“May sakit si ate kaya pwede ba na umalis na kayo! Hindi kayo nakakatulo–"

Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya nang bigla s’yang itulak ni Amara. Gulat akong napatingin sa kanya at agad na tumama ang noo ni Noemie sa gilid ng cabinet, mabilis akong umalalay sa kanya ngunit napatingin ako kay Cathalina na tumayo. 

Nanlaki ang mata ko ng basta na lamang binalibag ni Cathalina si Amara. Tila napigtas ang konting pasensya ni Cathalina at basta na lamang niyang sinugod sila Amara at Tita Belinda. 

“How dare you?!” Si Tita Belinda at agad na hinawakan ang braso ni Cathalina ngunit agad s’yang sinipa ni Cathalina sa tiyan kaya natumba rin ‘to sa sahig.

Tinapik ako ni Noemie kaya agad akong napatingin sa kanya. Umiling s’ya at agad na tinuro si Cathalina kaya naman mabilis kong nakuha ang nais niyang sabihin sa akin. Masamang magalit si Cathalina at kailangan ko s’yang awatin.

Kaagad akong tumayo at mabilis na niyakap ang braso ko sa tiyan ni Cathalina. Hinila ko s’ya patungo sa akin at nakita kong galit na galit ang mga mata niya at namumula ang kanyang mga kamao.

“Daddy!” Pareho kami ng natigilan at napatingin sa pinto nang makita si Senor Valeria na gulat ang mga matang nakatingin sa aming lahat. 

“Anong kaguluhan ito?!” Parang kulog ang boses ni tito na umalingawngaw sa buong kwarto. “Cathalina!”

Tinignan ako ni Cathalina at agad niyang hinarap si tito ngunit sa pagharap niya ay isang malakas na sampal ang natamo niya galing kay tito. Gulat akong napatingin kay Cathalina muntik nang matumba sa lakas ng sampal ni tito. Nakita kong tumulo ang dugo mula sa kanyang labi at nakita ko rin ang nangingilid na luha niya sa kanyang mga mata. 

“What the hell did you do, Cathalina? What did you do to them both huh? I came here to see your condition but is this all I can see? Are you crazy already? You know the ability you have and hopefully you haven’t used it on nonsense things!” si tito sa malakas na boses at inalalayan ang dalawa. 

“We came here just to check her...hindi namin alam na sila pa mismo ang magagalit dahil lang nandito kami. They even pushed me and mommy para lang umalis kami dito,” lumuluhang sambit ni Amara.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Amara. Kitang kita mismo ng aking mga mata ang tunay na nangyari at silang dalawa ang nauna. Napatingin ako kay Cathalina na bigla na lamang tumawa ng malakas kaya napalunok ako. 

“Great! Ako na naman ang mali.” Tumawa s'ya at pinunasan ang dugo sa kanyang labi. “At ito rin ang unang pagkakataon na ang sarili kong ama ay pinagbuhatan ako ng kamay.”

Nakita kong natigilan si tito at napatitig kay Cathalina. Inalalayan ko si Noemie dahil nahihilo pa rin s’ya, dinura ni Cathalina ang dugo sa kanyang labi at ngumisi kay Tito na hindi makagalaw.

“H’wag kang maniniwala sa kanila, daddy! Kami ang sinaktan nilang dalawa kaya dapat sa amin ka kumakampi hindi sa kanila!” si Amara sa galit na boses ngunit hindi man lang s’ya tinignan ni tito.

Tumawa rin si Noemie at dismayado rin kay tito kaya napalunok si tito at nanginig ang kanyang labi na para bang napagtanto niya ang kanyang ginawa.

“S-sweetheart...” bulong ni tito. “H-hindi ko sinasadya.”

Humalukipkip si Cathalina at matapang na hinarap ang kanyang ama. Pinunasan ni Cathalina ang kanyang labi at umiling kay tito.

“Bakit ngayon ka lang, dad? Masyado bang naging masaya ang bonding ninyo?” sarkastikang tanong niya. “Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na magtanong muna bago sumugod ngunit iba ata ang definition ng tanong sa’yo, isang napakalakas na sampal galing sa’yo”

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now