Pumasok ako sa loob at nakita silang nag-uusap, tumango ako at magalang na nagpaalam papunta sa kwarto ko. Umakyat ako at mabilis na pumasok sa kwarto ko para dumiretso sa banyo para maligo. Umupo ako sa bath tub at naisip ang kontrata na dalawang taon bilang bodyguard, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Tristan na kailangan kong umuwi sa Italy.

Huminga ako nang malalim at mabilis na pumunta sa shower para maligo. Pagkatapos ay agad akong nagbihis ng cycling shorts at isang white over sized t-shirt, pumunta ako sa kama ay agad na pinunasan ang aking buhok at tinignan ang buwan sa labas na ang ganda. Napatingin ako sa pintuan nang makita si Tristan na nakatingin sa akin, nagtataka ko s'yang tinignan dahil may dala pa s'yang unan.

"Can I sleep here?" nakangusong tanong niya at nakasuot s'ya ng pajama at isang gray t-shirt.

"You have your own room kaya doon ka matulog," malamig na sambit ko at tinuon ang pansin sa laptop ko.

Nakanguso niya akong tinignan at pumasok sa kwarto ko dala ang unan niya. Tinignan ko s'ya na yakap ang kanyang unan at nakatitig sa akin.

"Behave ako, promise." He gave me a puppy eyes kaya napangiwi ako sa kanya. "Babe!"

Magsasalita sana ako nang mabilis niya akong yakapin kaya muntikan na akong mahulog sa kama. Niyakap niya ang baywang ko at nilagay ang kanyang pisngi sa gitna ng dibdib ko.

"Tristan!" sigaw ko dahil hindi ako makahinga sa ginagawa niya.

"Babe," aniya at tumingala para tignan ako. "Can I have a kiss? Can I? Can I?"

I chuckled and shook my head kaya napanguso s'ya. Sumandal ako sa headboard ng kama at pinanood s'yang tanggalin ang kanyang T-shirt at humiga sa aking dibdib. Natawa ako at hinawakan ang buhok niya dahil ang mukha niya ay nasa aking leeg.

"Ang clingy mo..." bulong ko. "May kwarto ka naman."

"Dito ako sa tabi mo..." bulong niya sa leeg ko. "Gusto kong katabi ka."

Hinaplos ko ang batok niya papunta sa kanyang leeg at nanatili s'yang tahimik. Huminga ako nang malalim at nakita ang sugat niya sa braso, siko, at sa bandang leeg. Niyakap niya ang baywang ko at nilagay ang mukha sa aking dibdib kaya napangiti ako.

"Hindi ba masakit ang mga sugat mo?" Tinignan ko ang katawan niya at talagang perpekto ang katawan niya. "Sigurado ka ba?"

"Hindi naman." Inabot ng kamay niya ang batok niya kaya nakita ko ang pag-flex ng kanyang muscle. "I'm so tired, babe."

"Hm, you better sleep because you're drunk," ani ko at hinaplos ang batok niya.

"No...I'm not sleepy." He murmured. "Where's my kiss baby?"

Tinignan ko s'ya na nakapikit at nakanguso ang labi. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang baywang ko at tinignan ako, mapupungay na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso at nakaramdam ako ng ilang sa tingin niya.

"You kiss me first before I sleep..." He whispered huskily. "Can I have? Can I have my kiss now?"

Hinawakan ko ang magkabilang panga niya at siniil ng halik ang kanyang labi. Akmang lalayo ako nang hawakan niya ang panga ko at halikan nang malalim ang labi ko. Napasinghap ako at napasigaw nang hilain niya ang hita ko at natawa naman s'ya at tinignan ako.

"I love you, babe." Hinalikan niya ang labi ko. "I'm in love with you."

"I love you." I gave him a peck on his lips and smile sweetly.

Natigilan s'ya at natulala sa akin kaya malakas akong natawa dahil sa mukha niya. Niyakap niya ang baywang ko at kinagat ang leeg ko kaya natawa ako at hinaplos ang buhok niya, ganito s'ya kapag kinikilig, nagtatago s'ya sa leeg ko.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now