“Be responsible, anak. Hindi biro ang magkaroon ng anak at gusto kong gawin mo ang best at  ibigay sa kanya ang lahat ng oras at atensyon mo,” sambit ni Tito habang nakangiti.

“Yes, Dad. We will both settle down and I’m going to plan our wedding after her birthday.” Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Tristan na seryoso ang mukha habang nakatingin sa Daddy niya na nakangisi. “Tara na sa kwarto, babe? Baka gusto mo nang magpahinga, right?”

“Huh?” naguguluhang tanong ko ngunit pinisil niya lang ang baywang ko at hinalikan ang aking pisngi.

“Let’s cuddle.” Nanindig ang balahibo ko dahil sa nang-aakit niyang boses. “I missed cuddling with you.”

Ibang cuddle ang pumasok sa isip ko kaya pinilig ko ang ulo ko at kinagat ang aking labi habang naglalakad. Napapikit ako at sumunod Tristan na tanging sweater na lamang ang suot at wala na rin ang salamin niya sa kanyang mata. Hot Daddy.

Zeus Point Of View:

Nakatingin ako sa babaeng anak ng mga Valeria, una palang ay galit na ako sa kanya dahil s’ya lamang ang nakikita kong hadlang sa mga plano ko at hindi ko maintindihan kung kanino at ano ang dahilan niya kung bakit kailangan niyang maging hadlang sa mga plano ko kaya naman kasama na s’ya sa mga plano ko.

Matagal ko nang gustong patayin ang anak ng Mafia King. Gusto ko na ako ang maging isa sa mga mataas at isang pinuno ng organization kaya naman ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para makuha ang posisyon na para sa akin. Ngunit dahil sa isang babae ay nawala ang lahat ng plano ko kaya naman ginawa ko ang kaya ko para malaman kung sino at anong klase ng tao ang babaeng ‘yun. 

Isa s’ya sa pamilya na may malaking pera sa Italy. She lives in a gold and palace kaya naman pala pamilyar ang kanyang pangalan. Iisipin ko palang na makukuha ko ang yaman nila ay magiging masaya na ako ngunit hindi ko kaya ang katulad niya dahil sa galing niya sa lahat ng bagay.

Ang Mafia King ang dahilan kung bakit naging ganito ang aking buhay, isa s’ya sa mga taong pumatay sa kapatid ko at simula nun ay hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para mabuhay dahil kinuha niya sa akin ang lahat. Buhay ang kinuha nila sa akin kaya buhay rin ang kukuhanin ko sa kanilang lahat, idagdag mo pa ang kapatid nung Valeria na nasa hospital at hindi gumigising. 

“Bilisan ninyo! Dapat niyo nang patayin ang babaeng ‘yan, ngayon mismo.” Umupo ako at pinanood silang lahat sa aking unahan.

“Yes, Boss!” Sabay-sabay silang pumasok sa loob kaya napangisi ako.

Tumawa ako at hindi na ako mapakali at gusto ko nang patayin silang lahat. Nang umalis ako ay gumawa ko ang sarili kong organization at nagawa ko pang sirain ang lahat ng mayroon ang isang Mafia King ngunit may mga tao pa ring naniniwala sa kanya kaya nagagalit ako.

Sinuot ko ang cup at namulsa habang naglalakad. Tinignan ko ang ibang doctor at nurse na abala sa kanilang mga patient kaya napangisi ako. Umupo ako sa labas ng kwarto ng princess at nilagay ang aking pisngi sa king kamao.  

“Faster!” sigaw ko at nakitang wala na ang mga bodyguards marahil patay na. “I can’t wait.”

Pumasok sila sa kwarto at napangisi naman ako. Maya-maya ay napatingin ako sa gilid at nanlaki ang mata ko nang makita ang babae at mabilis niya akong sinuntok sa mukha kaya napasinghap ako.

“Sinasabi ko na nga ba...” galit na bulong niya at hinawakan ang kwelyo ko. “Akala mo ba hindi ko alam na nandito ka ha?”

Isang suntok ang pinakawalan niya sa aking mukha kaya napapikit ako. Napatingin ako sa gilid ko nang makita ang mga tao ko na wala nang malay kaya nanlaki ang mata ko dahil ibang kwarto ang nasa unahan ko.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now