Umiling ako sa kanya dahil kahit kailan ay matigas ang kanyang ulo. Tumabi ako sa kanya at ang aso ko ay agad na umupo sa kanyang hita kaya pareho kaming natawa. Napatingin kami sa itaas nang makita si daddy at mommy na pareho ng nakabihis.

"Wala bang masakit sa 'yo?" tanong ni Mommy. 

"Wala naman po, tita. Maayos naman ang kalagayan ko," nakangiting sambit ni Cathalina at napatitig naman ako sa kanyang ngiti. 

Tinanong ni dad kung ano ba ang kanilang pag-uusapan kaya naman nilabas ni Cathalina ang isang pulang panyo. Nagtataka ko namang tinignan 'yun at ganun rin sila mommy at daddy at ang sabi ni Cathalina nakita niya raw 'yun nung nasa second floor s'ya at hinuhuli ang mga lalaki. 

"I know this group." Napatingin kami kay daddy. "This is one of our enemies in our organization."

"I need the full information about the group so I can figure out the reason why they ruined my daddy's birthday," seryosong sambit niya. 

"Sure. I can give you the full information about this and I will discuss with you the other groups of our enemies," sagot ni daddy at tinago ang panyo. 

Maya maya ay nagpaalam s'yang pupunta sa itaas. Huminga ako ng malalim dahil naguguluhan pa rin ako sa organization na sinasabi ni daddy. Naging interesado akong malaman ang tungkol doon para hindi ako manghuhula sa mga nangyayari.

"Mom, dad si Cathalina po ang partner ko sa isang fashion show next week." Napatingin sila sa aking dalawa kaya nginitian ko sila nang malaki. 

Gulat at masaya ang mukha ni mommy kaya natawa ako. Sinabi niya rin na baka sa susunod ay ipakilala ko na bilang girlfriend ko si Cathalina kaya mas lalo akong natawa. 

"I don't want to pressure her, mom. Masaya ako sa kung ano man ang mayroon sa amin ngayon at gusto ko rin na mas kilalanin si Cathalina," nakangiting sambit ko. 

"Get to know Cathalina better. She's not like other women that with a sweet word you can get her right away. She is also not like us who are always here because she also has responsibilities she also does as the first child of a Valeria," seryosong sambit ni daddy.

"What do you mean, dad?" naguguluhan na tanong ko. 

He smiled. "You will know at the right time. Be patient with her."

Kinabahan ako sa sinabi ni daddy at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Matagal ko nang alam na dalawang taon lang ang nakalagay sa kontrata ngunit mas gusto ko nang mas maging matagal ang pagsasama namin ni Cathalina. Kung iiwan niya man ako balang araw ay handa akong sumama sa kanya kahit pa saang parte ng mundo s'ya pupunta. 

I admit Cathalina is mysterious to me and I know very little about her. I'm afraid to get to know her better because I feel like I can't be in her world and might be her big problem. I wanted to get to know her but I was afraid of the things I could know and the things I shouldn't know. 

"Tristan." Napatalon ako nang marinig ang boses ni Cathalina galing sa aking likuran. 

Tumingin ako sa kanya na nakasuot ng isang maroon na pajama at isang sandong kulay puti. Pumunta s'ya sa railings at tinignan rin ang magandang buwan sa langit, mabilis akong tumayo at pumunta sa kanyang likuran. Kinulong ko s'ya gamit ang dalawa kong braso ngunit wala naman akong narinig na reklamo sa kanya. 

"Can't sleep?" bulong ko at hinalikan at inamoy ang kanyang buhok. 

Umiling s'ya at sumandal sa akin. "I don't know why I'm comfortable with you. I can't understand why I let you do what you want to me."

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now