'Too much for this day.'

Nakarating kami agad sa bahay at agad kong inalalayan si Tristan na nagaablburoto. Pinasok ko sila sa bahay at natigilan sila lars at nag-aalalang napatingin sa mga asawa nila. Pinaupo ko na si Tristan at nagpakuha ng med kit sa katulong.

"Anong nangyayari, levi?! Bakit ka naman may sugat?!" si lars na tinitignan si levi na kalmado lang at nakaupo sa sofa.

"Raquel! Oh my god! May tama ka ng baril sa balikat mo!" si sydney na naghhyestrical na at sinisipat si Raquel.

Nagtawag ako ng doctor, mabuti at marunong si leo, levi at si jiro na magtanggal ng baril sa katawan nila. Mabuti nalang at kaunti lang ang natamaan sa kanila, ang iba ay puro sugat at pasa lang. Tumawag ako ng isang doctor para kay tristan, nakapikit na kasi. Sa kanilang lahat s'ya ang napuruhan ng matindi kaya kailangan kong ipacheck dahil sa lala ng tama niya. Mabuti nalang rin nandito si Klea, at ang girlfriend ni Leo na doctor rin at bihasa sa larangan.

"Jusko! Ano ba kasing nangyayari sa inyo?!" si Lucian na katabi si Cloud na hawak ang panga.

"We're trapped on that fucking bar!" sagot ni Jiro. "Akala nga namin hindi na kami mabubuhay dahil sa dami nila at iilan lang kami!" saad niya pa.

Inasikaso ni Klea si Adonis bago si Tristan. Pinanood ko lang s'ya na gamutin si Tristan na nakahiga na sa couch, kanya kanya silang kwento. Habang ako nakatingin lang sa kanila, hindi ko alam kung paano ako ipapaliwanag sa kanila, at hindi ko rin alam kung galit ba sila o hindi.

"Dumating si Cathalina, then boom sumabog na ang bar." saad ni Leo na ginagamot ng girlfriend niya. "A-aray ko naman, babe!" nakangiwing saad niya.

"Pinag-alala mo ako, leo! Kaya manahimik ka!" singhal sa kanya ni Shekinah na kunot ang noo.

I sighed. "Pasensya na kayo, pati kayo ay nadamay pa. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa inyo. Delikado ang buhay namin, maraming gustong pumatay sa'min kaya as long as kaya namin kayong ilayo at wag kayong madamay gagawin namin ni Tristan." mahinahon na saad ko sa kanila.

"You mean..kaya naman pala palagi nalang kayong nasa hospital?" si Klea na ginagamot si Tristan.

"Oo, palagi nalang kasing may nakabuntot na panganib sa'kin lalo na kay Tristan." saad ko sa kanila.

"That means, kaya pala palagi nalang kayong nawawala. Tapos minsan naman kapag magkakasama tayo palagi kang nawawala, cath." saad ni sera na katabi si Thorn na tapos nang gamutin.

"We understand you." saad ni Lucian. "Walang may kasalanan sa nangyari, at isa pa dumating ka to save them. Walang dapat na sisihin sa nangyari." she gave me a warm smile.

Tumango ako at ngumiti ng maliit sa kanila, nakadilat na si Tristan at nakatingin sa'kin. Gabi na rin kaya dito ko na sila pinakain tutal mga nakainom na sila. Inalalayan ko lang si Tristan papunta sa dining, ang mga bata ay kakatulog lang. Mabuti nga't hindi nagising. Nagpautos ako ng pagkain sa mga kasambahay na agad na tumalima. Huminga ako ng malalim at inayos si Tristan na tahimik na nakamasid sa'kin.

"Okay ka lang ba?" i asked softly, nasa gilid niya kasi ako habang s'ya sa kabisera.

"Y-yeah.." mahinang saad niya at tinignan ako. "How did you know our place?" seryosong tanong niya.

"Levi." maikling saad ko sa kanya at tinignan ang pinsan niya na napatingin sa'min. "He texted me to come there, e sakto naman na papunta na ako doon. Hindi ako mapakali kaya sinunod ko ang instinct ko." dagdag ko pa sa kanya.

Kumain na kami ng tahimik ang iba ay nagkwekwentuhan pa, at ng matapos ay nagkanya kanya na silang paalam. Iginiya ko sila palabas, naglalagay rin ako ng tauhan na maghahatid sa kanila sa bahay nila. Niyakap nila ako isa isa, i hugged them back i really love these girls. Palagi nila akong iniintindi at sila ang mga kaibigan ko.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now