Unti-unti ay kumakalma si Cathalina kaya naman tinignan ko s’ya. Napangiti ako nang makitang nakadikit ang pisngi niya sa aking dibdib habang ang labi niya ay nakaawang. Hinaplos ko ang pisngi niya at mas lalo pa s’yang tinitigan dahil hindi nakakasawa ang kanyang mukha. 

“Ang ganda mo talaga,” nakangiting bulong ko. “Naniniwala na talaga ako sa love at first sight.”

Nagising ako dahil sa sikat ng araw galing sa bintana. Kinapa ko ang higaan ngunit wala na si Cathalina, bumangon ako at tinignan ang orasan. Wala sa sariling nakangiti ako ng maalala ang nangyari kagabi sa amin ni Cathalina. 

Mabilis akong bumangon at pumunta sa banyo. Napangiti pa ako nang makitang pareho kami ng ginagamit sa mukha, naghihilamos ako at agad na lumabas. Natigilan ako nang makita s’yang naglalakad habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. I think she’s going well.

“Good morning!” nakangiting sambit ko. 

She stopped and looked at me. “Morning.”

“Hindi ka pa ba kakain o gusto mo na sabay tayo?” nagtatakang tanong ko. 

She shook her head and smirked at me. “Pinagluto kita ng pagkain kanina lang. I just want to thank you for taking care of me.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong tumakbo papunta sa ibaba ngunit natigilan nang makita sila Mom at Dad na nag-uusap kasama ang iilang bisita. Humalik ako kay mommy at ngumiti kay daddy at sa mga bisita. 

“Oh, you’re awake. Kanina ka pa hinahanap ni Amara dahil gusto niya na sabay kayong kakain," sambit niya. 

Kumunot lamang ang noo ko at sa huli ay pumunta sa kusina para hanapin ang niluto ni Cathalina. Nangunot ang aking noo nang makitang walang fried rice, tocino, at itlog sa lamesa kaya napatingin ako kay Amara.  

“Good morning!” She greeted. “Dinala ko pala dito ang mga foods para sabay na tayong kumain. Kanina pa kasi ako nagugutom at gusto ko sana na sabay tayo.”

Tinanong ko s’ya kung may nakita ba s’yang pagkain ngunit nagtaas lamang s’ya ng kilay at namaywang. Tinignan ko lamang s’ya dahil especial ang pagkain na ‘yun para sa akin.

“Oh, I remember it na. I saw it kanina and I put it in the garbage because it's–”

Gulat akong napatingin sa kanya at hindi makapaniwala. Kumunot lamang ang noo niya kaya galit akong tumingin sa kanya.

“What are you doing? Why do you have to throw away that food? I can't believe what you did, Amara!” galit na sambit ko at inis na sinuklay ang buhok ko. 

“Why are you angry? The food on the table earlier was not healthy so I threw it away. Tocino? Aren't you tired of eating that kind of food? The food I brought for you tasted better and it was cooked by a good chef so let’s eat," mahinahong sambit niya at tinignan ang pagkain sa harapan.

“Hindi ako kailanman nagsasayang ng pagkain, Amara! Akala ko ba ay alam mo? I volunteer for a charity so I don't like wasting food. Many people have nothing to eat and now you are wasting the food? God, Amara!” I said angrily.

Niluto pa naman ni Cathalina ang pagkain na ‘yun para sa akin. Napailing ako at agad na hinanap ang pagkain at nakitang nasa lababo ‘yun at nakakalat pa sa gitna. Masama kong tinignan si Amara na nakataas ang kilay at nakahalukipkip sa akin. Kapag nakita ‘to ni Cathalina malamang ay magagalit ‘yun sa akin. 

“Come on! That’s not a big deal dahil mas healthy pa ang pagkain na ‘to kaysa diyan. I waste money to buy that for you kasi alam kong magugustuhan mo ang mga binili ko,” mahinahong sambit niya. 

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Onde as histórias ganham vida. Descobre agora