Chapter 33

11.7K 349 33
                                    

Tristan's Point Of View:

Ilang buwan na nasa kama si Cathalina at hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakali man na hindi na s‘ya gumising pa. Naging abala ako sa trabaho ko na hindi na ako umuwi pa sa Pilipinas para lang makasama si Cathalina dahil hindi ko kayang hindi s‘ya nakikita. Maraming nagbago sa isang taon na wala si Cathalina, engaged na rin sina Noemie at Arkin at kahapon lang namin nalaman. They keep it as a secret na maski si Tito ay hindi alam, ganun rin sina Amara at Luke, may something talaga sa kanilang dalawa. 

Seeing my wife‘s condition right now, I felt happy. Ilang buwan akong naghintay sa kanya at ngayon na gising na s‘ya ay mas lalo lamang akong nagkaroon ng lakas. Ang aking mukha ay nasa kanyang tiyan at panay naman ang haplos niya sa aking buhok.

“I missed you so much,” I murmured softly.

Tinignan ko s’ya na nakatingin sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng king puso at lalo nang makita kong titig n titig s’ya sa aking mga mata.

“I need water...” aniya sa mahinang boses.

Tumango ako at mabilis na pumunta sa maliit na refrigerator para kumuha ng tubig. Huminga ako nang malalim at inalalayan s’ya na umupo at agad naman niyang kinuha ang tubig at mabilis na uminom.

“You okay babe?” malambing na tanong ko at hinawakan ang kanyang kamay.

Tumango s’ya at hinawakan ang aking pisngi kaya napatitig ako sa kanya. “Na-miss kita. Sobra.”

I bite my lower lip and hugged her. She chuckled and hugged me too. Nilagay ko ang aking mukha sa kanyang leeg at naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko, panay rin ang halik niya sa aking pisngi.

“I don’t know what to do without you...” bulong ko. “You scared me to death.”

Naramdaman kong natigilan s’ya kaya mabilis akong lumayo at napasinghap nang makita ang luha na nasa kanyang pisngi. Mabilis kong pinunasan ang mga ‘yun dahil nag-aalala rin ako at may parte sa akin ang nasasaktan kapag nakikita ang mga luha sa kanyang pisngi.

“Takot na takot rin ako babe...” She murmured. “Natakot ako na baka hindi ko na kayo makita. Natakot ako na baka huli na ‘yung halik at yakap na binibigay mo sa akin.”

Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa luha na gustong lumabas. Huminga ako nang malalim at parehas kaming natigilan nang marinig ang pinto at ang boses ng triplets. Mabilis akong umayos at napatingin doon, natigilan silang tatlo at nanlaki ang mga mata nang makita ako.

“Daddy, whey here!” si Stella sa malakas na boses habang hawak ang stuff toys niya. Nag-angat s‘ya nang tingin at nanlaki ang mga mata nang makita si Cathalina. “Mommy? You wake?”

Parehas silang nasa malayo. Tinagilid nila ang ulo at napaawang ang mga labi kaya hindi ko maiwasan na matawa dahil parehas pa silang mga nakaawang ang labi, nakatagilid ang ulo, at nanlaki ang mga mata.

“Stella, Natasha, at Kent...” Her voice broke. “Come...here. Mommy needs a hug.”

Mabilis na tumakbo si Kent at agad ko naman s’yang inalalayan. Natawa ako at napailing dahil hindi ko alam kung sino ang una at sino ang aalalayan ko sa kama. Natawa si Cathalina at mabilis na inalalayan si Kent na nasa mga hita niya. 

“Mommy, Kent...cry,” ani ni Kent sa mahinang boses.

Si Natasha ay nasa isang hita ni Cathalina habang si Stella ay nakayakap sa leeg ni Cathalina kaya napailing ako. I secretly hold the camera and took a picture of them, gusto kong maging memorable ang araw na ito para sa amin.

“Mommy missed you too,” nakangiting sambit ni Cathalina. “Did you missed me?”

“Yes Mommy! Nasha missed you!” si Natasha sa malakas na boses habang pinaglalaruan ang ilong ni Cathalina.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon