"You're making me crazy..." He whispered shyly.

Humiga s'ya sa tabi ko at nilagay ko naman ang braso ko sa ilalim ng ulo niya. Pinatong niya ang hita niya sa aking hita habang ang kamay niya ay nasa aking baywang. Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya ngunit napalitan ng lungkot ang mga mata ko at unti-unti napawi ang ngiti ko.

"Magiging selfish ba ako kung sasabihin kong huwag mo akong iwan kahit paulit-ulit akong mawawala sa tabi mo?" nanginig ang boses ko at niyakap s'ya kasabay nang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.

Tristan's Point Of View:

Nagising ako nang maramdaman na wala si Cathalina sa tabi ko kaya mabilis akong bumangon at sinuklay ang aking buhok. Napangiti ako at inamoy ang unan na ginamit ni Cathalina sa araw-araw, tumayo agad ako at mabilis na pumunta sa banyo para maghilamos.

Plano ko ngayong araw ay huwag na munang pumasok sa trabaho para magpahinga. Gusto ko munang makasama si Cathalina dahil ito ang unang araw namin bilang couple. Gusto kong malaman ang mga ayaw at gusto ni Cathalina at gusto ko rin na mas makilala pa s'ya.

"Manang, nasaan po si Cathalina?" tanong ko nang bumaba ako ng hagdan.

"Nasa front yard at may ginagawa ata," sambit ni Manang.

Mabilis akong pumunta doon at huminto nang makita s'ya na abala sa punching bag. She's wearing a black leggings, black sports bra, and her snickers. Tinignan ko ang likod niya at napabuntong hininga nang makita ang mga sugat at pasa sa kanyang balat. Nilagay ko ang daliri sa labi ko at tinignan ang kabuuan niya dahil umaga palang ay ang sexy na niya, she's seducing me again.

Umikot s'ya sa punching bag at isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Kulang nalang ay masira ang punching bag sa malakas niyang suntok kaya napailing ako at sumandal sa pintuan at pinanood s'yang sumipa at sumuntok.

"Sir, ito na po ang pagkain na sinabi ni Ma'am Cathalina," sambit ng isang kasambahay kaya napatingin ako doon.

Nagpasalamat ako at nag-utos rin para sa pagkain ko. Tinignan ko si Cathalina na nakatingin na pala sa akin kaya bumilis na naman ang tibok ng aking puso sa tingin niya. Mabilis akong lumapit sa mini table at kinuha ang towel para punasan ang kanyang mukha pababa sa leeg niya.

"Good morning, babe." Hinalikan ko ang labi niya dahil nasanay na ako nasa tuwing umaga ay hinahalikan ko ang kanyang labi.

"Morning..." mahinang sambit niya. "Malapit na ang fashion show at kailangan ko nang tanggalin ang sugat sa likod ko."

Napatingin ako sa likod niya at maya-maya ay hinalikan ko isa-isa ang mga 'yun. Naramdaman kong natigilan s'ya ngunit pinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa likod niya dahil gusto kong halikan ang bawat sugat niya, ako ang dahilan ng mga ito that's why I treasure this.

"Sasama ako," mahinang sambit ko. "Wala naman akong gagawin ngayon, gusto kitang makasama."

Ngumiti s'ya at tumango. Naglakad kami papunta sa upuan at lamesa na malapit sa pinto at umupo doon. Hinanda ko ang pagkain niya, may vegetable salad at avocado shake kaya napangiti ako. Tinignan ko s'ya na nakalagay ang towel sa kanyang balikat at kunot ang noo habang nagtitipa.

"Don't use cellphone when we're eating," seryosong sambit ko at kinuha ang cellphone niya.

Tumango s'ya at ngumiti naman ako sa kanya. Tinignan ko s'yang kumain at paborito niya talaga ang avocado shake, palagi kong nakikita na iniinom niya 'yan kahit may shooting kami. Gusto ko rin nang ganoon kaso lang ay marami akong nainom kahapon kaya vegetable salad lang ang kakainin ko.

"I want to introduce you to my Father as my boyfriend." Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin at mukhang hindi s'ya nagbibiro.

"Wait...What?" gulat na tanong ko at natigilan sa kinakain ko.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon