Umupo ako sa tabi ni Cathalina at agad na hinawakan si Stella. Pinagmasdan ko silang apat at natatawa ako dahil si Stella ay nakayakap pa rin sa leeg ni Cathalina na hawak ang kanyang mataba na braso. Kahit kailan ay clingy itong si Stella.

“Did you behave when I’m gone?” tanong ni Cathalina. “Sabi ni Daddy ay palagi raw kayong umiiyak?”

Napasinghap ako nang isang sampal ang naramdaman ko kay Stella. Nanlaki ang mata ko dahil ang sama ng kanyang tingin sa akin, natawa si Cathalina at hinalikan ang pisngi ko kaya ngumisi ako. Ayaw na ayaw ni Stella na sinasabi ko sa Mommy niya na umiiyak s’ya dahil nakakunot na ang noo.

“Si Stella ang sungit,” ani ko sa nang-aasar na boses. “Anak ba kita?”

“Mommy!” si Stella sa nagsusumbong na boses at tinuro ako. “Fight Stella!”

Naging malakas ang tawa ko at nagawa ko pa s’yang tapikin. Masama na naman ang tingin niya at salubong ang mga kilay. Napailing na lamang ako, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganyan na ugali, hindi naman ako ganyan. Tawa naman nang tawa sina Natasha habang nakatingin sa akin na panay ang tapik kay Stella na nakanguso, kaunti na lang ay i-iyak na.

“Baby, do you want to eat something?” tanong ko at inayos ang kanyang buhok.

“Anything. I’m starving,” aniya sa kalmadong boses.

Mabilis akong umalis sa kwarto at agad na bumaba. Nakita ko sa malaking lamesa sina Luke at Amara, ang sabi ng doctor sa amin ay isang himala raw na nawala ang poison sa katawan ni Cathalina. Sinabi rin sa amin na ano mang oras ay puwede nang umalis si Cathalina at maging malaya kaya naman sobrang masaya kami dahil sa balita ng doctor.

“That’s good to hear that she’s awake.” Narinig kong sambit ni Luke.

“Now that she’s awake. We need to doubled her security.” Tumango ako sa sinabi ng kapatid ng Mommy ni Cathalina.

Pumunta ako sa kusina at agad na dinala ang tray. Huminto ako at yumuko bilang respect dahil mukhang na-abala ko ata ang pag-uusap nilang lahat.

“My wife is hungry,” ani ko na lamang sa kaba na naramdaman ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

Sabay-sabay silang tumango at ganun rin ako. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makarating ako sa kwarto ni Cathalina, bumungad sa akin ang mga anak ko na nasa kama habang nanonood sa TV na nasa kwarto ni Cathalina. Ngumiti ako at agad na pumasok at hindi man lang ako pinansin ng mga bata.

“Babe, you need to eat. You need to gain back your strength.” Nilagay ko sa gilid ang mini tray na may laman ng pagkain.

Umalis sila sa kama ngunit bumalik si Stella para kumuha ng pagkain. Natawa kami ni Cathalina at napailing nang makita sila na nasa sofa at kanya kanya ang pagkain. Tinignan ko si Cathalina na nakatingin sa mga anak namin at alam kong na-miss niya ang mga ito.

“Narinig kong gusto kang kausapin ni Luke,” ani ko habang nakasimangot ang aking mukha.

“Oh,” aniya at tumawa. “It’s been years since our last talked.”

I rolled my eyes and mocked her. Narinig kong tumawa s’ya kaya wala akong nagawa kundi ang humalukipkip habang abala s’ya sa pagkain niya, pagkatapos niyang kumain ay ngumisi s’ya at tinignan ako. I ignored her ngunit nakikita ko naman s’ya sa gilid ng mata ko.

“Come here...” aniya sa malambing na boses at hinawakan ang kamay ko.

Nang makalapit ako ay kinagat niya ang labi niya at tinignan ang mga bata na abala sa pagkain at TV. Napasinghap ako nang hawakan niya ang leeg ko at agad akong binigyan ng isang matamis na halik, napapikit ako at agad na hinawakan ang baywang niya. Damn. I missed this lips. Hinawakan niya ang leeg ko at mas lalo ko namang niyakap ang kanyang baywang na sigurado akong hindi maririnig ng mga bata ang ginagawa namin.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora