“You’ve got to be kidding me!” Si Tristan sa nanginginig na boses at tinignan ang tiyan ko. “You’re pregnant?”

I nodded my head at pumatak ang luha sa kanyang mga mata at agad na niyakap ako. Tumulo ang luha sa aking mga mata dahil hindi ako makapaniwalang ganun ang kanyang reaction. Priceless.

“Oh, Jesus! I’m going to be a Dad!” Si Tristan sa malakas na boses at tumawa. “Fuck, bakit ngayon mo lang sinabi? Oh my God, babe! I’m...speechless.”

Wala sa sariling napangiti ako dahil kita ko pa rin ang panginginig ng kanyang kamay at nagulat ako nang bigla s’yang lumuhod at hawakan ang tiyan ko.

“Kaya pala parang kakaiba ang laki ng tiyan mo...” nakangiting sambit niya. “Sweetheart, si Daddy ‘to. Ngayon lang kita nakilala ngunit gusto na kitang makita at mahawakan.”

Umupo kami sa sun lounger habang hawak niya ang aking kamay, parehas kaming tahimik at ang tanging tunog ng tubig at puno ang naririnig ko. He sighed and kissed my forehead kaya pumikit ako at kinagat ang labi ko.

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? I want so bad to have a child with you, babe. Hindi mo alam kung gaano ako naghintay na magkaroon ng anak sa’yo...” aniya at may bakas na lungkot sa  kanyang boses.

“I’m really sorry...” sagot ko. “When you got shot doon ko nalaman na buntis ako ngunit masyadong delikado ang lahat kaya hindi ko sinabi sa’yo ang tungkol sa bata.”

Kumunot ang noo niya at tinignan ako, bumilis na naman ang tibok ng aking puso nang tignan niya ang aking labi kaya napapikit ako at humawak sa kanyang braso. Hinawakan niya ang aking baywang at ang aking batok para sa isang malalim at matamis na halik.

“I will be a good Daddy and husband to you...” aniya kaya napangiti ako habang nakapikit. “Pangako na mamahalin at mananatili sa’yong tabi habang buhay.”

Ilang minuto ay agad rin kaming bumalik at nagtataka nilang tinignan na nakangisi habang hawak ang aking baywang kaya napailing ako. Inalalayan niya ako at hinawakan ang aking hita at hindi mawala ang ngisi sa kayang labi.

“Sabihin mo na kung bakit ka masaya,” sambit ni Raquel na nakataas ang kilay.

“Cathalina is pregnant...” nakangiting sambit niya at sabay-sabay silang nanlaki ang mata at napatingin sa akin. “Magiging Tatay na ako!”

Ilang segundo ng katahimikan at bigla na lamang silang sumigaw kaya napatalon ako. Tumawa si Tristan at hinalikan ang aking pisngi kaya natawa ako at ngumiti. They congratulated me kaya napangiti ako at nagpasalamat sa kanilang lahat at lahat ng tao ay nakatingin sa amin kaya tinaas ni Tristan ang ultrasound at pregnancy kit para ipakita sa kanilang lahat.

“Magiging Daddy na ako!” Si Tristan sa masayang boses at lahat sila ay natawa at nagpalakpakan kaya namula ang aking pisngi at hinila si Tristan sa aking tabi.

I smirked at Ayesha who’s looking at me with her wide eyes kaya iniwas ko ang paningin ko at masayang kinausap ang mga pinsan at kaibigan ni Tristan at nagtawanan kami dahil magiging under ko na si Tristan.

“Muntik na akong mawalan nang malay nung malaman ko na buntis ka hija,” sambit ng Mommy ni Tristan.

“Pasensya na po at biglaan ang balita. Hindi rin po kasi ako sigurado nung una ngunit ngayon ay maayos na ang lahat sa aming dalawa,” nakangiting sambit ko.

Niyakap niya ako at ganun rin si Tito na masayang masaya. Gusto na rin kasi nila na magkaroon ng apo kaya naman natawa ako dahil ang dami nilang ibibigay sa akin at doon ako sa mansion nila mananatili.

“Your dream came true, Mommy.” Napatingin ako kay Tristan. “Hayaan mo, Ma at gagawa kami ni Cathalina ng isang basketball team.”

Namula ang pisngi ko kaya hinila ko ang buhok ni Tristan kaya sumigaw s’ya sa sakit. Natawa na lamang si Tita dahil nakayakap na si Tristan sa aking baywang habang nakanguso.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now