“Pwede ko bang makuha ang schedule mo?” Muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko sa biglaan niyang pagtatanong. 

“I will give it to you later after we ate,” mahinang sambit ko at tumango naman s’ya.  

Pagkatapos naming kumain ay agad akong umakyat dahil nag-uusap pa sila mom at Cathalina. Huminga ako ng malalim at agad na naligo para hindi kami mahuli sa trabaho ko. I wore a white french front long sleeve, semi spread tie, black slacks, and black blazer.

I put some gel on my hair ngunit nahuhulog lamang ang maliit na bangs kaya hinayaan ko na lang rin. Inayos ko ang bag ko at nilagay ang mga kailangan ko at nang matapos ay agad akong bumaba at nakita si Cathalina sa sofa. 

“Give me the keys at ako ang magd-drive,” kalmado ng sambit niya at nilahad ang kamay sa aking harapan. “Kasama sa trabaho ko na kailangan kong ipagmaneho ka ng sasakyan.”

Kumurap ako at agad na binigay sa kanya ang susi ng kotse ko. Mabilis akong nagpaalam kay mommy na nakangisi sa akin kasabay ang pagpalo niya sa aking pangupo.

“Mom!” I exclaimed kaya natawa s’ya. “I gotta go, mom. I don't want to be late.”

Inayos ko ang sarili ko at nakita ko ang motor niya sa gilid. Nagmamadali akong sumakay sa passenger seat dahil baka mainip s’ya. Sumakay rin s’ya sa driver seat at agad na inayos ang seatbelt niya at naamoy ko pa ang cherry niyang pabango kaya agad akong na-adik.

“Where are we going?” Tanong niya at hawak na agad ang manibela. Suot niya rin ang wayfarer niyang salamin kaya hindi ko makita ang mga mata niya.

“Sa Tagaytay tayo dahil may aasikasuhin ako,” sambit ko at sinuot rin ang semi-rimless kong salamin.

“Anyways, ibigay mo sa akin ang schedule mo para hindi ako mahirapan. I’m going to guard you 24/7 kaya naman ihanda mo na ang sarili mo sa pagmumukha ko.” Hindi ko alam kung nagbibiro s’ya pero ngumisi na lang rin ako.

Sinabi ko ang schedule ko at panay ang tango niya. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba pero nang makita kong nakikinig naman s’ya ay ipinagpatuloy ko ang pagsasalita ko. 

“I’m not going to disturb you kapag nasa trabaho ka. Asahan mo lang ako na nasa gilid para bantayan ka,” sambit niya.

“Wala namang problema sa akin ‘yun. Hindi ko lang talaga aakalain na ikaw ang magiging bodyguard ko,” sambit ko at nakita kong ngumisi s’ya.

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko rin inaasahan na ikaw ang babantayan ko.”

Tahimik kaming nakarating sa Tagaytay at agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Nakagat ko ang labi ko dahil ako dapat ang gumagawa sa kanya ng bagay na ‘yan. Nagtaas s’ya ng kilay at tinignan ako kaya wala akong magawa kundi ang bumaba sa sasakyan.

Nakita ko sila Adonis at Leo na nakaawang ang labi kaya ngumisi ako sa kanila at kumaway. Sumunod sa akin si Cathalina na nakasimangot lang nang makitang tinitignan s’ya ng mga kapwa ko mga engineers sa gilid.

“Bro,” gulat na sambit ni Adonis at lumapit para bumulong sa akin. “What's going on at bakit mo s‘ya kasama?”

I told them that she’s my bodyguard at lahat sila ay nanlalaki ang mata at mga nakaawang ang labi. I chuckled at tinignan si Cathalina na nasa gilid ko at nakatingin sa kanilang lahat. 

“Hey, Franches!” si Jiro sa masayang boses kaya agad akong napasimangot. “Hindi ko alam na bukod sa pagiging paid model ay isa ka ng bodyguard.”  

“Bumalik na nga kayo sa trabaho ninyo!” Bago pa sumagot si Cathalina ay agad akong humarang at nakasimangot silang tinignan. “Sisisantihin ko talaga kayo!” 

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Where stories live. Discover now