangyari dito?" Hinawakan ko ang kamao niya na may benda ngunit mabilis niyang iniwas 'yun.

"It's nothing." Huminga ako nang malalim at tumango. "Please, don't talk to me because I'm feeling weak right now and I'm not in the mood."

I nodded my head and focus on the road despite of my aching heart. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-inom ngunit naiintindihan ko na 'yun lang ang paraan niya para mawala ang sakit. Maya-maya ay narinig ko ang iyak ni Cathalina kaya napasinghap ako at mabilis na pinarada ang sasakyan sa gilid.

"Baby?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya. "Tell me what's bothering you, I will listen."

She sob loudly kaya naman wala akong nagawa kundi ang yakapin s'ya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Humigpit ang hawak niya sa aking polo na para bang doon s'ya kumukuha ng lakas at nasasaktan ako kapag nakikita kong umiiyak si Cathalina, naiiyak rin ako kapag umiiyak s'ya.

"You don't need to keep it to yourself..." bulong ko. "Nandito ako, nandito ako para makinig at maging sandalan mo."

"I...don't want to loose my Dad... And you know that." Tumango ako at hinaplos ang buhok niya. "Nawala na si Mommy...kaya 'wag sana na pati ang Daddy ay mawala sa 'kin hindi ko kaya, Tristan."

"Okay, I know...all you have to do is calm down." Tumango s'ya at nilagay ang mukha sa aking leeg. "That's my baby."

Nanatili kami sa ganoong posisyon at narinig ko na ang mabigat na paghinga ni Cathalina kaya napailing ako dahil wala na pala akong kausap dahil natulog na. Maingat ko s'yang dinala sa upuan niya at agad na kinuha ang blanket na nasa likod at tinignan si Cathalina na ang ganda pa rin kahit tulog.

Mabilis kaming nakarating sa bahay at agad akong bumaba at binuksan ang pinto. I carry her into a bridal style at agad na naglakad papunta sa bahay at agad kong naabutan doon si Mommy na napatayo nang makita kaming dalawa. I kissed her forehead at agad na naglakad ngunit natigilan nang magsalita s'ya.

"Nagwawala s'ya kanina sa hospital..." mahinahong sambit niya. "Please, gamutin mo ang sugat niya at ang mga bata ay tulog na kanina pa."

"Thank you..." mahinahong sambit ko. "I'm worried about her."

"Pagdating sa pamilya, si Cathalina ang mahina pagdating sa ganito. You need to be more patient with her because I knew you can tame her," aniya at hinalikan ang noo ni Cathalina.

Umakyat ako sa taas at nakita si Cathalina na yumakap na sa leeg ko, pumasok ako sa kwarto at nakitang tulog na ang mga bata kaya napangiti ako. Dahan-dahan kong nilapag si Cathalina sa kama ngunit napatalon ako nang bigla s'yang tumayo at tumakbo papunta sa banyo kaya nanlaki ang mata ko at tumakbo na rin doon.

"You brat!" singhal ko at hinawakan ang buhok ko habang hinahaplos ang likod niya. "Kahit kailan ay ang tigas ng ulo mo! Sinabi ko na 'wag kang mag-i-inom nang marami."

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon