“Hades!” si Daddy sa malakas na boses. “Secure the area!”

Tristan looked at me using his concern eyes. Kumurap ako dahil hindi naman ako ganito kapag tinatamaan ako ng bala, hindi ganito ang reaction ng katawan ko at parang may ilang needle na nasa katawan ko. Nanginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin sa katawan at agad akong pumikit nang maramdaman na kakaiba na ang aking paningin.

“Babe...I...I can’t breathe,” bulong ko at nangilid ang luha sa aking mga mata dahil pakiramdam ko ay mawawala ang kalahati ng katawan ko.

“Oh, fuck!” He cursed and lifted me up. “Hold on...please babe!”

Mabilis kaming pumunta sa kotse ngunit lahat kami ay natigilan nang maraming bala ng baril ang bumungad  sa amin. Tristan cursed under her breathe and he immediately hopped in our car. Shit! Ano bang nangyari? Akala ko ba secure ang lahat?

“Cathalina! Don’t close your eyes, please!” si Tristan sa mahinang boses at nakita ko ang mga luha sa kanyang mga mata.

“I...I can’t...breathe,” bulong ko at humigpit ang hawak ko kay Tristan na nanlaki ang mata. “I...I love you.”

Nakaawang ang labi ko at nanlaki ang aking mga mata, hindi ko na kaya pa at kung magiging malala ang sitwasyon ko ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang lumaban. My life is 50/50 and If I died today, I will be forever grateful because I knew that my Mom is waiting for me. 

Tristan’s Point Of View:

Natulala ako nang malaman ang kalagayan ni Cathalina. Nakaawang ang aking labi habang nakatingin sa kwarto ni Cathalina, napalunok ako at unti-unti akong nanghina dahil sa aking nalaman. Someone poisoned Cathalina at hindi ko alam kung paano ’yun nangyari at kung sino ang may gawa nun sa kanya.

“Tristan.” Niyakap ko ang aking mga tuhod habang nakaupo ako sa malamig na sahig. “Magiging maayos rin ang lahat.”

“Amara I can’t loose her,” bulong ko at huminga nang malalim. “Hindi ko kayang mawala si Cathalina sa akin at hindi ko kayang mawala ang ina ng mga anak ko.”

Ang sakit ng aking dibdib at hindi ko alam ang gagawin ko. Napasinghap ako nang ma-alala ang mukha ni Cathalina kanina. She can’t breathe, she became pale, and she’s so weak na hindi ko nakita ang bala ng baril papunta sa kanya. Hindi ko nakita kung sino ba talaga ang may gawa nun ngunit isang tao lang naman ang alam ko na may galit kay Cathalina.

“Tristan!” Napatingin ako sa gilid ko nang makita si Mommy. Mabilis akong umayos at niyakap agad s’ya dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

“Mommy!” Naiiyak na naman ako at pakiramdam ko ay para akong bata na inagawan ng candy. “She’s in critical condition.”

Gulat s’yang napatingin sa akin ngunit tumango lamang ako at napasinghap naman s’ya. Daddy helped me to stand up dahil nanghihina pa rin ang aking mga tuhod.

“Mommy...hindi ko kayang mawala si Cathalina.” Nangilid na naman ang luha sa aking mga mata at kinagat ko ang aking labi.

She hugged me and told me that everything’s gonna be okay. I hugged her tight at tumango dahil alam kong malakas ang asawa ko. Hindi niya ako iiwan dahil alam niyang magagalit ako kapag hindi s’ya lumaban.

“Daddy!” Napatingin kami kay Amara nang hawak niya na si Tito na walang malay. “Nurse!”

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinulungan ni Mommy ang mga nurse at lahat kami dito ay hindi makagalaw dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa amin. Bumuntong hininga ako dahil mababaliw na ako ka-i-isip kung ano at sino ba dapat ang unahin.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now