Prologue

112K 2.2K 177
                                    

Sa isang masayang park kung nasaan ang mga batang naglalaro ay may isang batang lalaki na nakamasid lang sa batang may kanya kanyang ginagawa. Tahimik lang siyang nakamasid, walang ganang tumayo manlang o makipag-usap sa mga kapwa niya bata. 

Ngayon lang siya nakalabas dahil limitado lang ang bawat araw na pwede s'yang lumabas dahil ang sabi ng daddy niya ay bawal raw siyang lumabas dahil delikado, hindi niya alam kung bakit pero dahil masunurin siyang bata ay sinunod niya. 

Ang daddy niya kasi ay isang kilalang business tycoon sa isang malaking kumpanya. Ang mommy niya naman ay isang Doctor sa hospital na pagmamay-ari nila at nag-iisang anak lamg siya dahil masyadong busy ang mga parents niya para bigyan siya ng kapatid. 

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na may tinatagong katauhan ang mga magulang niya. Dahil bata pa nga ay hindi niya alam, wala siyang muwang sa buhay. Palagi nalang bawal at palagi nalang sinasabi na delikado at sundin ang mga utos nilang lahat. 

Minsan tinanong niya sa sarili niya na kahit bata palang siya para na siyang nasa preso sa sariling bahay. Tinatanong niya na sana kagaya nalang siya ng ibang bata na malayang ginagawa ang maglaro sa labas at ang magkaroon ng kaibigan. Pero dahil ayaw niya na magalit ang ama ay hinayaan niya nalang. 

I want to be free...

Napatingin siya sa gilid nang may makitang batang babae na nakikipag-away kaya kumunot ang noo niya nang makita ang mukha nito. Hindi niya alam pero natulala talaga siya sa angking ganda nito. 

Maputi, medyo matangkad, at makapal na kilay. Mayroong mahahabang pilik-mata at ang matangos na ilong ay tama lang sa maliit niyang mukha. She have gray eyes na matalas kung tumingin at ang mga labi niyang kasing pula ng rosas. 

Eh? Napakaganda niya naman! At bakit ganito ang puso ko? Parang may karera? Normal pa ba ang ganito? O dapat ko nang sabihin kay daddy? 

Tinignan niya ang batang 'yun at hindi niya namalayan na naglalakad na pala siya papunta sa gawi ng mga bata. Nakita niya kung paano kumuyom ang kamao ng batang babae kaya bago pa siya makagalaw ay isang suntok ang pinakawalan ng batang babae. Napaawang ang labi niya dahil sa sobrang lakas ay natumba ang batang babae na nasa harapan niya. 

Aww, that hurts...

Galit ang mga mata ng batang babae kaya kaagad niyang hinila ang bata na gulat sa na napatingin sa kanya ngunit nag pahila rin naman. Dinala niya sa isang bench ang bata habang ang mga bodyguards ay nasa malayo at nakamasid sa kanya. 

"Bakit?" mahinang tanong ng batang babae at bakas dito ang kaguluhan sa mga mata habang yakap ang kanyang teddy bear. 

"Kawawa 'yung bata.” Tinuro ng batang lalaki ang kinaroroonan ng mga bata kaya napanguso ang batang babae sa kanya. 

"Kasalanan niya 'yun inaasar ako.” Napanguso ang batang babae sa kanya dahil hindi niya naman kasalanan kung nasuntok niya ang mukha ng batang lalaki.

Napailing nalang ang batang lalaki kaya sabay silang natawa, hindi alam ng batang lalaki na ganito pala ang pakiramdam kapag may kausap. Nag-usap silang dalawa hanggang sa tawagin na siya ng mga bantay dahil pinapauwi na siya ng kanyang daddy

"Uuwi kana?" Nalungkot ang batang babae sapagkat nais niya pang kausapin ang batang lalaki at nage-enjoy siyang kasama ito. 

"Oo dahil kailangan baka magalit si daddy.” Nahihiya siya sapagkat baka pagtawanan siya nito dahil ang strikto ng kanyang mga magulang. 

"Hindi ba tayo magkikita ulit? Diba friends na tayo?” Hindi alam ng batang babae kung bakit naapektuhan siya sa pag-alis ng batang lalaki. 

Nakagat ng batang lalaki ang kanyang labi at tinanggal ang bracelet na may hugis bituin bilang pendant. Kaagad niyang sinabit sa pulsuhan ng batang babae na nagulat at hindi makagalaw sa ginawa niya. 

"Kapag miss mo ako tingin ka lang diyan hindi ko alam kung kailan tayo magkikita." Titig na titig siya sa maputi nitong balat dahil bagay na bagay sa kanya ang bracelet.

"Ganda naman nito.” Hindi napigilan ng batang babae ang mamangha dahil napakaganda ng bracelet nito, ngayon lamang siya nakakita nito sa buong buhay niya. 

"Kapag namiss mo rin ako hawakan mo lang ang teddy bear na 'yan ha?" Binigay niya ang kanyang importanteng teddy na binigay sa kanya ng kanyang Mommy. "Ikaw na si tan-tan!" Natawa siya ng malakas at nag isip ng magandang pangalan para sa bago niyang kaibigan.

Nagisip rin siya ng pangalan na gusto niya para sa bata at nang makaisip ay natawa. "Ikaw naman si kat-kat!" Bagay na bagay sa kanya ang pangalan na ‘yun kaya naisipan ng batang lalaki ‘yun at nakasimangot na naman ang batang babae.

Tinawag na ang batang lalaki ng bantay niya kaya niyakap siya ng batang babae kaya niyakap niya rin pabalik ang bagong kaibigan. Hinila na siya ng bantay at naiwan si kat-kat na nakamasid sa kanya habang hilam ang luha sa mga mata.

"Pangako babalikan kita kat-kat!" Buong lakas na sumigaw ang batang lalaki dahil kahit papaano ay naging importante sa kanya ang kaibigan.

"Pangako 'yan! Tan-tan!" Si Kat-kat sa malakas na boses at binigyan siya ng ngiti na ikinatunaw ng puso niya.

Sumakay na siya sa van habang nakamasid pa rin sa batang babae na tumalikod na hawak ang bracelet. Tinignan niya ang teddy bear at niyakap dahil kaamoy niya ang teddy bear. Sana sa muli nilang pagkikita ay maglandas ang kanilang tadhana, at sa tingin niya ay hindi na niya papakawalan pa ito. 

Pangako kapag lumaki ako hahanapin kita kat-kat!

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon